Rewind 0.11

260 12 17
  • Dedicated kay Judie Anne Oconer
                                    

                                                           *-------------------------------*-------------------------------*

Nang-ring ang cp ko ng ilang beses siguro pang-apat na nang maisip kong dapat ko itong sagutin.  Si Lyn pala ang natawag. “Hello Mitch? Nagkausap na ba kayo ng pinsan ko?” tanong niya sa akin.

“Sinong pinsan?”

“Ni Dave, Dave Tuazon.”

“Ha? Magpinsan kayo bhe? Bakit ngayon mo lang binanggit sa’kin?”

“Anong ngayon ko lang binanggit sa’yo? Madalas ko kaya siyang binabanggit pero lagi ka sigurong busy kaya hindi mo ako naiintindihan.”

Tanga ba talaga ako o tuod? Pero honestly, hindi ko talaga maalala na nabanggit n’ya sa aking magpinsan sila kahit noon.  Siguro dahil wala ng ibang bagay na mahalaga sa akin kundi si Vince. Mabuti na lang at kahit papaano mahal ko ang pag-aaral ko at presidente ako ng Student Council kaya kilala na ako ng mga professor ko dahil kung hindi siguro wala ring akong honor na grumaduate dahil sa sobrang pagka-inlove ko sa lalaking yun.

“Mitch, my cousin loves you so much. Pinangunahan ko na siya na sabihin sayo dahil ayaw ko ng makitang nahihirapan ang pinsan ko. Hindi ko naman sinasabi sa’yo ‘to para mahalin mo rin s’ya pero I just want you to know this. Bye, ingat ka palagi.”

Speechless na naman ako. Siguro kung ngayon ako sasali sa debate contest ngangabels ako. Wala na ako sa focus. Ito yung mga moment na ang sarap maghamon ng away sa daan. Lord please help me. Namalayan ko na lang na sa tagal ng paglakad ko ay nasa harapan na ako ng gate at alam kong naghihintay na sa’kin si Cathy. Pero ang unang taong makikita ko ay si Vince.

“Gusto kitang makita at makasamang mag-dinner kung okey lang sa’yo.”

“Pwede ba Vince, walang ok. Walang okey. Tama na!”

“Bakit? I will just invite you to a dinner…”

“Vince hindi kita pagbibigyan na  maging tayo dahil dati ng naging tayo. Minahal kita ng sobra yung tipong kulang na lang pakasalan kita pero dumating lang yung araw na iniwan mo ako at sinabi mo sa’kin na hindi mo talaga ako minahal. Alam ko na, naguguluhan ka sa mga sinasabi ko at ako, naguguluhan din ako sa buhay ko. Akala ko magiging maayos na ang lahat. Nagkamali pala ako. “ Lumakad ako na parang invisible na lang siya at pagpasok ko sa bahay kahit gusto kong lakasan ang paghagulgol, pinilit kong gawin ito ng patahimik. Yung ako lang ang makakarinig kagaya ng ginagawa ko nung mga unang linggo na pilit kong tinatanggap na wala na kaming dalawa, na pinagpalit n’ya ako, na hindi n’ya ako minahal.

Diary,

 Hindi ko alam kung anong oras na. Pasensya na kung basang-basa ka na dahil sa mga luha ko. Gusto ko ng bumalik sa year 2013. Gusto ko ng maging maayos ang lahat. Sana mapagbigyan na ako ng pagkakataong muling bumalik doon, pangako, hindi na ako magrerewind. 

Iisipin ko nalang na panaginip lang ang lahat ng ito. Yung tipong paggising ko bukas, okey na ang lahat, walang nangyari. Pagod na rin kasi ako. 

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon