Forward 3

16 1 0
                                    

"Hello Bry, naalala mo ba yung matanda na pinuntahan natin dati? Yung hiningian ko ng spell para bumalik sa nakaraan?"

"Oo girl, bakit na naman ba ha?"

"Samahan mo akong puntahan siya please?"

"Naku naman girl yan ka na naman e. "

"Sige na Bry, please? "

"Alright, pasalamat ka kaibigan kita."

Buti nalang napapayag ko siyang sumama sa'kin kasi medyo ulyanin ako pagdating sa lokasyon. Hindi ako matandain at madalas maligaw. Saka ko naalala nang matanaw ko na ang mansyon na pinasukan namin para dun sa magic spell na nagpabalik sa'kin sa nakaraan.

Binuksan ni lola ang pinto at nakangiti siyang bumati't nagpatuloy sa amin. Hinawakan niya ang kamay ko at bumulong sa akin.

"Nakabalik ka sa gusto mong balikan na panahon diba?"

Hinayaan kong maupo si Bry ng medyo malayo sa aming dalawa dahil baka maweirduhan siya sa'ming dalawa.

"Paano mo po nalamang nagawa kong makabalik lola?"

"Kasi pagkatapos mong pumunta dito sa akin may isang lalaking dumating at humingi rin ng tulong sa'kin. Pagkatapos mga tatlong araw ang lumipas may dumating ulit na isa pang lalaki, nabanggit niya sa kanyang kwento yung pangalan mo. Sa pagkakaunawa ko, yung dalawang lalaki na yun, pareho nilang gustong balikan yung eksaktong araw, oras at lugar na hiniling mong balikan."

"Ano po lola? Paano ka po nakakasiguro d'yan sa conclusion mo lola?"

"Kasi nakaramdam ako ng panghihina at tatlong beses nagpalit ng kulay yung orihinal na kopya ng papel na nasa akin na senyales na may tatlong taong natupad ang kahilingan."

"Ibig sabihin lola tatlo kaming bumalik sa nakaraan? Ako, si Dave at sino yung ikatlo? Posible bang si Vince yun?"

"Alam mo iha, ikaw lang ang makakasagot ng tanong mong yan dahil hindi ko na yan pwedeng pakielaman."

"Lola may itatanong po ako, kapag po ba nakabalik sa past yung isang tao sa tulong nung spell mo at napunta na ulit siya sa kasalukuyang panahon makakalimutan po ba niya lahat ng nangyari?"

"Hindi ko yan alam iha, hindi ako sigurado. "

"Kasi lola naguguluhan po talaga ako ngayon. Akala ko po magiging maayos ang lahat pero hindi pa rin pala. Makakabalik po ba ulit ako sa past kung gagamitin ko yung spell ulit?"

"Iha, pwede mong subukan pero sinasabi ko sa'yo baka mas lalo lang maging komplikado ang lahat kaya kung nandito ka na sa kasalukuyan ay ayusin mo na ang kaya mong ayusin upang hindi kana masaktan pa."

"Paano mo nakakabalik sa present? Nagulat na lang po ako nang magising ako nandito na po ako ulit."

"Makakabalik ka sa present kapag hiniling mo yun o kaya isa sa mga kasabay mo ang humiling nun. Kapag nasabing ayaw na nila o kaya'y gusto na nilang makabalik sa kasalukuyan."

"Ganun po pala yun. Sige po lola maraming salamat po."

Lumabas kami ni Bry na parang lutang ang diwa ko. Si Vince ba yung guy na yun na bumalik din sa past kaya naging iba na yung mga pangyayari?

"Girl okey ka lang ba? If not, I'm willing to stay beside you, what are friends are for diba?"

Niyakap ko si Bry habang iniisip kung ano ang susunod kong gagawin. Pupuntahan ko ba ulit si Dave para linawin ang lahat o hahanapin kung saang ospital naroon si Vince.

Nasagot ko rin ang tanong ko, this time si Vince Calaguas naman ang kakausapin ko at aalamin ko ang maraming bagay.

Pinatawagan ko si Dave kay Lyn para ipatanong kung saang ospital naroon si Vince. He's in Saint Anthony Hospital, alam ko namang puntahan kasi dun ipinanganak ang halos lahat ng pamangkin ko.

Nag-taxi na ako para mas maging komportable kaya lang nagsisimulang mabuo ang kaba sa dibdib ko. Paano ba ulit magsimula sa simula?

Room 302. Mr. Vince Calaguas. Sumakay ako ng elevator at hinanap ang room number na sinabi ng nurse. Nasa harap na ako ng pinto at saglit muna akong huminto. Ano nga ba ang sasabihin ko kay Vince kung bakit ko siya biglang naisip puntahan matapos ang almost 3 years mula ng maghiwalay kaming dalawa.

Kakatok na sana ako pero bigla ring bumukas ang pinto. Muntikan na akong mapaatras pero hindi na ako makakatakbo o makakapagtago kasi nasa harapan ko na siya, nakatingin sa akin si Vince.

"He--llo Vi-ince, naba-li-ta-an ko ka-si na na-ospi..." pautal-utal akong nagsalita.

Napatigil ako nang marinig kong umubo siya saka ko napansin na ang laki ng pagbabago ng kanyang katawan. Yung dating malaki niyang katawan ay pumayat nang bahagya. Matamlay rin ang kanyang mga mata at namumutla. Hinawakan ko siya sa kanyang likuran para haplusin pero lumayo siya sa akin. Humawak siya sa doorknob and he slightly close it while looking into my eyes.

"Mitch please stay away from me, hindi pa ako magaling and I don't want you to see me in this kind of condition. "

Mahina ang boses niya at hirap magsalita. Pati pagtayo niya ay halatang hindi rin maayos.

"But I came here to see you, to show you how worried I am and I really want to know if I can help you Vince."

"Everything will be fine soon, all I want is for you to stay away from me now, please Mitch."

Gusto kong mapaiyak, ano bang kasalanan ang nagawa ko para makaramdam ng dalawang beses na sakit ng puso. Una si Dave at ngayon si Vince. Karma ba'to dahil naniwala ako sa spell na baka sa-Demonyo o galing sa kulto kaya pinaparusahan na ako ng Diyos ngayon?

I'm about to cry pero nakaramdam din ako ng awa kay Vince lalo na't bakas sa kanyang mukha na hindi okey ang kalagayan niya. Kaya susundin ko na ang gusto niya, lalayo muna ako at babalik kapag okey na lang siya.

"I'll go now Vince, get well soon."

"Thanks Mitch and I want to say sorry for all the pain I caused you. Hindi ko sinasadyang masaktan ka."

Parang huminto bigla ang oras, hindi ko na napigilang hindi maiyak pagkatapos kong marinig iyon mula kay Vince. Hinawakan ko ang kamay niya at pinigilan siyang huwag isara ang pinto.

"I forgave you for the pain, nangyari na yun, tapos na. Okey na ako Vince, alam kong magiging okey na ang lahat."

Tumulo na ang luha ko at nang tumingin ako kay Vince umiiyak rin siya. Lumapit ako sa kanya at binuksan ko ang pintuan. Lalo akong nagulat nang makita kong naroon yung girl na fiancee ni Dave, hindi ako pwedeng magkamali, siya si Hannah Grace.

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon