Rewind 0.6

163 6 0
                                    

*-------------------------------*-------------------------------* 

Nasa loob na ako ng room. Tulala, buti na lang lumapit sa’kin  si Cathy. “Ang aga mong umuwi ngayon ah. Teka, bakit maga mata mo Mitch? Anyare?”

Yumakap ako kay Cathy, ang sarap palang yumakap sa taong mahalaga sa’yo sa oras na ang bigat ng loob mo. Parang may magic na bigla na lang gagaan ang pakiramdam mo. Mahirap nga lang mag-explain sa bestfriend ko ngayon, pero hindi ko na kaya…

“Cathy, nasa year 2013 na’ko and when I woke up, it’s year 2009 again. Bumalik ako rito sa nakaraan. Hindi ko aasahang maunawaan mo itong mga pinagsasabi ko o paniwalaan mo ako but this time, I just want you to stay with me please, bestfriend.”

Buong araw akong umiyak na parang wala ng bukas. Si Cathy, tahimik lang din. Siguro pinaprocess pa rin yung mga sinabi ko. Habang umiiyak ako, biglang sumagi sa isip ko si Dave. Kawawa rin siya, epic fail ang love life n’ya. Pero mas kawawa ako.

6:00PM June 17, 2009

Diary,

I decided not to go to school today. Maga kaya mga mata ko, daig ko pa ang nanuod ng Titanic kakaiyak. Gusto ko ng bumalik ulit sa future, sa panahon na kahit 80% ay ok na ako. Yung hindi na ako ganun ka-bitter sa ginawa ni Vince. Tapos sa future, hahanapin ko si Dave. Siya na lang ang pipiliin kong mahalin dahil that guy deserves to be loved. He is a better guy, I think. Bukas papasok na’ko, napapabayaan ko na ang academics ko baka mawala ang pagiging Magna Cum Laude ko at dalawang bagay na ang pagsisihan ko.

Bago matulog, inayos ko muna ang bag ko. Hhmmm… parang may isang notebook dito na hindi akin ah. Ay! Notebook ‘to ni Lyn, siguro nakalimutan n’ya at naihalo sa mga gamit ko. Ang cute ng cover, Hello Kitty, sa bagay, she really likes this cartoon character. Pagka-anggat ko, may nalaglag na papel. May nakasulat:

Lyn, salamat ha? I owe you one. Ito yung unang bagay na dapat noon ko pa ginawa. Duwag ako noon eh, pero ngayon hindi ko na papalagpasin ang pagkakataon na mapalapit sa babaeng pinakamamahal ko.

Ha? Kanino naman ‘to galing? Sino kaya ‘tong tinutukoy dito? Ang sweet naman nitong guy. Kinilig ako bigla. Mas naexcite akong pumasok bukas para itanong kay Lyn ang bagay na’to. 

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon