Rewind 0.10

199 9 3
  • Dedicated kay Lei Nor
                                    

*-------------------------------*-------------------------------*

Napatayo lang ako ng matagal at ikinubli ang aking sarili sa gilid ng puno. Alam kong hindi ako mapapansin ni Dave dahil nakayuko na siya. Marahil ay nagpapaantok, marahan ko siyang pinagmasdan. May hawak siyang isang maliit na piraso ng papel, parang pamilyar sa akin ang papel na iyon—kulay brown na bakas ang kalumaan, yung may mga punit ang gilid at parang sinaunang panahong ang paraan ng pagkakasulat ng mga salitang nilalaman nito. Tama! Ganun ang papel na binigay sa akin ng matandang pinuntahan namin ni Bry, ang papel na pinagsusulatan ng mahiwagang spell para makabalik sa nakaraan.  Nangangahulugan ba ito na may gusto ring balikang panahon si Dave kagaya ko? Lumalim na ang aking pagtataka at gusto ko na sana siyang kausapin subalit ilang minuto pa’y narinig kong parang humihikbi s’ya. “Sana ako naman ngayon, ako naman.” Ito ang mga katagang pahapyaw kong narinig mula sa kanya.  Gusto ko na sanang umpisahan ang paghakbang papalayo sa kanya dahil baka wrong timing ako, he’s not in the right mood at may kasalanan pa ako sa kanya. Iginalaw ko na ang aking mga paa pero sa ‘di inaasahang pagkakatao’y biglang tumayo si Dave sa kanyang kinauupuan. Hindi ko na nagawang makapagtago o makatakbo, mas mabilis pa sa kidlat nang siya’y mapatingin sa’kin. Umiiyak nga siya’t maga ang mga mata.

“Dave, I’m so-rry a-bout last time na hin-di ki-ta na-sipot sa…” paputol-putol kong sabi. Gusto ko sanang linawin ulit ang aking paghingi ng tawad pero…mabilisan siyang lumapit sa’kin at niyakap n’ya ako.

“Mahal kita Mitch, bakit hindi mo ako maramdam kahit ngayon? Bakit?” napakalamig ng tinig ni Dave habang sinasabi ito na naging sanhi para manlamig din ang buo kong katawan.

“Alam mo bang binalikan ko pa ang nakaraang ito, June 9, 2009 ang unang beses kitang nakita, ang unang pagkakataong nasilayan ko ang iyong ngiti kahit hindi mo yun sa akin ibinigay kahit kay Vince. Bumalik na ako sa nakaraan pero hanggang ngayong bakit kay Vince mo pa rin yun ibinigay?” Hindi ko alam kung masyado lang siyang malapit sa tenga ko kung kaya para akong nabibingi sa mga narinig ko o malakas na kabog lang ng puso ko ang narinig ko. Hindi siya huminto ng pagsasalita…

“Limang buwan matapos tayong grumaduate, may oras na pinupuntahan pa kita sa tinuturuan mong school sinundan kita isang araw pauwi ka. Yun yung araw na iniwan ka ni Vince habang nagsisimulang umambon, sumasabay ang pagpatak ng mga luha mo. Halos madurog din ang puso ko, gusto kong hamunin ng suntukan ang lalaking yun. Pero wala naman akong karapatan, pinagmasdan ko lang ang pag-iyak mo hanggang mawalan ka ng malay. Binuhat kita dahil gusto kitang protektahan, nung hawak kita sa mga bisig ko pinangako kong sa abot ng aking makakaya hindi ko hahayaang masaktan ka ulit. Sinabi ko sa sarili ko na babalikan ko yung unang araw na nakilala kita at gagawin ko ang lahat para ako naman ang mahalin mo Mitch.”

Pumapatak na rin ang mga luha sa mata ko. Walang salitang nabubuo na gustong lumabas sa bibig ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

“Pero Mitch, ngayon nauunawaan ko na, hindi talaga ako ang para sa’yo. Kahit siguro paulit-ulit kong balikan ang panahong ‘yon, hindi ko pa rin mababago ang tadhana na hindi ako ang para sa’yo.” Ilang segundo ang tumagal, tumahimik lang siya habang yakap-yakap n’ya ako. Wala pa rin akong masabi, tanging isip ko lang ang normal na gumagana. Hindi ako makapaniwalang ganun ako kamahal ni Dave. Tinulugan n’ya ako, palihim na pinahalagahan ng sobra, binalikan n’ya ako---pero ang tanging ginawa ko lang ay balewalain siya. Ni hindi ko nga s’ya lubusang kilala dahil si Vince lang ang pinag-ikutan ng mundo ko.

“Mitch, I will now let go of you. Pasensya ka na kung hindi mo man maintindihan ang mga pinagsasabi ko o isipin mong nababaliw na ako, ayos lang yun. Normal lang na makaramdam tayo ng ganito misan.”

Pinakawalan na n’ya ako sa kanyang mga bisig hanggang sa unti-unti siyang lumayo sa akin. Hindi ako nakagalaw kahit gusto ko siyang habulin. Masyado na akong maraming luhang iniiyak, mula noon, ngayon at noon ulit dahil pinili kong magrewind pero narealized ko na sa buhay natin, kung anuman ang mangyari, maging masaya o malungkot man tayo isa lang ang dapat nating gawin at yun ay piliin ang magforward.

Nilakad ko pabalik ng bahay, lutang ang utak, maga ang mga mata---ngayon alam ko na naman kung paano ang pakiramdam na maging isang Sisa gaya ng nasa tulang isinulat ko noon:  

NANG MINSANG MAGING SI SISA AKO 5/23/11

Tumatakbong palayo mula sa isang nakaraan

Ni hindi hinihingal ngunit isa nga lang luhaan

Humahalakhak, umiiyak, sumisigaw ng isang pangalan,

May mga nakaririnig ngunit sila’y walang pakialam.

Sinubukan kong ilakad ang mga yapak nang marahan

Hindi ko ininda kung may mga bubog man akong maapakan

Sikat man ng araw ay nakakapaso—-balat ko’y sugatan,

Basta ang alam ko, sa gabi, matinding lamig naman ang mararamdaman.

Mga taong nakapaligid, ako ang pinagtatawanan

Sira-sirang damit na animo’y isang basahan

Buhok ko’y hindi ko na magawang masuklayan

Pati ang mukha ko’y sa salami’y dina masilayan.

Marahil hindi ko na magagawa pang mabago

Tapos na ang kahapon, noong isinigaw ko ang pangalan mo

Napagod na rin akong sumulyap sa kalendaryo

At nahihiya, nang minsan, naging si Sisa ako.

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon