Rewind 0.2

208 10 0
                                    

 10:57PM

June 9, 2009 Monday

Diary,

Nandito ako sa nakaraan. Hindi ako nababaliw. It’s true that I have travelled back in time. I even

can’t believe this but I have no choice. It’s happening, I met Vince again sa ibang sitwasyon. Kung

noon, nagkakilala kami dahil natapunan n’ya ako ng mango shake sa school canteen ngayon

naman---bakit, bakit kailangan mas maging memorable sa pagkakataong ito? L

11:42PM

Hindi ako makatulog diary, hindi ko alam. Bukas na bukas kapag nakita ko siya, pagmamalupitan

ko ang hayup na lalaking ‘yon! Akala n’ya. Gagawa ako ng paraan para makicked out na siya sa

school. Hindi ko na siya gustong makasama pa ng matagal. Pahihirapan ko s’ya para makaganti

ako sa kanya. 

Tumunog na ang alarm clock. Useless naman kasi buong gabi rin akong gising. Pinili ko nalang

mahiga at hindi na nagsulat pa sa diary ko. Si Cathy nauna na siyang gumising at naligo. She has

a report in her JP Rizal class kaya need nyang magresearch. Hindi ko s’ya makausap tungkol sa

nangyayari sa akin. Even she’s my bestfriend, sa pagkakataong ito, paniguradong hindi niya ako

mauunawaan. Well, given na yun, sino bang maniniwala sa sasabihin ko na bumalik lang ako sa

nakaraan?

Naglalakad na ako papuntang school, nakakagulat na may tumatakbo sa likuran ko. “Hey! Ms.

President!” Nang humarap ako, nahirapan pa’kong alalahanin kung sino siya---si Dave Tuazon

pala. Isang student from College of Arts and Sciences at naging isa sa mga Cum Laude na

kabatch ko.

“Kamusta ka?” Ngumiti ako sa kanya. Napansin kong color brown pala ang mata n’ya at medyo

cute pala siya sa malapitan lalo na dahil sa kanyang dimple. Saka nasagi sa isip ko na parang

mali yung binitiwan kong tanong dahil never naman kaming naging close.

“Heto late na sa first subject, hindi kasi ako nakatulog kagabi. Siguro someone is thinking of me,

ganun daw kasi yun. Sana kung may nag-iisip man sa’kin, ikaw na lang.” Bigla akong napatingin

sa kanya…. “Joke, pinapangiti lang kita,” dinugtungan agad niya. Ewan ko ba, ang mga lalaki

talaga mahilig magbitaw ng mga malalambing na salita para mahulog ang mga babae. Nabanggit

sa’kin ni Lyn na kung ang mga lalaki madaling ma-inlove dahil sa nakikita ng mga mata nila, ang

mga babae naman daw ay dahil sa mga naririnig ng tenga. Tama yun, we easily believe words

from a guy’s mouth then we end up regretting why we believed them. Kaya ako, natuto na ako.

“Sige, late na rin ako sa meeting namin sa Student Council. Bye.” Binilisan ko ang paglakad wala

naman talagang meeting dinahilan ko lang yun dahil ayaw kong may makasabay sa paglalakad

lalo na kapag lalaki. Hindi ko na rin pinakinggan pa kung ano ang next na sasabihin ni Dave. Wala

akong paki sa kanya, period.

Bukas na ang pinto sa SC office, naamoy ko ang pamilyar na pabangong madalas kong bilhin lalo

na kapag malapit na ang monthsary namin, biglang sumulpot si Vince sa paningin ko. Hawak-

hawak nya ang walis tambo habang kagat ang kanyang i.d lace. “O ayan, naglinis na ako rito sa

marumi n’yong office, 7AM ako dumating so 2 hours nalang ang natitira sa akin.”

“If you want you can go now. Hindi naman kita kailangan dito eh.”

“No, I cannot. Kapag nalaman ni Mrs. Sevilla yan mas lalo akong mahihirapan. Kahit ganito ako

marunong din naman akong mahiya at pati sa tito ko, nakiusap na lang siya para sa’kin.”

“Then, I will not tell her. Gusto mo kahit wag ka ng mag-stay dito. I will sign your accomplishment

form.”

“Student Council President ka di ba? “

“Oo, bakit?”

“Nakakadisappoint naman, you must be the first to know how to implement and follow the rules.”

Nakakainis, gusto kong iwasang makipag-eye to eye contact sa kanya pero yung mga ganung

tingin n’ya sa akin habang naririnig ko ang boses n’ya parang nagsisimula na namang matunaw

ang puso ko.

“You know what Mr.Vince, I just want to be considerate. Alam ko namang wala kang kasalanan sa

nangyari kahapon and bilang apology na rin dahil nasampal kita.”

“It’s not a big deal. I must do this. So pano, may ipapagawa ka ba?”

“Wala, hindi naman ako baldado para hindi makagawa ng sarili ko lang. You may do whatever you

want as long as di mo’ko maiistorbo.”

Umupo siya at kinuha ang tablet sa bag niya. Yung tablet na lagi naming ginagamit noon kapag

nagpapataasan kami ng score sa “The Hardest Game”. Nagpanggap akong busy para ‘di na s’ya

magsalita pero buti nalang at busy rin siyang naglalaro. Ilang minuto pa ang lumipas…  

You will always be,

beautiful in my eyes

The passing years will show

that you will always grow

Ever more beautiful in my eyes…

Naririnig ko siyang kinakanta ang kantang ito---it was the song he dedicated for me. Nanginginig

ako, parang gusto kong umiyak yung tipong gusto ko na naman siyang sampalin. I must not.

Sasaktan ko siya sa ibang paraan naman. Pumasok sa isip ko ang isang ideya, this time ako

naman ang magpapa-fall in-love sa kanya at kapag nangyari yun, saka ko siya iiwasan, iiwanan at

ako naman ang magsasabi sa kanya ng mga salitang “hindi kita minahal.”

A Backward Story of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon