Rewind 0.4

183 6 0
                                    

*-------------------------------*-------------------------------*

 Nagsimula ang klase namin sa Statistics, nagrarumble ang utak at puso ko. Para bang nababaliw na nga ako. Buti nalang at tumunog na rin ang bell, sakto pa nung lumabas ako sa classroom bumungad na naman si Vince. Nagpagupit ba siya o naglagay lang ng maraming gel? Ngumiti siya habang papalapit sa akin. Naitanong ko sa sarili ko, bakit parang lalo siyang gumwapo? “Hi!” Sabay abot niya sa akin ng isang maliit na paper bag. Nang buksan ko, nakita ko ang isang maliit na tupperware, sinasabi ng utak ko na “Mitch ibalik mo yan sa kanya” pero ang puso ko tumitibok ng malakas. “Ano ‘to”?

‘‘Nagluto ako ng sinigang na pork, gusto kong ipatikim sa’yo.”

“Sorry pero hindi ako kumakain ng sinigang, pasensya na sa iba mo nalang ipatikim yan.” Sa loob ko namiss ko ang lutong sinigang niya. Halos araw-araw kong nirerequest yun sa kanya dati. Iba na ngayon Mitch, ito na ang pinangingibabaw ko sa isip ko. Yun nga lang paano ko siya mapapailove sa akin kung hindi ako magiging sweet sa kanya? Daig pa ng statistics ang hirap na pinagdaraanan ko ngayon ah.

“Ms. President, sinusundo na kita para sa program namin.”, sulpot ni Dave.  Nagulat ako, ang pormal ng suot niya ngayon. Bagay pala sa kanya kapag naka-neck tie at long sleeves. Yung buhok n’ya nga lang parang pang-anime character tapos yung dimple niya nasisilayan ko na naman. Cute rin talaga ‘tong si Dave at ang tangos pa ng ilong.

Humakbang papalapit si Vince sa akin, siguro 5 inches na lang ang layo n’ya sa akin. Nahirapan akong huminga at nagsimulang pawisan. Mas matangkad siya sa’kin dahil 5’8’’ ang height samantalang ako 5’2’’ lang. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para tignan siya pero ang sunod na ginawa n’ya ay hinawakan ang kamay ko at iniabot ang paper bag. “I cooked this for you. Please show even a little kindness to me.”

Wala na akong nasabi pa. He left me speechless, at the same time na star struck na rin ako sa kagwapuhan niya lalo na sa malapitang anggulo. Sh*t! Ang gwapo at ang sweet parin talaga ng xbf ko! Saglit na nawala ang paglutang ng utak ko ng bigla na lang akong niyakap ni Dave. Napansin kong napatingin ang ibang mga estudyante na nasa hallway, gusto ko siyang itulak para lumayo sa akin ngunit parang nanghina ako. ‘Di ako nakagalaw agad, ito yung literal na late reaction. Habang yakap n’ya ako bumulong s’ya sa tenga ko: “Pwede ako naman? Give me this chance Mitch, ako naman.”

Malinaw ang mga salitang narinig kong nanggaling kay Dave, napansin ko rin ang namumugtong luha sa kanyang mga mata. Nahimasmasan ako nang mamalayan kong mag-isa na lang akong nakatayo sa hallway. Nahulog ang paper bag na hawak ko kanina, tumapon ang lutong-sinigang ni Vince.

“Pwede ako naman? Give me this chance Mitch, ako naman.” Paulit-ulit na bumabalik sa hinagap ko ang mga sinabing ito ni Dave. Anong ibig niyang sabihin?  Hindi ko na siya nasundan pa sa gaganapin nilang program. Nagpasya akong umuwi nang maaga. Nagmukmok, nag-isip, hanggang sa nakatulog.

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon