•TWELVE•

316 8 0
                                    

12: "About time"

~~~~~•~~~~~•~~~~~

Cannon Aegeus

Nakangiti lang si Cannon habang nagmamaneho pauwi sa bahay ng mga magulang niya. Kadadating lang nila galing Cebu at nung maihatid siya sa kanyang bahay ay agad siyang nagbihis para puntahan ang mama at papa niya. Gusto niyang kausapin sila at sabihing tatalikuran na niya ang kasalanan na kailanma'y 'di magaganap. Tutal, tapos naman na ang kanyang obligasyon at nakabangon na ang SMI, magb-branch out na nga ito, e, kaya siguro ay tama lang na sariling kasiyahan naman ang piliin niya.

Pagdating niya sa kinalakihan niyang bahay ay agad siyang bumaba at binati siya ng mga kasambahay. Agad siyang tumungo sa kusina kung saan nagluluto ang ina niya at lumapit siya dito tsaka yumakap mula sa likod ng ina niya.

"Morning, mom," bati ni Cannon at hinalikan ang mama niya sa pisngi bago humiwalay at umupo sa high stool.

Ngumiti ang mama niya. "Napadaan ka, 'nak? How was your trip to Cebu?" tanong niya at hinain ang pagkain.

Cannon grinned. "Okay naman po, mom. Loved it," aniya at kukuha na sana ng bacon pero agad siyang pinigilan ng ina niya.

"Wait for your dad," sabi ng mama niya tapos umupo sa tapat niya. "Well, how was Chanelle? I heard from Denise na kasama mo siya sa escapade mo."

Nagpaikot ng mata si Cannon. "Chismosa talaga nun," biro niya kaya naman natawa sila ng ina niya. "Pero, yeah, Chan was there and we kind of reconciled, mom. That's why I'm here."

Ngumiti si Georgina. "Buti naman at naisipan mo nang talikuran ang kasal? I've been waiting for you to do that," sambit niya ba kinatawa naman ni Cannon.

Magsasalita sana siya pero agad siyang natahimik nung pumasok ang ate niya kasama ang ama niya kaya naman tumayo siya at bumati sakanilang pareho na halatang gulat na andito siya. Hindi naman kasi siya madalas na umuwi pero importante lang talaga ang pakay niya at ayaw naman niyang sa telepono sila mag-usap tungkol sa bagay na ito. May respeto padin siya kahit papano.

"What are you doing here, brother?" pagtataka ni Denise at umupo na sa tabi niya.

Nagkibit-balikat siya. "May sasabihin ako," saad niya.

Tumaas ang kilay ni Lukas. "Finally backing out, huh?" tanong niya at tumango naman si Cannon. "About time. Where's Miss Rueles, then?"

Tumawa si Cannon. "Dad, hayaan mo munang suyuin siya bago ko siya ipakilala sainyo."

"Ang weak mo, bro!" asar naman ni Denise at hinampas siya pero masyado siyang masaya para mainis sa ate niya.

"Let's pray and eat before chatting, yeah?" usal naman ng ina nila kaya sumunod na sila.

They spent their lunch just laughing and bonding like when they were still kids at lahat sila ay nakatira pa sa bahay na 'yun. Na-kwento din ni Cannon ang nangyari sa dalawang araw na pumunta sila ng Cebu at nakangiti lang siya habang inaalala ang nakaraang dalawang araw. Aaminin niyang lumaki ang pag-asa niyang mapasakanya na si Chanelle. At sana nga lang ay hindi siya umasa sa wala dahil matagal na niyang gustong makasama ang babaeng mahal niya at walang makakapagpigil sakanya na gawin ang lahat.

"Cannon, dear," tawag ng mama niya kaya naman tumingala si Cannon at tinignan ito. Ngumiti si Georgina. "Padating na pala si Jake. Nasabi ko na ba?"

Nawala ang ngiti sa labi ni Cannon at umupo siya ng tuwid. "Ano naman ang gagawi niya dito, ma?" tensyonadong tanong niya at agad naisip ang kanyang kapatid. Kung tutuusin, hindi naman talaga sila magkadugo dahil ampon lang si Jake. Natandaan ni Cannon noong mga bata pa sila at hindi sila mapag-hiwalay pareho. Pero nung nahanap na ni Jake ang kanyang tunay na ama ay umalis nalang siya. Gamit padin niya ang Serevlio pero Frias na siya ngayon, dahil Frias ang ama niya. Aaminin ni Cannon na may tampo padin siya sa kapatid niyang iniwan siya sa ere at kailanma'y 'di na nagparamdam. Nagsimula lang tumawag si Jake at mangamusta noong nasa kolehiyo na siya.

The Perfect Time ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon