For future inquiries: Xenylia se-nil-ya
1: "What time is it?"
~~~~~•~~~~~•~~~~~
"Chan!!"
"Aray! Ba't ka ba sumisigaw?!" asik ko kay Xenylia, best friend ko.
Sumimangot naman siya. "Kanina pa kasi kita tinatawag pero wapakels ka naman!"
Ngumiwi ako. "Xeny, college ka na, pang-beki padin ang salita mo?"
Nagpaikot siya ng mata. "E, iketch ay maarte lang!"
Nagkunwaring nasusuka nalang ako kaya naman pabirong hinampas niya ako. Inirapan ko siya pero ngumisi lang siya at inayos ang bag niya.
"Nakuha mo na ba schedule mo?" tanong niya sa'kin at tumango naman ako.
"Monday to Thursday lang ang kinuha kong classes, tapos may isa akong class sa Sabado ng hapon," sabi ko na bago pa siya magtanong. "Ikaw, ano sa'yo?"
"Tuesdays to Saturday," aniya naman kaya gulat na napatingin ako sakanya. Tumawa siya. "Hay nako, ateng! Don't make kaba, okay? 11am lahat ng classes aketch!"
Napalabi ako. "Ang dami padin. P'wede namang light load lang, a?"
Umiling siya at inaya akong umupo kaya umupo kami na magkaharap. "Kasi, ateng, kailangan ko! Baka mamaya singhalan na naman ako ni papa," sabi niya kaya manghang tinaas ko ang kilay ko. Humagikhik siya. "Alam mo naman 'yun! Strikto sa pag-aaral ko! P'wede akong kumembot pero bawal bumagsak sa exams!"
Natawa nalang ako. "Kung ba't ba kasi Accounting ang kinuha mo? Sabayan mo na ako sa Pre-Med. Mas yayaman ka nun, p'wedeng mag-OFW."
Napangiwi siya. "Mayaman nga, yucky naman!" bulalas niya kaya natawa ako. "Dugo ang nakakasalumuha araw-araw? H'wag na! Magbibilang nalang ako!"
"Ang arte neto," sambit ko naman at nilabas na ang notebook ko. "Samahan mo pala ako, sa library tayo. 'Di ba may shift ka naman doon?" Nagt-trabaho kasi siya ng part-time sa public library kaya madalas din na doon kami nakatambay pareho dahil maski ako ay doon din kailangang magpunta. Tahimik kasi doon at nakakapag-review ako para sa nalalapit na Board Exams.
"Oo, pero p'wede mamaya na? Alas-tres pa ang shift ko doon, e," aniya at tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Daan din tayo ng mall mamaya, Chanelle. Naka-sale daw ang Victoria's Secret ngayon."
Nagtatakang tinignan ko siya. "Bakit mo naman kailangang bumili nun? Ubos na ba panty mo?" diretsang tanong ko. Wala namang kaso dahil magkaibigan kami, sabay kaming lumaki dahil first cousin ko din siya. Komportable na kami sa isa't isa.
Tumawa siya at nilabas ang dala niyang Nova chips. "Hindi, gaga. Gusto ko lang bumili. Nakaka-sexy kaya ang mga 'yun!" usal niya.
"Ang mahal kaya ng mga nun!" naeeskandalong sambit ko naman. Totoo din kasi, minsan nga bumili 'yung ate ko ng isang pair daw ng lingerie. Tapos daw ang nagastos niya ay halos isang libo na. Mahal na 'yun, lalo na kung para sa isang garter lang at manipis na tela.
Nagkibit-balikat si Xeny. "Worth it 'yun, malalaman mo din 'pag nagka-boyfie ka na," aniya at ngumiwi ako. Alam kong aasarin na naman niya ako dahil dakilang NBSB ako. Habang siya, nasuko na ang bataan. Hindi ko naman kinakahiya na NBSB ako dahil isa akong hopeless romantic. At gusto kong kapag nag-boyfriend ako, kapag nagmahal ako, sa iisang tao lang. Kaya nga hindi ko minamadali ang sarili ko, e. Dahil alam kong may tamang panahon para sa pagmamahal.
At hindi pa ngayon 'yun.
"Tigilan mo nga ako," mabilis na kontra ko na bago pa siya magsalita. "Ayoko muna ng boyfriend. Hindi pa ito ang--"
BINABASA MO ANG
The Perfect Time ❤️
Novela JuvenilA QuenLia fiction. "Only time will tell" ang laging sinasabi ni Chanelle sa sarili. She believes in destiny, in that "perfect time". Naniniwala siyang lahat nangyayari sa takdang panahon, na lahat ay nasa ayon ng Diyos. And she knows that everything...
