Dedicated to Jam (BarrettoJuls) who always looks forward to my every update. Thank you! #AnimaliaForever
11: "Limited Time"
~~~~~•~~~~~•~~~~~
Nakangising nakatingin si Fae at Xenylia sa'kin habang ako naman ay nakasimangot. Pinanood kong lagyan ni Aegeus ng pagkain ang plato ko kahit ilang beses ko ng sinabi na kaya ko naman. Pero ang kulit niya at pilit padin na inaasikaso ako. Kanina pa siya, simula nung gumising ako. Paglabas namin ni Xenylia sa room namin, nakatayo na siya sa tapat ng pinto at may dalang tulips para sa'kin. Tapos siya pa bumuhat ng bag ko pababa sa mini-resto sa ground floor ng hotel at ngayon na kumakain na kami ay halos subuan na niya ako. Alam kong sinusubukan niyang suyuin ako pero imbes na makilig ay naiinis pa ako. I'm really independent at naiinis ako na inaalagaan niya ako. I'm too old for cheesy and tacky moments!
"May yaya ka palang dinala, Chan?" asar ni Damon at nakangising inakbayan si Fae na humagikhik at sumandal sakanya. Tumaas ang kilay ko dahil kagabi lang ay magpapatayan na sila pero ngayon ay naglalambingan. Ano'ng nangyari?
Tumawa si Jared. "Aso kamo," aniya kaya naman napangisi nadin si Ramona.
"Hindi nakakatawa," blankong saad ko at inirapan si Aegeus na pinagbabalatan ako ng shrimp. Ugh.
He grinned at me tapos bumaling sa mga kasama namin habang ako naman ay kumain ng orange na pinagbalat din niya sa akin. Hindi nalang din ako umimik at kumain nalang dahil nakahanda nadin naman ang pagkain ko sa harap ko. Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nila dahil medyo binabagabag din ako ng kaunti.
Apat na araw nalang, aalis na kami. What will happen? Surely, Aegeus can't fix his issues and leave his baggages during that time period. Ibig sabihin ba nito ay "Game Over" na kami? Nanlamo ako sa naisip ko. Sinaktan niya ako pero mahal ko padin siya. Bali-baliktarin man ang mundo, hindi ko maalis sa puso ko na umasang sana kwento naman na namin ang ganap. Lahat naman ng tao na in love ay gustong makapiling ang mahal nila, e. Pero napagtanto ko din na hindi lahat ng tao ay wagi sa laro ng pag-ibig. Maraming sawi at umuuwing luhaan.
Magwawagi ba ako o masasawi?
"Okay ka lang?" tanong sa'kin ni Aegeus kaya naman maang na tumango lamang ako. Kumunot ang noo niya. "Sigurado ka ba? Parang namutla ka ata bigla."
Kinagat ko ang labi ko. "H-hindi, don't mind me. Okay lang talaga ako. Natandaan ko lang 'yung mga gagawin ko," palusot ko at umiwas ng tingin.
"Oy. Isuna man isisipemun aya?" biglang sabi ni Xenylia kaya kumunot lahat ang noo nila dahil nag-Ilocano siya. Napahawak ako sa batok ko dahil nahalata niya agad na si Aegeus ang iniisip ko.
Tumango naman ako. "Wen. Di ka man lang agsasaon," bwisit na sabi ko at inirapan siya. Buti naman at sumunod siya sa sinabi ko na manahimik nalang. Tumingin ako kay Aegeus na nakangiti kaya naman tumaas ang kilay ko. "Ba't ka nakangisi d'yan?!"
Umiling siya at sumubo kaya naman napasimangot ako.
"Ano'ng agenda natin ngayon?" tanong naman ni Ramona na minamasahe ang kamay ni Fae para kumalma si Fae. Nai-stress na naman daw kasi dahil inaasar na naman siya ni Damon, na kanina lang ay kalambingab niya.
Nagkibit-balikat si Xenylia. "Maglakad-lakad nalang tayo. Mainit masyado kaya ayoko magka-skin cancer," sambit niya at kumain kaya naman napailing ako. Ako 'yung nasa Medical Field pero dinaig pa niya ako sa pagiging healthy.
"Shopping nalang kaya?" suggest ni Ramona at nakita kong agad ngumiwi ang mga lalaki kaya napangisi ako. "Tutal andito naman na tayo at nang makabili nadin tayo ng souvenirs. P'wede bang magpa-Henna tattoo ang buntis?"
BINABASA MO ANG
The Perfect Time ❤️
Подростковая литератураA QuenLia fiction. "Only time will tell" ang laging sinasabi ni Chanelle sa sarili. She believes in destiny, in that "perfect time". Naniniwala siyang lahat nangyayari sa takdang panahon, na lahat ay nasa ayon ng Diyos. And she knows that everything...
