Rewind 0.1

301 12 0
                                    

"Mitch, gising na! Ang tagal mo ng tulog ah, hindi ka prinsesa para tanghali gumising. Yung chapter 1 ng thesis ninyo uumpisahan n'yo yun today right?"

Pinilit kong imulat ang mga mata ko, pero alam kong nanaginip lang ako kasi boses ni Cathy ang naririnig ko. Saka thesis? Haler!!! Fourth year college ako nung huling ginawa ko yun noh! Putris!

Halos literal na dumugo ang ilong ko at ng mga kaklase ko para lang maipasa yun on time. Teka

lang, bakit parang...

"Ayan, nagising din ang tulog-prinsesa kong bestfriend. Luto na yung sinangag saka hotdog. May utang ka sa aking 40 pesos kasi bumili rin ako ng mantika."

Nanlaki ang mga mata ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. It's Cathy! Nilibot ko pa ang mga mata ko at narecognize na I was in our former room na nirentahan namin. Napabangon ako bigla at halos mapapasigaw na.

"Uy, anyare sa'yo? Sige, 20 pesos na nga lang sisingilin ko."

"Nananaginip lang ba ako? Anong ibig sabihin nito? Bakit?"

"Ha? Teka lang, anong panaginip? Pwede ba wag kang mag-joke Mitch, bahala ka, anong petsa na oh! Madami ng text mga classmate mo, yung thesis n'yo gagawin na daw ninyo."

Nagsimula akong kumilos na parang mahihimatay then I remembered, yung usapan namin ni Bry last day, bumalik ako sa panahon ng taong 2009, fourth year college ako, I was the president ng University Student Council, running for Magna Cum Laude at ito yung year na nakilala ko si Vince.

Sh*t!!! Nagkatotoo yung hiniling ko, binigyan ako ng pagkakataon na maitama ang pagkakamali ko, ang pagpili sa maling lalaki.

"I'm ok.! Ikaw naman,hindi ka mabiro, nagpapractice lang ako ng pag-arte para sa role playing namin saHumanities mamaya. Haha!!" Nagpanggap akong ayos lang ang lahat para naman hindi maging akward kay Cathy. Dali-dali akong naligo at nagbihis. Kulang na lang gayahin ko si Goku na mag-instant transmission technique para makarating agad ako sa school namin.

Malayo palang tanaw ko na ang mga dati kong classmate na sina Lyn, Beah at Joan. "Tinanghali ka ba ng gising? Pasalamat ka leader namin," bungad ni Joan sa'kin na hindi na maipinta ang mukha. "Sorry naman, don't worry may naisip na akong title for our thesis at pati chapter 1-5 ako ng bahala." Paano ba naman, replay na lang ang lahat, so kelangan ko pa bang mag-isip ng bagong thesis? "Nice naman! Ang swerte talaga namin to have you."

Lumipas na ang mahigit limang oras. Hindi ako mapakali sa pagcheck ng orasan dahil alam kong malapit nang mangyari ulit ang unang pagkikita namin ni Vince. Nangyari yun sa school canteen pero ngayon nandito kami sa Student Council office. I'm starting to think by now, will it be possible again for me to meet him even if the place is different than the first time we met? Ang lakas ng kabog sa dibdib ko, parang natatae rin ako. No! It won't happen again, I learned my lesson.

Natigil ang daloy ng mga salita sa isip ko nang may biglang kumatok sa pinto. "Huwag n'yong

bubuksan yan!" Di'ko napigil na hindi mapasigaw sa mga kaklase ko sa takot na baka hindi ko magustuhan ang makikita ko. "Bakit naman? Remember, Student Council is to give of service."

Ayun binuksan ni Beah ang pinto. But who I saw was not my xbf but Mrs. Sevilla, the Head of our

Student Affairs.

"Ms. Mitch, please go to my office, a transferee student made a violation. We need you there."

Tumango lang ako at agad na sinundan siya. Muling gumana ang mga pakikipag-usap ko sa sarili ko. Napangiti rin ako kasi walang nangyaring ganitong senaryo noon. Yes! Ibig sabihin, naiiba ko na ang tadhana ko.

Nang dumating kami sa office, isang student ang may hawak ng towel na ipinupunas n'ya sa kanyang dumudugong labi. Nakaramdam ako ng kirot, takot pa naman ako sa mga dumudugong sugat. Ouchy!

"Sa pagkakaalam ko nasa pamantasan tayo at wala sa wrestling arena. Anong nangyari?", agad

na tanong ko sa lalaki. Maya-maya'y bigla na lang may humablot sa kanya at nagsabing:

"Mayabang ka kasi eh! O ano, hindi ka naman pala makapalag ha?"

Tila nagyelo ako sa lamig, sa hindi ko inaasahang sitwasyong masilayan ang isang estudyante: matangkad, moreno, may pagka-singkit ang mata, matangos na ilong at makisig na pangangatawan. Sumulpot siya upang suntukin ang estudyanteng duguan na ang nguso habang galit na sinasabing

"Dapat sa mga kagaya mo tinuturuan talaga ng leksyon, porket transferee ako akala mo masisindak mo'ko, pwes nagkakamali ka!" Tama, siya ang xbf ko, si Vince Calaguas.

Umawat na ang lahat ng nasa office pati si Mrs. Sevilla nakialam na rin habang ako nagmistulang estatwa na nakadisplay sa mga botique. Pero ilang sandali pa'y napahinto ang lahat ng masampal ko ang mukha ni Vince. Yun ang isa sa mga una kong gustong gawin sa kanya nung araw na sinabi n'ya sa akin ang mga katagang: "Hindi talaga kita minahal." Ngayon nagawa ko rin sa wakas pero...

"At sino ka naman sa akala mo para sampalin mo ako ha? " Nanlilisik ang mata n'ya sa akin na para siyang si Edward Cullen nung hirap pa siyang kontrolin ang pagiging vampire. Kulang na lang malaglag na ang puso ko, hindi sa takot kundi sa sobrang saya na finally, nasampal ko rin siya.

"Bakit ikaw ba, sino ka naman sa akala mo para manuntok ng estudyante at gumawa ng gulo dito sa pamantasan ha? Kabago-bago mo palang. I think you should be kicked out here immediately."

"Fine! Akala mo kawalan ko? Pwes, hindi. Gusto ko lang din iparating sa inyo na itong estudyanteng 'to, niyayaya akong sumali sa fraternity nila at tinatakot ako. Kaya ayan, I gave him what he deserves."

"Enough." Mrs. Sevilla interrupted. Mukhang malabong ma-kicked out si Vince sa pangyayaring ito kasi valid naman ang reason n'ya and fraternity is also a violation at masisira rin ang school namin kapag kumalat ang isyung ito.

"All we have to do is to settle this issue. Mr. Calaguas, this is your first offense at sana hindi na ito maulit. Nakiusap ang tito mo na ganito na lang ang gawin, I will give you 60 hours of reprimand as a staff sa Student Council office."

"Ha? Ma'am hindi ko po kailangan ng staff sa SC. Saka..."

"Ms. Mitch, starting tomorrow you will let him stay in your office for 4 hours a day."

Hindi na ako nakasagot pa, napakabait ni Mrs. Sevilla, sa tuwing humingi ako sa kanya ng tulong without thinking twice she always says "yes". Kaya ngayon, hindi ko s'ya dapat tanggihan.

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon