Rewind 0.7

168 8 0
                                    

*-------------------------------*-------------------------------* 

Umiwas akong dumaan sa SC office. I don’t want to see Vince right now, I will avoid him so I can control myself not to fall again with him. Putris! Nagulat ako, pagpasok ko bumungad sa akin ang isang tarpaulin na nakabitin sa entrance ng main building, may litrato ko at may nakasulat:

“MITCH, YOU DESERVE THE BEST LOVE STORY EVER AND I WILL MAKE IT A HAPPY ENDING THROUGH.” 

Halos mamula ang buong mukha ko, hindi ko alam kung sa kahihiyan o kakiligan. Tapos yung mga nakakakita pa sa’kin binabati ako. “Ms. Pres. You’re so lucky! Love ka ng taong yan for sure.”, sabi ng iba. Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko dahil in the first place, I have no idea, who’s the one who’ll do this for me.

“Sino pong nagpalagay ng tarpaulin na yan Sir Castro? May approval ba yan ng Student Affairs? Dapat ang mga pinopost lang po ay may kinalaman sa school activity---“

“Shhh… malaki ang binayad sa’kin ng taong yun kaya pinagbigyan ko, haha!”

“Pero sir, nakakahiya, saka…”

“Hayaan mo na, walang problema yan, approved ng Board of Regents.”

Si sir parang echos lang kausap minsan eh. Puro biro, hindi naman din n’ya sinagot yung seryosong tanong ko. Sino siya? That’s the big question mark.

Hinagilap ko agad si Lyn para nga itanong yung sa letter. Good thing, hindi ako nahirapan kasi she’s in our classroom. “Lyn, I have to ask something from you,” ipinakita ko yung letter, “Who wrote this?” Nanlaki ang mata niya at ang tanging nasabi lang n’ya sa akin. “Naku, wala yan, friend ko ang gu—mawa nya ahmm…ayun…kasi…ano eh…” Kailangan ba talaga paputol-putol ang salita? First time kong makita si Lyn na ganun. Ano bang meron sa letter na’to, imposibleng ako naman yung tinutukoy nung sumulat nun? Ano ako, celebrity? Ang haba naman ng hair ko pag ganun.

I kept the letter, ewan ko ba, parang ang sarap makilala nung guy. Mala’y mo baka maging close ko siya. Haha! Biglang naging interesadong manghimasok sa love story ng iba samantalang yung sa akin magulo, walang direksyon.

Lumipas ang limang oras, natapos ang tatlong klase ko. Lutang naman ang utak ko sa mga pangyayari. Parang natatakot akong lumabas ng classroom dahil ayaw kong makita si Vince. Hay naku.  “Mitch, una na kami ha? Magpapatutor pa kami eh, ikaw naman brainy ka.” Umalis na ang mga kaklase ko hanggang sa mag-isa na lang ako. Wala namang ibang section na magkaklase rito so pwede akong mag-stay ng matagal. Naka-ilang buntong hininga ako, napansin kong may naiwang maliit na book sa sahig:

SULYAP

    sa pag-ibig, sa pangarap, sa buhay.

Literary Portfolio ng Pamantasan ng Muntinlupa 

Ito yung new issue ng student publication for this school year, noong nakaraan, hindi ako nakakuha ng copy nito samantalang I’m the Student Council president. Paano ba naman kasi yung mundo ko kay Vince lang nakaikot nung mga time na yun. Binasa ko ang ilan sa mga pahina:

Editor’s Note:

Paano kung may isang panahon ka na gusto mo ulit sulyapan?

Anong pipiliin mo?

Ako, babalikan ko yung panahon na una ko siyang nakita, naramdaman ko kung paano makipag-usap sa tibok.  Hindi ko makakalimutan yung oras na may isang babae na natapunan ng mango shake ng isang lalaki. Halos madumihan ang buong iniporme n’ya pero what she did is not the usual reaction ng isang babae---yung sisigaw, magagalit, magbibitaw ng mga masamang mga salita. She smiled, ang ngiting hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Hindi man n’ya yung sa akin ibinigay, pero ayos lang ang mahalaga nasulyapan ko yun.

Kung magbabalik ako sa panahong iyon, sana ako naman ang ngitian n’ya at pangako, hinding-hindi ko s’ya matatapunan ng mango shake.

-Dave  Tuazon 

Nang mabasa ko ang pangalan ng editor, ‘di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Coincidence lang ba o ako talaga ang tinutukoy n’ya? Kung ako, bakit ako pa? Hindi ako nakagalaw agad, yung penmanship pamilyar din sa akin kasi iniscan lang itong note dito sa folio. Binuksan ko yung letter na nakuha ko sa notebook ni Lyn, pinagkumpara ko, tama, isang tao lang ang sumulat nito, it’s him—Dave.  

Saka ko naalala, si Lyn ang nagbigay ng number ko sa kanya. I conclude, ako ang girl na tinutukoy n’ya. Ako yung girl na mahal n’ya na never s’yang pinansin. Di’ko naiwasang maiyak. Bakit ang sama ko, bakit kailangan kong saktan ang isang taong sobra akong minamahal?

I looked for Dave if he’s in school, hiningal ako sa pag-akyat sa sa mga hagdan but I failed to find him. Pupunta sana akong canteen dahil nagutom na’ko, ilang hakbang pa, natanaw ko si Vince na papunta sa’kin, gusto kong umatras at magpanggap na wala akong nakita pero imposible na kasi, ayan na, malapit na s’ya sakin. Hinawakan n’ya ang kamay ko, “Mag-usap tayo please stop avoiding me, will you?”

“Sorry, ilang days pa ba ung detention mo? Pipirmahan ko na yung accomplishment form mo.”

“No, it’s not about that, it’s about us Mitch.”

“Bakit, anong tungkol sa’ting dalawa? “

“If you’re mad at me because I kissed you, I’m sorry. Hindi ko lang napigilan sarili ko. I told you and I want to make it clear, gusto kita. Sana payagan mo akong manligaw sa’yo.”

Hindi ko s’ya masagot, ito naman yung gusto kong mangyari eh. Plano kong paasahin siya at ako naman ang mananakit sa kanya pero bakit bigla nalang parang okey na ang lahat? Ok na wag na lang maging kami, na kahit iba na lang ang mahalin n’ya, kahit hindi na lang ako. Ito ba ay dahil lahat kay Dave?

“Have you seen the tarpaulin I posted outside? I made that to express my love for you.”

Siya pala ang gumawa nun. Parang kanina naiisip ko na si Dave na rin ang gumawa non but I was wrong. Nawalang parang bula yung kilig ko pati yung excitement kasi now I know it was just Vince, “happy ending through”, yung ang isa sa mga nakasulat dun na naalala ko, wow ah! Happy ending kaya pala, kaya pala nasaktan niya ako.

“Ipatanggal mo na yun ah, now na. Hindi ko yun nagustuhan at bukod dun hindi ako handang magkaron ng bf at ayaw ko sa’yo.” Teka lang, mali tong ginagawa ko, pano na yung paghihiganti ko sa kanya, hindi ko na ba itutuloy?

“Sa ayaw mo o sa gusto, I won’t give-up easily on you. Tandaan mo’to, minsan lang ako magmahal.”

Nagsimula siyang lumakad paalis. Nakatalikod sa akin. Bumalik sa isip ko yung alaala na iniwan n’ya ako habang umiiyak. Malayo na s’ya nun sa’kin pero hindi ko pa rin nagawang magpaalam.  Kahit na nasasaktan ako, kahit na pumapatak ang luha ko, tinignan ko pa rin ang paglayo n’ya dahil yun na ang huling sandaling makikita ko s’ya, kahit papalayo sa akin. Inabutan na ako ng ambon pero hindi pa rin ako nakalakad na para bang na-glue na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Natumba ako nun, nawalan ng malay. Huli kong natandaan, bago ako mawalan ng malay, may isang lalaking bumuhat sa akin, paggising ko si Cathy na ang nakita ko. May kumatok daw, nagbibighis s’ya kaya hindi n’ya agad nabuksan and when she opened the door, it’s me, walang malay na naiwang nakahiga sa sahig. She thought I was dead pero nawalan lang ako ng ulirat.

Vince, sasaktan mo na naman ba ako ulit gaya noon? Kung oo, pakiusap, wag na lang ako. Hindi ko na kakayanin sa ikalawang pagkakataon. Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko, wala na s’ya sa paningin ko. Ngayon handa na akong magpaalam sa kanya. Sigurado na ako.

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon