Forward

98 6 2
                                    

Hindi ako nagising dahil sa alarm ng cellphone ko kundi dahil sa ang sakit ng likod ko. Pati kamay ko nangalay at higit sa lahat, ang sakit ng mga mata ko. Ayan, magang-maga, maghihilamos na ako pero napansin kong wala na ako sa dating kwarto namin ni Cathy.

Shit! Bumalik na ako sa kasalukuyan, as in, nasa 2013 na ulit ako.

Ano ba ang una kong gagawin?

Hinilamusan ko ang mukha ko, medyo nabawasan ang maga ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim at inisip ang lahat ng mga nangyari.

Nagawa kong magtravel back in time. Hindi ako nakapaghiganti kay Vince dahil parang maiinlove ulit ako sa kanya, nahinto ang lahat dahil heto na ako sa kasalukuyan. Pero, naiba nang husto ang kwento ng aking nakaraan, sumulpot si Dave sa buhay ko at natuklasan ko na mahal na mahal niya ako. Natupad ang wish kong bumalik sa past dahil kay Dave, hiniling din niyang bumalik sa eksaktong araw, oras, lugar at pangyayaring iyon.

Kailangan kong mahanap si Dave, sa pagkakataong ito, ako naman ang magmamahal sa kanya. Tatawagan ko si Lyn at hihingin ang number n'ya. Makikipagkita ako sa kanya.

"Lyn bhe, si Mitch 'to."

"Wow! Is this true, buti at naalala mo pakong tawagang babaita ka."

"Sorry, super busy sa work. I'll go straight to the point, penge ng number ng pinsan mong si Dave Tuazon, now na."

"Ha? Pakiulit nga Mitch."

"Unli ba'ko bhe?"

"Kasi naman, di ako makapaniwalang naabsorb pala ng utak mo na pinsan ko si Dave. Kasi nung college tayo hindi ka naman nagrereact kapag kinukwento kong crush na crush ka niya."

"Ibibigay mo ba yung number niya o hindi?

"Grabe ah, taray mo ngayon na nga lang tayo nag-usap. Sige ito, 09196901706."

Inend call ko na agad at di na ako nakapagpasalamat. Ang sama ko, di bale sanay na naman ang mga friend ko sa kamalditahan ko e.

I dial his number, nagriring, siguro nakapitong ring bago tuluyang sagutin. Mahina ang boses pero sigurado ako sa naririnig ko...

"Sino 'to? Hello sino ka?"

Hindi ito boses ni Dave dahil ang naririnig ko ngayon ay boses ni Vince. Nagkamali lang ba si Lyn ng ibinigay na number?

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon