Forward 5

52 2 2
                                    

Room 302.

How can I have the strenght to open this door when I know that what awaits me is the superlative form of pain?

Akay-akay ako ni Dave, nakailang hinga ako ng malalim. Hindi ko na siya makikita ulit, lahat ng galit ko sa kanya na naramdaman ko sa mahigit tatlong taon ay nawalang parang bula.

Si Dave ang nagbukas ng pinto. Nakahiga si Vince, balot ng maraming aparato ang katawan. Iginalaw niya ang kanyang ulo para matanaw ako. Lumapit akong nanginginig ang buong katawan kasabay ng pag-iyak.

"Kaya kita iniwan noon dahil ayaw kong makita ka na ganyan ngayon."

Marahan at mahina niyang sabi na kaya ko narinig ay dahil lumuhod ako malapit sa kanya. Patak lang ng patak ang luha ko habang hawak ang kanyang mga kamay.

"Mahal na mahal kita Mitch kaya kita iniwan noon. Sabi nila kapag mahal mo kelangan mo siyang samahan hanggang sa huli pero sa kwento ng pag-ibig natin kelangan kitang iwanan noon dahil mahal kita. Inakala kong makakahanap ka ng bagong mamahalin, na magiging masaya ka."

Sinundan ng pag-ubo at pag-agaw sa hininga ang kalagayan ni Vince matapos ang mga sinabing iyon sa akin. Hawak ang kanyang mga kamay unti-unti na siyang bumitaw at yun ang pinakamasakit na bahagi sa buhay ko.

"Mahal na mahal kita Vince, salamat din sa pagmamahal mo sa'kin."

Ito lang ang tangi kong nasabi at tuluyan nang naging tuwid ang linya sa aparatong tumutulong sa kanyang paghinga. Sa pagkakataong ito ay ang tunay na paalam kay Vince sa lalaking unang nagpatibok ng aking puso, subalit siya rin ang unang nagdulot ng pagkawasak nito. Hindi ko na makukumpleto ulit ang pirasong nawala dahil yun ay siya na hindi na babalik sa buhay ko.

Paalam Vince.

Hanggang sa muli nating pagkikita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon