15: "Perfect Time"
~~~~~•~~~~~•~~~~~
"Hey, Jake?" bati ko pagka-sagot ko ng phone ko. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko at naglakad papunta sa parking lot.
{ Baby Chan! Where are you? } sabi naman ni Jake sa kabilang linya kaya natawa ako. I'm already 26 pero talaga 'baby' padin ang tawag niya sa'kin. The endearment never died down.
I unlocked my car. "Nasa lot na ako, e. Bakit mo natanong?" usisa ko at pumasok ng kotse ko.
Saglit na natahimik sa kabilang linya. { Nasa labas ka padin? Late na! }
I chuckled. "Well, yeah. I'm a Physician's Assistant and maraming admissions kanina. Hindi ko naman p'wedeng iwan si Doctora," paliwanag ko at nilagay sa speaker ang tawag. I started the engine.
{ Okay. Be careful, then. I'll see you at your place in twenty. } aniya at kumunot ang noo ko sa pagtataka.
"My place? What? Nasa California ka and you didn't tell me?!" singhap ko sa gulat.
Jake laughed. { Baby Chan, surprise sana. Pero andito na ako sa harap ng apartment niyo ni Christy. Hurry up so we can celebrate! }
Napasimangot ako. "Celebrate what?" tanong ko at nagsimula nang magmaneho para maka-uwi na ako. I can't believe Jake is here.
{ Celebrate your engagement! }
Muntik na akong mapa-preno sa sinabi niya. Buti nalang at late na kaya wala nang masyadong tao sa daan. Napatitig ako sa phone ko. "Engaged ako?" gulat na tanong ko at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Napapailing nalang ako sa kabaliwan ni Jake.
{ Yup! So hurry up so we can party till we drop! No alcohol, I promise. Puro pagkain lang kaya bilis-bilisan mo na. But be careful. Don't get into an accident. } paalala niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Okay. I'll see you," sabi ko nalang at pinatay ang tawag. Nung tahimik na, napasimangot ako sa sinabi ni Jake. Last time I checked, I was single. Paanong engaged na ako? And to who? Aegeus is the only man I love and he is miles away from me. Imposible namang ibang lalaki dahil baka mas piliin ko pang mapukulan ng ulo. I snickered at my cheesiness at pinilig ko ang ulo ko.
Only one way to find out..
=•=
Will you marry me, Chanelle?
'Yan ang bumungad sa'kin pagbukas ko ng apartment and standing beside that banner was Aegeus holding a bouquet of red and white roses. Napamaang ako sa gulat at hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko habang impit na tumitili naman si Christy at si Jemma na nasa tabi. Jake was laughing with his arms around Christy. Nagulat pa ako when I saw Xenylia there with Brax, then ate Denise with my mom. Hindi talaga ako nakaimik.
"Hey! Move already!" inis na sigaw ni Jemma kaya naman napakurap ako at unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng mata ko.
"W-what... Pa-paanong..." Hindi ako makabuo ng sentence kaya naman nagsitawanan sila. Napasimangot ako at napa-padyak. "Hindi ako prepared!"
Lumapit sa'kin si mama. "Anak, surprise nga kasi ito!" sambit niya at niyakap ako sabay bulong ng, "Um-oo ka kundi kukurutin ko singit mo!"
Nanlaki naman ang mata ko. "Mama!" nae-eskandalong ani ko habang siya naman ay natatawang bumitaw at lumapit kay Xenylia na nakangisi. Namumulang umiwas ako ng tingin at napunta ang mata ko kay Aegeus na nakatayo padin doon, smiling unsurely. Tinaasan ko siya ng kilay at nagpamewang ako. "At ano naman itong ginagawa mo, hm? You're supposed to be in the Philippines!"
BINABASA MO ANG
The Perfect Time ❤️
Fiksi RemajaA QuenLia fiction. "Only time will tell" ang laging sinasabi ni Chanelle sa sarili. She believes in destiny, in that "perfect time". Naniniwala siyang lahat nangyayari sa takdang panahon, na lahat ay nasa ayon ng Diyos. And she knows that everything...