Pause 00

184 8 3
                                    

*-------------------------------*-------------------------------*

“Wala namang makakapagsabi na effective kung hindi mo mismo susubukan diba?” tanong ni Bry habang kinukumbinsi ako na subukan ang puntahan ang matandang babae na kaya raw tuparin ang kahilingan mong balikan ang isang bahagi ng iyong nakaraan. Weh? Pwede bang mangyari yun? Paano? Sasakay ba ako sa isang time machine o kaya naman ay kakainin nalang ng isang malaking aparador gaya ng mga napanood ko sa pelikula? Imposible namang mangyari yun sa tunay na buhay noh!

“E di ba kahapon lang desidido kang mag-travel back in time. Gora na te!” muling pagpupumilit ni n’ya. Makakatanggi pa ba ako lalo na dahil kulang na lang kaladkarin niya ako.

 “Natatakot ako, baka mamaya mangkukulam yan o kaya kulto na may kapalit tapos yung kaluluwa mo pala kukunin nila.”

“Tangek ka friend! Mabait daw yung matanda na yun sabi ni Krizzy saka hindi n’ya mukhang nakakatakot. Basta, let’s see.”

Halos nalaglag ang panga ko nang makarating sa bahay nung matanda, isang malaking mansyon, saglit ko ngang kinurot ang sarili ko dahil baka imahinasyon ko lang ang nakikita ko. Tipong pang-eenganyo lang tapos kapag nasa loob na kami biglang hindi na kami pwedeng makalabas then that would be the end of our lives.

Ilang minuto pa ang lumipas, “Iyan bang nararamdaman mong kagustuhan na balikan ang mga panahong iyon ay matindi? “ Kinakausap na pala ako ng matandang pakiwari ko’y 60 anyos na. Maamo ang kanyang mukha at napakalumanay magsalita.

“Opo, gusto ko po talaga. I want to correct the mistakes I did those times. If that would be possible, hindi po ako masasaktan at magiging masaya ako ngayon.”

Inabot n’ya sa’kin ang isang papel na sabi niya ay  naglalaman ng mga mahihiwagang salitang ipinamana pa sa kanya ng  kanyang lola. Basahin ko daw iyon ng tatlong beses na walang sinuman ang makaririnig.

“Subalit iha, ang magiging problema mo ay hindi ka makakabalik sa panahong iyon agad-agad.” ang kataga niyang nagpataas ng aking tinig.

“Po? Bakit po?”

“Dapat kasi may isang tao rin na kagaya mo ang nararamdamang kagustuhang balikan ang pareho at ekstaktong petsa. Halimbawa, ikaw, ika-9 ng Hunyo, 2009 ang eksaktong araw na nais mong puntahang muli. Dapat may isang tao rin na hinihiling na balikan ang petsang iyon sa parehong oras at lugar.”

“Hala! Ibig sabihin isang tao na gusto rin balikan ang June 9, 2009, bandang 5:00 ng hapon sa aming university canteen? Paano naman mangyayari yun? Sino namang tao ang gugustuhin ding balikan ang panahong iyon? Wala na po bang ibang paraan?”

“Wala na iha, yun lang ang kakayahang ipinamana sa akin ng lola ko. Balewala raw kasing bumalik sa panahon lalo na kung mag-isa ka lang, walang sasama sa’yo na gawing mas masaya ang alaala. Pero subukan mo pa rin, malay mo magising ka na lang isang araw at natupad na ang kahiligan mo.”

Nakalabas kami ng mansyong iyong tila naglaho ang aking  katiting na pag-asa. “Bry, wala ka bang gustong balikan nung June 9, 2009?”

“Wala at kung meron man hindi rin uubra kasi nung araw na yun ng 5:00pm ay hindi tayo magkasama. Nasa magkaibang lugar tayo. Sino ba ang mga kasama mo that time?”

“Sina Beah, Joanna at Lyn. Nag-iisip kami nun ng thesis title namin. Pero panigurado akong hindi rin nila gugustuhing balikan ang araw na yun noh. Isipin pa nila nababaliw na ako. Pero hindi pa rin ako susuko, susubukan ko pa ring basahin ang mahiwagang spell na ito. All I have to do is believe and wait.” 

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon