Forward 2

17 1 0
                                    

Nagmadali akong makipagkita kay Lyn, "Magpapaalam ka ba sa pinsan ko?" tanong niya sa akin at tanging pagtango lang ang nagawa ko.

Gusto ko sanang pigilin ang oras para mas makapag-usap pa kami ni Dave nang matagal pero gaya ng sinabi ko sa sarili ko, wala ng pause, di na rin pwede ang rewind kundi puro forward nalang dapat.

Huminto sa pagmamaneho si Lyn at sumenyas na nasa tapat na kami ng bahay ng pinsan niya. Hindi ko alam kung ano ba ang una kong sasabihin kapag nakita ko siya pero hindi ko na dapat aksayahin ang oras.

"Can you go with me Lyn? Medyo nahihiya akong pumasok sa loob mag-isa."

"Of course bhe, sasamahan kita kasi gusto ko ring makausap ang pinsan ko bago siya umalis."

Nagdoorbell na siya habang dama ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Magkikita na kami ulit ni Dave, dito sa present. Hindi na ito yung past na never ko siyang binigyang halaga sa kabila ng lahat ng pagmamahal niya sa akin.

May isang matandang babae ang nagbukas ng gate, si Manang Luz daw siya, ang nagpalaki kay Dave dahil nasa Amerika ang mga magulang nito.

Malaki ang bahay nila at napakaganda sa loob. Organisado ang mga gamit at maraming book shelves. Hilig niya talaga ang magbasa kaya matalino rin siya.

"Kamusta ka Mitch?"

Nabasag ang katahimikan nang bigla kong marinig ang pamilyar na boses. Humarap ako para masilayan ang kanyang mukha.

"Gusto ko sanang maging okey kaya pinuntahan kita rito Dave."

"Ang lagay nyan pinsan si Mitch lang ang kinakamusta mo? Hindi mo ba ako namiss ha?"

Ngumiti si Dave yung ngiti na nakakaloko dahil kitang-kita ko ang dimple niya tapos dahan-dahan siyang lumapit sa'kin na parang hindi niya narinig si Lyn. Sa akin lang siya nakafocus kaya medyo nanginig ako, kinikilig ba ako?

"Mas interesado kasi akong kamustahin ang college crush ko kesa sayo. Bakit Mitch, paanong hindi ka okey?"

Magsasalita pa sana ako ulit pero biglang bumukas ang pinto at may dumating, dumaan sa harapan ko ang isang babaeng mahaba at curly ang buhok. May maganda pero mataray na mukha. Yumakap at humalik siya sa lips ni Dave, nanlumo ako, nabigla. Akala ko ba mahal niya ako at binalikan niya ako sa past.

Nangilid ang luha sa mata ko na parang gusto kong sumigaw ng bakit? Anong ibig sabihin ng lahat ng ito.

"Lyn at Mitch by the way, meet my fiancee, she's Hannah Grace."

"Fiancee? Parang now ko lang siya nakilala pinsan ah."

"You know me cousin, I want a privacy ayoko ng broadcasted ang detalye ng buhay ko."

Ngumiti si girl sa amin habang di pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari.

"Wrong timing ang pagbisita ninyo, tonight we will celebrate our 14th monthsary. Ito na yung last na dito kami sa Pilipinas magcecelebrate, don't you worry, iinvite ko kayo sa despidida party ko."

"Ok, we have to go now. Napadaan lang kami ni Lyn kasi malapit dito yung pupuntahan naming house ng friend namin. Goodluck to your Harvard opportunity." Ito yung huli kong nasabi kay Dave at tulala ako habang nasa loob ng car ni Lyn. Ang naabsorb lang ng utak ko ay yung mga salita niyang "okey ka lang ba?" at "sorry bhe".

Paano 'to napunta sa ganito? Ilusyon ko lang ba lahat? Nagkita ba talaga kami ni Dave sa past? Nanaginip lang ba ako o nababaliw na?

Binalikan ko ang lahat sa isip ko, hinihimay ko kung ano ang totoo sa hindi pero malinaw ang lahat dahil masyadong mahaba yun kung panaginip lang saka paano ko nalaman na magpinsan si Dave at Lyn kung hindi dahil sa pagbalik ko sa past. Paano ko nalamang na minahal niya ako nang sobra kung hindi ko siya mismo nakita sa Sunken Garden na nagtapat ng nararamdaman niya for me.

Hinawakan ko yung litratong pinadala sa akin sa faculty, ibig bang sabihin hindi si Dave ang nagbigay nito sa'kin? Imposibleng si Vince. Bigla tuloy akong naguluhan. Pero kaya ako nakabalik sa past dahil pareho naming hiniling ni Dave ang pareho at eksaktong oras dun sa university canteen. Yun din yung nakalagay sa editor's note nya sa literary folio ng school publication. Ano nahihibang na ba ako?

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon