Forward 4

28 1 1
                                    

Pinunasan ko ang luha sa mata ko at napatingin ako sa babaeng nakaupo malapit sa higaan ni Vince. Siguro naging obvious sa ekspresyon ng mukha ko ang pagkalito.

"Mitch ikaw pala, pasensya na pero kelangan na ni Vince na magpahinga."

Parang gusto kong magsimulang magtanong pero muling umubo nang matagal si Vince at ang hawak niyang panyo na kulay asul ay nababahiran na ng dugo na nagmumula sa kanyang bibig. Nakaramdam ako ng takot at nabatid kong malala ang kalagayan niya.

"Ano bang sakit mo Vince ha? Bakit hindi ba'ko pwedeng magtagal na kasama ka?"

Muling pumatak ang mga luha ko. Bakit hindi ko siya pwedeng samahan?

"Vince has a lung cancer, stage 4. The doctor advised him to take a rest. He's under medication."

Napaupo ako at nabigla sa narinig. Paanong bakit hindi ko rin alam kung ano pa ang sasabihin ko habang pinapahupa ng isang nurse ang pag-atake ng ubo ni Vince, habang dumarami ang lumalabas na dugong naaabsorb ng panyong hawak niya. Ibang-iba na ang itsura niya sa Vince na nakilala ko noong 3 years ago at sa Vince na muli kong nakasama nang makapagtravel back ako in time. Lalapitan ko sana siya pero itinaas niya ang kamay niya na nagsesenyas ng hinto sa kinatatayuan ko. Lalo akong umiyak at pinili kong huwag na siyang tignan sa ganoong kalagayan dahil nadudurog na ang puso ko. Susundin ko na ang gusto niya, aalis na ako.

Magang-maga ang mga mata ko at ayaw pa ring humito sa pag-iyak ang diwa kong lungkot na lungkot. Nakaupo ako sa waiting shed ng ospital. Nahihirapang makahinga, kung pwede lang na mamatay sa mga oras na'to.

"Mitch pwede bang tumahan ka na?"

Malinaw kong narinig ang isang boses at bigla na lang naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa aking likuran.

"Nasasaktan kana naman. Sobrang sakit na."

Muli siyang nagsalita at mas malapit na sa tenga ko ang kanyang tinig. Sigurado akong siya si Dave.

"Sana nanatili ka na lang sa nakaraan at hindi na bumalik sa kasalukuyan para hindi kana mas nasasaktan ng ganito."

Lalong napalakas ang pag-iyak ko at lalo naman niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin.

"Yung totoo Dave kayong dalawa ni Vince ang kasama kong bumalik sa nakaraan diba?"

"Oo Mitch kami nga."

"Bakit? Bakit Dave? Akala ko ba gusto mo akong lumigaya?"

"Alam mo Mitch sobrang hirap magpaliwanag sa'yo pero sobrang hirap din na huwag kang mahalin."

Tinanggal ko ang pagkakayakap ng mga kamay niya sa'kin at di ko naiwasan ang pagtaas ng boses ko.

"Wag mo akong yakapin, may fiancee ka na Dave. Huwag mo akong paglaruan. Huwag na ninyo akong guluhin ni Vince."

"Hindi ka namin gustong guluhin Mitch. Si Vince gusto niyang bumawi sayo kaya bumalik siya sa past at ipinaramdam niya sa'yo ulit ang pagmamahal."

"Bakit kelangan mong makipagsabayan sa kanya ha" Para ano? Sige nga ipaliwanag mo!"

"Dahil binigyan niya rin ako ng pagkakataon na maipaalam sa'yo kung gaano kita kamahal Mitch. Dahil ang totoo hindi na rin magtatagal ang buhay ni Vince. Magdadalawang taon na siyang nakakaranasa ng malubhang sakit Mitch, gusto na niyang magpahinga pero bago siya mawala gusto niyang balikan yung mga oras na wala pa siyang sakit. Iniwan ka ni Vince noon dahil nalaman niyang lumulubha ang karamdaman niya kaya mas pinili niyang masaktan ka sa ganoong paraan."

"So ngayon masaya ka na?"

"No. I will never be happy lalo na kung malungkot ka. Nang maging successful yung pagbalik namin sa past I grabbed the chance to let you know how much I love you para ako naman ang mahalin mo Mitch pero in the end si Vince pa rin di ba? Kaya lalo akong nasaktan na hindi mo ako kayang mahalin at mas lalo kang mahihirapan ngayong mawawala na si Vince."

Tumayo ako at nagsimulang maglakad papalayo kay Dave, this time nahagulgol na ako at mas lalong nahirapang huminga. Ang bigat sa dibdib na parang anytime mahihimatay ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Bakit naging komplikado ang lahat sa akin? Nagmahal lang naman ako ah. Bakit mas triple pa yung bumalik na sakit sa'kin. How will I end this kind of heartache na dati'y comparative na ngayo'y napunta sa superlative form?

Di'ko namalayang narating ng mga paa ko ang Sunken Garden. Minsan pala mismong ang diwa mo nalang ang hahanap ng lugar na magpapatahan sa'yo.

Gaya ng dati, dinama ko ang pag-ihip ng hangin at umupo ako sa damuhan. Pumikit ako at nasabi sa sariling kakayanin ko kahit sobrang sakit na.

Paano ko mamahalin si Dave kung alam ko ng kaya ako sinaktan noon ni Vince ay dahil sa may lumalala siyang sakit. Pero paano ko mamahalin si Vince kung maari na siyang lumisan sa mundo sa mga parating na bukas?

Pinigil ko na ang pag-iyak at humawak sa aking dibdib, pinakinggan ko ang tibok ng aking puso. Pwede bang bumalik ulit ako sa panahong iyon, yung oras na hinatid ako ni Vince sa boarding house namin ni Cathy. Kahit last na'to?

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon