Forward 1

37 3 0
                                    

Naguguluhan ako but I have to answer so I will understand everything.

"Si Dave ka po ba?"

"No, I'm not. Kalalabas lang niya ng room para kausapin ang doctor ko. May I know who's on the line?"

"What do you mean room? Doctor? Sino ka ba ha?

Tumaas na ang tono ng boses ko at naging atat ako sa kasagutan sa mga tanong ko. Ano bang nangyayari?

"This is Vince Calaguas, friend ako ni Dave, dinalaw niya ako dito sa hospital. He left his phone kasi biglang nagka-emergency."

Bakit siya nasa ospital at kailan pa sila naging magkaibigan ni Dave? Bakit puro nalang bakit?

"So now Miss can you answer me, who are you?"

Napindot ko ang end call button, napaupo ako sa sahig. Nakaramdam ng hindi ko rin alam.

Lumipas ang oras, nakatulala lang ako na nakatingin sa kisame. Hindi ko na magawang umiyak, sawa na rin mismo ang luha na umagos sa mga mata ko. Saka ano bang dahilan ng lahat ng ito? Gumugulo ang mga pangyayari pero kailangan ko ng harapin kung anoman ito.

Naligo ako, nagbihis at nagdesisyon na magpasama kay Bry na hanapin kung saang ospital naroon si Vince.

"Bakler ka! Inistorbo mo ako Sunday na Sunday imbes na restday ko para lang puntahan si Vince! Akala ko ba move on na ang peg mo ha?"

"Oo nga, kaya lang, I wanna find out why he's in the hospital. Saka paano nangyaring naging magkaibigan sila ni Dave e nung college na bf ko siya never silang naging close. Gusto ko ring makausap si Dave."

Marami na namang dinakdak si Bry pero hindi na pumapasok sa kokote ko. Ayoko ng makipagpalitan ng salita.

Kaharap ko na si Lyn habang kumakain kami ng kwek-kwek sa foodcourt ng Festival Mall.

"Di rin kita masasagot Mitch, ngayon ko lang rin nalaman na magkakilala pala ang dalawang yun. Gusto mo tawagan ko si Dave para tanungin saan yung ospital?"

Tumango ako sa kanya pero pinasiguro kong di niya babanggiting na ako ang nagpapatanong.

Sinimulang tawagan ni Lyn ang pinsan niya pero unattended na ang number niya.

Nagpasalamat ako kay Lyn at Bry kahit na bigo akong masagot ang mga palaisipan. Nakauwi na ako't lahat, saka ko lang naalalang Lunes bukas at may pasok na ako bilang isang guro.

Nag-alarm ang cellphone ko kaya hindi ako na-late. Namiss ko ang mga student ko dahil parang ang tagal kong nawala. Dating gawi, ligo, bihis, biyahe, time in, turo, time out, biyahe, uwi, bihis, tulog, gising ulit kinabukasan at paulit-ulit.

Nag-time in ako, 5:53AM may general assembly pa, excited akong puntahan ang advisory class ko na kahit makulit ay mga sweet naman.

"Mitch!"

Paglingon ko, si Beah pala. Nung bumalik ako sa past hindi kami ganoong nakapagbonding dahil puro thesis ang inatupag namin, well, co-teacher ko naman siya kaya okey lang.

"Beah, kamusta ka?"

"Nung Friday lang tayo di nagkita makakamusta ka naman."

Napangiti ako, hinatak ko ang buhok niya.

"Gaga ka, bakit masama na bang kamustahin ka?"

"Hindi naman, di lang ako sanay na nangangamusta ka. Haha! By the way Mitch, nabalitaan mo na ba yung tungkol sa batchmate natin from CAS Department na Cum Laude, si Dave Tuazon?

Biglang nagising ang diwa ko nang marinig ang pangalan niya.

"Hindi. Anong balita tungkol sa kanya?"

"Di ka pala updated bhe, si Dave raw kasi, naipasa niya yung scholarship sa Harvard University at aalis siya ng bansa anytime soon. Ang genius pala talaga nun!"

"Ha? Aalis siya ng bansa? Kelan naman daw?"

"Yun ang hindi ko na alam pero grabe bongga yun. Harvard!"

"Sige Beah ha, yung klase ko baka nagkakagulo na."

Naglakad na ako papuntang IV-Garnet, pagpasok ko ng pinto lahat naman sila tahimik. Ganito kapag section 1, lahat ang focus ay paano mapapataas ang grade nila kaya di naaksaya ang oras sa walang kwentang bagay.

"Class good morning!"

"Good morning Ma'am Mitch!"

"Sige maupo na kayo."

Napahinto ako saglit kasi inisip ko pa kung ano bang ang lesson namin ngayon. Diko nadala yung lesson plan ko, nasa drawer ko sa faculty.

"Class magsimula tayo sa isang review."

"Throwback ba Ma'am?"

"Rewind tayo Ma'am Mitch!"

"Hindi forward lang palagi."

Tinigil ko ang biruan ng mga student kong kambal na sina Xila at Eva.

"Ma'am, we discussed about the Rules in Photojournalism then you instructed us to submit our samples today."

Narefresh ang utak ko, tama, photojournalism nga ang topi namin last time. Ipinakita ng mga bata ang mga gawa nila. Lahat sila sumunod sa mga diniscuss ko, tamang anggulo, peak of the moment, may kwento, mahusay. Hawak ko ang mga gawa nila pabalik sa faculty. Pagdating ko sa loob agad na bumungad sa akin ang larawang nasa table ko, larawan ko habang nakaupo sa ilalim ng paborito kong puno sa Sunken Garden. Nakangiti ako at hawak ang aking mga libro. Binasa ko ang nasa ilalim na caption: " Sa iyong ngiti, nasilayan ko ang kahulugan ng bawat tibok."

Kanino 'to manggagaling? Kay Dave, kay Vince? Kanino?

"Hey Mitch! Ang ganda mo sa picture na yan ha. Ang gwapo rin ng guy na nagdala n'yan dito nung Friday afternoon. Maaga kang umuwi,sayang, nagkita ba kayo?"

Nakita pala ni Maica yung guy, pinadescribe ko siya at may kasiguraduhan, si Dave Tuazon siya. Kinuha ko ang cp ko at tinawag ang number siya pero unattended pa rin. Nagpalit na kaya siya ng number?

"Lyn, bhe, saan nakatira si Dave?"

Siya nalang ang kinausap ko tungkol sa pinsan.

"Bhe taga-Katarungan Phase 5 siya. If pupuntahan mo siya bilisan mo kasi anytime soon ais na siya ng bansa. Ngayon ko lang nabasa na he passed..."

" Sige bhe, pabalik na ako ng house, samahan mo ako para di na ako maligaw."

Nagmadali akong nagtime-out hanggang sa makarating ng bahay.

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon