•SEVEN•

388 13 3
                                    

7: "Long time"

~~~~~•~~~~~•~~~~~

Five years later

"Chanelle, did you get the letter yet?" tanong sa'kin ng kaibigan ko na si Jemma.

Ngumiti ako at umiling. "Not yet. How about you? I heard they sent the first batch out yesterday."

She nodded. "Yes. I'm so nervous! I really want to go to medical school as soon as possible! Lucky you, you got accepted to Berkley." Lumabi siya kaya natawa ako. "Why can't I be smart like you?"

Kinurot ko siya sa braso. "Silly, shut up. I just study a lot," sabi ko at tumingin sa phone ko. Napasimangot ako. "Where on Earth is Christy? She should be here already."

Nagpa-ikot siya ng mata at sumipsip sa iniinom niya. "You know that woman is always late."

Tumawa ako. "I'll just buy a muffin. Want one?"

"No, I'm watching my carb intake."

I rolled my eyes and stood up. Nakipila na ako at dahil medyo mahaba dahil unaga palang at laging busy ang Starbucks, naisipan kong tawagan na muna si mama sa Viber, tutal gising naman na 'yun dahil night shift siya.

{ Hello, anak? }

Napangiti ako. "Hi, ma. Nakadistorbo ho ba ako?" tanong ko at umusod ng konti sa pila.

{ Hindi, Chan. Bakit ka ba napatawag? Pauwi na ako. }

"Na-miss lang kita, ma. Mag-ingat po kayo, ah? Kamusta na ho ba kayo d'yan?" Finally, turn ko na at nag-order lang ako ng chocolate muffin tapos ay nag-hintay na ulit sa isa pang pila. Nakita ko din nakadating na si Christy at kinayawan ko siya habang pumila siya.

{ Okay naman kami. Salamat ulit sa padala mo, anak. Nagustuhan namin ni manang Leti 'yung tsokolate! }

I laughed. "Buti naman, ma," ani ko at kinuha na 'yung order ko at nagsimulang bumalik sa table namin. "Ma, bye na po. Andito na kasj mga kaibigan ko. Tawag ulit ako kapag may time."

{ Sige, Chanelle. Mag-ingat ka, ha? I love you, anak. }

"Love you, mama," sagot ko at pinatay na ang tawag, saktong tumabi ako kay Christy. "You're late."

"Again," dagdag ni Jemma kaya natawa ako.

Christy shrugged. "Leo had to pick up his girl before dropping me off," sabi niya. Si Leo ang kapatid niya at driver nadin niya. Ayaw kasi ni Christy ang mag-drive dahil takot siya lalo na sa freeway. Kaya hatid-sundo siya ng kapatid niya.

"Poor Leo," nakangising asar ni Jemma kaya napa-irap si Christy. "Anyway, did you get your letter?"

Umiling si Jemma. "They sent it alphabetically. I'm getting mine in three days, maybe."

"Great," nakangiwing saad ko, "I'm getting it in a few weeks, seeing that I'm a Rueles."

Tumawa silang pareho kaya mas napalabi ako. Pero agad din akong napangiti dahil nadala nalang din ako. Ibig sabihin, kasama ko si Xenylia pagdating ng letter. Bibisitahin kasi niya ako at sabay kaming uuwi ng Pilipinas. Matagal nadin kaming 'di nakapag-bakasyon dahil pareho kaming busy sa pag-aaral. Two weeks lang din naman kami sa Pinas, uuwi din kami agad dahil may trabaho kaming pareho. At in a month, start na ng Physician training ko.

"Hey, is Xeny still coming over next week or so?" tanong ni Jemma.

I nodded. "Yeah, she'll be here in a week. She's just finishing off her exams. Why?"

"Let's go shopping!" tili ni Christy.

Natawa ako. "What for? We just shopped last week," saad ko.

The Perfect Time ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon