Short update. I apologize.
13: "Our time"
~~~~~•~~~~~•~~~~~
Napalunok ako ulit habang tinitignan si Ate Denise at si Aegeus na nasa harapan, naghihintay at naghahanap samantalang nasa pinaka-likod ako at hindi mapakali. Pinilit kasi ako ni Aegeus na samahan siyang sunduin si Jake dahil napaaga ang dating niya. Sinabi kong ayoko pero nung tinanong niya kung bakit wala akong nasabi kaya naman wala din akong nagawa kundi sumama. Kaya ngayon nasa Arrivals na kami ng NAIA at naghihintay. Huminga ako ng malalim at napalinga-linga. Two days from now, babalik na naman ako dito pero sa Departure area naman na. Hindi ko alam kung excited ba ako o hindi, e. But I'm torn.
"--sana naman sinabihan tayo na mad-delay ang flight niya," inis na sambit ni Aegeus habang papalapit silang dalawa sa'kin.
Ngumiti si ate Denise sa'kin bago lumingon kay Aegeus. "Mag-isip ka nga, dearest brother. Makaka-text ba 'yun from an airplane? Walang signal doon, baliw!" sagot naman ni ate kaya natawa ako habang mas napasimangot lang si Aegeus at tumabi sa'kin.
"Okay ka lang ba?" tanong niya sa'kin at tumango naman ako tsaka ngumiti. Tumingin siya sa ate niya. "Ano ba kasi arte niya at kailangang andito pa ako? May truck ka naman."
Tumawa si ate Denise. "Bonding? Ewan ko doon. Pagbigyan mo nalang si Bunso," sabi ni ate kaya naman pinisil ko ang braso ni Aegeus dahil sasagot na naman sana siya.
Bumuntong-hininga siya at yumakap sa'kin. Hinayaan ko naman siya at umiwas lang ako ng tingin dahil bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Nagkatinginan kami ni ate Denise at ngumiti siya sa'kin. Ngumiti din ako pabalik. Sumubsub si Aegeus sa leeg ko at hinaplos ko naman ang buhok niya habang nag-usap kami ni ate Denise tungkol sa bago niyang clothing line. Sharp sophistication kasi ang forte niya at aaminin kong gusto ko sa style na 'yun. But I like casual sophistication more.
"Hay nako, Chanelle, alam mo maraming wannabe fashionistas ngayon! Lalo na sa mga artista! Feeling nila classy sila at sophisticated pero ang cheap naman tignan, my gosh. Do you know who I mean? Naiinis ako sakanila, they're trying too hard," inis na angal ni ate kaya naman natawa ako. Tumingala si Aegeus mula sa leeg ko at tinaasan ng kilay ang ate niya kaya naman napangiti ako. Umirap si ate Denise. "Bakit ka ganyan makatingin?!"
Umiling si Aegeus at sumubsub ulit sa leeg ko. "Ano nga ulit 'yung lagi mong sinasabi tungkol sakanila, ate?" tanong niya at medyo napatalon ako dahil nakiliti ako. Napailing nalang ako at tumingin kay ate Den.
Nagtaas-noo si ate Den. "Valentinos won't make you classy--you make Valentinos cheap," aniya kaya naman natawa ako. Napailing ako at lumingon sa likod niya and I stiffened when I saw Jake Frias standing there, looking at us. At me.
Natahimik ako at nawala ang ngiti sa labi ko dahil talagang natameme ako. Nagkatitigan lang kami at ramdam kong tumingala si Aegeus at nakatingin na silang pareho sa'kin. Hindi ako nakagalaw habang papalapit siya sa'min at napabaling nadin ng tingin doon sina ate at Aegeus. Hanggang sa makalapit si Jake ay hindi padin ako kumikibo.
"Ate," bati niya at niyakap si ate Denise na agad naman tumili at kumapit sakanya. Tumawa si Jake at tinapik ang likod ni ate Denise. "How are you, ate? Na-miss kita."
"Ikaw din," saad ni ate at humiwalay na. She stood beside him.
Tumango si Jake at bumaling kay Aegeus. "Pal, musta na?" nakangiting tanong ni Jake at nagulat na lamang ako nung binitawan ako ni Aegeus at niyakap si Jake na tumawa at yumakap din pabalik. "Akala ko galit ka pa," usal ni Jake nung naghiwalay sila.
Ngumisi si Aegeus. "Nagtatampo pa ako sa'yo, ugok. Tagal mong 'di nagparamdamn sa'kin," sabi niya at sinuntok ng pabiro si Jake.
Tumawa si Jake. "Nag-usap naman tayo, ah? Sa Viber," sagot niya.
BINABASA MO ANG
The Perfect Time ❤️
Teen FictionA QuenLia fiction. "Only time will tell" ang laging sinasabi ni Chanelle sa sarili. She believes in destiny, in that "perfect time". Naniniwala siyang lahat nangyayari sa takdang panahon, na lahat ay nasa ayon ng Diyos. And she knows that everything...
