Rewind 0.9

162 6 4
                                    

*-------------------------------*-------------------------------*

5:15 AM

June 27, 2009

Diary,

Ngayong yung last day ng detention ni Vince sa SC office, he completed the 60 hours. Si Dave, tuwing kasama ko siya blangko ang utak ko, madalas hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi n’ya sa akin. Pero sa tuwing kasama ko s’ya, I feel secured. Hindi ko pa s’ya nakakausap. Bukas

Nakatulog pala ako at hindi na natapos ang pagsusulat sa diary ko. Lord, please help me to make the right thing.

Hinanap ko si Dave sa buong university, wala siya. Umabsent ako sa buong klase ko para lang makita s’ya, gusto kong mag-sorry at sana mapatawad n’ya ako sa ginawa kong pang-iindya. Nagpasya akong pumunta sa Sunken Garden para magrefresh, ang lugar na tambayan ko kapag gusto kong mapag-isa. Hindi ko pa naisasama rito si Vince dahil ayaw n’ya rito.

Naglakad-lakad ako, puro paghinga ng malalim. Napansin ko ang isang lalaking nakaupo sa ilalim ng punong lagi kong sinisilungan. Nabigla ako nang makitang si Dave pala yun.

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon