Rewind 0.8

163 6 0
                                    

*-------------------------------*-------------------------------*

I called Dave “Mitch? Bakit?” Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanya. Kinakabahan ako. “Mitch? May problema ka ba?” Saglit akong natahimik. Ang sarap pakinggan ng boses n’ya, kahit nangingibabaw ang pagiging worried. “Dave, gusto sana kitang makausap pero pwede bang personal? Kung hindi ako nakakaabala sa’yo.”

Magkikita kami mamayang gabi, sa school canteen na lang daw. May inaasikaso kasi s’yang mahalagang bagay. Nagpasya akong sa SC office na lang mag-stay tutal wala na naman dun si Vince pero nagkamali pala ako. He’s there waiting for me. Isasara ko dapat ulit yung pinto pero sige, haharapin ko s’ya ngayon.

“Kanina pa kita hinihintay at kahit gano pa katagal, hihintayin kita.” Mabulaklak na mga salita, d’yan ka magaling, ang kunin ang loob ko, alam ko na ang mga technique mo, hindi mo na’ko maloloko!

“Sorry pero hindi ko naman sinabing hintayin mo ako ah.”

“Uuwi na ako, siguro mas okey na bigyan kita ng oras para makapag-isip at makapag-relax. Pasensya ka na kung pasaway ako.”

Palabas na siya nang pinto pero bigla na lang akong nagulat nang natumba s’ya sa harapan ko. “Anong nangyari sa’yo, Vince, uy Vince, gising!” Tinapik ko ang pisngi n’ya pero hindi umobra, binuksan ko ang botones ng polo n’ya para makahinga s’ya ng maluwag, nagulat na lang ako nang bigla nyang inilapit ang mukha ko sa kanya at sa ikalawang pagkakataon, hinalikan n’ya ulit ako.

“Para kang tanga noh!”, nasampal ko tuloy s’ya. Hindi ko maipinta ang mukha ko samantalang s’ya nakangiti, yung ngiting nakakaloka. “Nag-aalala ka rin pala sa’kin eh, kunyari ka pa na gusto mo na akong umalis. Alam mo, ang sarap mong ikiss gawin ulit natin gusto mo?”

Dali-dali na akong tumayo para hindi ko na makita ang mukha n’ya ng malapitan. Nadidistract ako eh, pano ka ba naman hindi matutulala sa ganung itsura, ang gwapo n’ya! “Maniac ka! Mapagsamantala pa!”

“Ha? Anong maniac dun? Gusto mo naman di ba? E di sana pumiglas ka kung ayaw mo.”

“Gag*!  Panong pipiglas eh nagpanggap kang nahimatay! Sira ka pala talaga noh!”

“Okey, sige. Ihahatid kita sa inyo ngayon ha?”

“Hindi, may imimeet pa ako mamayang 6PM sa canteen.”

“At sino naman? “

“Ano bang paki mo ha?”

“Bakit ba ang taray mo sa’kin? Tinatanong lang, malay mo mas pasaway pala sa’kin yung imimeet mo, edi pwede kitang samahan para bantayan.”

“Ano ka, security guard ko? Pwede ba, wag kang mapapel. Saka yung taong imimeet ko matino, mabait at gentle man.”

“So, lalaki pala siya.”

“Hindi baka babae, gentleman nga eh.”

“Okay.Kung ganun, hindi kita papayagang lumabas dito sa office.” Kinuha n’ya ang upuan at umupo ng nakaharang sa pinto na ini-lock pa niya.

“Ano bang problema mo ha? Baliw ka ba? Umalis ka nga dyan!” Tumataas na ang boses ko.

“Shh…wag kang maingay, ganyan ba dapat ang isang student leader ha Ms. Mitch?”

“ Kapag hindi ka umalis ngayon d’yan talagang sisigaw ako Vince at pagsisisihan mo’to!”

“You mean, gagawa ka ng eksena? Ano namang sasabihin mo, na nire-rape kita? Ok lang sa’kin yun at least sa akin wala akong pangalang masisira.”

Narealize ko na tama siya, useless ang gagawin ko kung magsisigaw ako. I decided to keep myself calm at kinausap s’ya ng malumanay.

“Vince please, let me go.” Ikaw nga nung kumawala ka sa’kin, I never insisted you to stay.

Para lang siyang umarte na isang bata na nagme-make face pero ang cute n’yang tignan. Kung tutuusin nakakakilig pero mas dapat akong mainis.

Lumipas ang dalawang oras. Naisip ko kung umuwi na si Dave, for sure, nahihiya ako sa kanya. Lowbatt pa naman ang cp ko, hindi ko man lang s’ya matext na bukas na lang kami magkita. Nakatitig lang sa’kin si Vince at maya-maya’y nagsalita. “Ngayon lang ako may nakasamang isang babae ng ganito katagal na kami lang dalawa.” 

“E pano, nababaliw ka na ata at naisip mo pang humarang d’yan sa pintuan.”

“It’s because I love to be with you, I want to see you always, and you’re exceptional Mitch.”

You will always be,

Beautiful in my eyes…

Nagsimula siyang kumanta pero pinatigil ko s’ya. Ayoko ng marinig na kinakanta ni Vince yun para sa’kin. “Gusto ko ng umuwi, please Vince. Nasayang na ang oras ko, pagod na’ko, gusto ko na talagang umuwi.”

“Ok, then I’ll take you to your home.” Para siyang robot na biglang tumayo at agad binitbit ang bag ko, kinuha ang kamay ko at nagsimulang lumakad.

“You don’t need to hold my hand.” Please, Lord, patigilin na Ninyo ang lalaking ‘to. Pero parang wala siyang narinig, papalabas na kami ng main building ng biglang sumalubong si Dave. Nakatingin siya sa aming dalawa. “Ahmm, Dave, nandito ka pa pala, sorry lowbatt yung cp ko kaya hindi kita nacontact, sorry talaga.”  Wala siyang reaksyon, lalong lumalim ang tingin n’ya sa’ming dalawa, sa magkahawak naming mga kamay.

“Okay lang Ms. President, almost 2 hours lang naman akong naghintay sa’yo. It’s not a problem. Sige uuwi na’ko.”

Nalungkot ako at nahiya na rin sa kanya. I’m the one who set this appointment, tapos ako ang hindi sumipot. Gusto ko siyang habulin pero hindi ako makaalis dahil lalong hinigpitan ni Vince ang hawak n’ya sa akin. “Dito ka lang, wag mo akong iiwan.” Parang gusto ko siyang paulanan ng mga salita, bakit nung araw ba na iniwan mo ako sinabi ko yan sa’yo ha?

Nasa labas na kaming dalawa ng pinto ng apartment namin ni Cathy, saka lang n’ya ako binitawan at iniabot ang bag ko. “Thank you Mitch, for wasting your time with me.” Yun ang huling sinabi n’ya sa akin bago siya tuluyang umalis.

“Okey ka na ba Mitch?”, bungad na tanong sa akin ng bestfriend ko.

“Cathy, sorry kung pati ikaw pinag-aalala ko ha? Yung mga nasabi ko sa’yo last time bunga lang yung ng depression ko. Madalas kasi akong binabangungot nitong mga nakaraan.”

“I know na stressed ka rin kaya ganun. Please pray always bago ka matulog ha? Okay?”

Tumango na lang ako sa kanya. I’m blessed to have a bestfriend like her.

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon