The Hottie and The Nottie 04

3.1K 72 0
                                    

Shiela Marie •

Saturday

On the way ako papuntang Luneta Park. Dala ko yung black roses na may note at nakasave pa rin yung text message. Makikipagkita ako sa hired private investigator ko. Kailangan kong malaman kung sino ang taong nagpapadala ng mga ganun. Mahirap na baka isang araw, magising na lang ang mga tao na patay na ang isang Bang Pineda.

Umupo muna ako sa bench habang hinihintay ang PI (Private Investigator) ko.

"Baby?"

Kumunot yung noo ko tapos lumingon. Hindi nga ako nagkamali, si Ara nga.

"Uy, hi Ara." Bati ko sa kanya.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hipuin yung leeg ko.

"May sakit ka ba?" Tanong niya.

Kumunot naman yung noo ko.

"Huh? Pinagsasasabi mo?"

"Himala kasi! Hindi mo ako tinarayan." Sagot niya.

Ganun na ba talaga ako kataray sa kanya para magulat siya kapag naging mabait na ako sa kanya?

"Pssh. Tumigil ka nga, Victonara." Sabi ko tapos kinabig ko yung kamay niya sa leeg ko.

"Yiieee! Bati na kami ng baby ko." Pang-aasar niya at sinundot-sundot pa niya yung tagiliran ko.

"Tch. Ba't ka nga pala nandito? Sino rin kasama mo?" Tanong ko, changing the topic.

"Ah, wala akong kasama. Gusto ko lang magpahangin." Sagot niya tapos pasimple na umakbay sa'kin.

Tatanggalin ko na sana nang may magsalita.

"Ms. Pineda."

Lumingon ako, yung PI na pala. Tumayo na ako, I mean kami pala.

"Sorry po at late ako. I'm Mark by the way." Pagpapakilala niya at in-extend niya yung kamay para makapag-shakehands kami.

Aabutin ko na sana yung kamay ni Mark para makipagkamay kado inunahan ako nitong asungot sa tabi ko na naka-akbay pa rin sa'kin.

"I'm Vic Galang, girlfriend ni Bang." Sabi niya tapos nakipagkamay kay Mark.

Kapal talaga ng mukha nito, magpapakilala na lang sa sarili, kailangan pang sabihin na girlfriend niya ako. Bwiset!

"I'm Shiela Marie Pineda, Bang na lang." Sabi ko.

Tumango naman si Mark.

"Baby, uwi na ako. Baka kailangan niyo ng privacy, I love you." Sabi niya.

Lumakad na siya palayo. Kaso, hindi pa siya nakakasampung yapak, bumalik na naman siya.

"Oh, akala ko ba uuwi ka na. Ba't ka pa bumalik?" Tanong ko.

"May nakalimutan kasi ako." Sabi niya.

"Nakalimutan? Wala ka na namang gamit dito ah."

"Ito kasi yung nakalimutan ko." Sabi niya tapos hinila niya ako palapit sa kanya at hinalikan, sa labi.

Fvck!

Napansin kong mas lumalalim na yung halik niya.

Di ba siya nahihiya? PDA much! Tsaka nasa harap pa kami ni Mark no!

Shiz! Kailangan ko nang itigil 'to! Pero ba't ganun? Magkaiba ang sinasabi ng puso at isipan ko? Sabi ng isip ko, itigil ko na. Sabi naman ng puso ko, gusto ko ang nangyayari.

Humiwalay na siya after ng halikang iyon. Pareho kaming naghahabol ng hininga.

"Yun ang nakalimutan ko. Sige, bye na baby ko. I love you!" Sabi niya at umuwi na, for real.

I hate to admit this but, damn! She's a great kisser! Fvck!

Nahihiya akong lumingon kay Mark.

"Okay, shall we start, Ms. Pineda?"

Tumango ako at sinimulang ikwento yung nangyari kagabi.

"Dala niyo po ba yung roses at note?" Tanong ni Mark.

Ibinigay ko naman yung itim na bulaklak kasama yung note.

"Yung text po, nasa iyo pa ho ba?"

Pinakita ko sa kanya yung text. Kinuhanan ko iyon ng screenshot at ipinasa sa kanya through bluetooth.

"Sige po. Sisimulan na po namin ang pagiimbestiga. Maaari na po kayong umuwi."

Tumango ako at umuwi na.

Sa condo ulit ako matutulog.

Nagdinner muna ako bago mahiga.

Bzzt bzzt.

From: Ara Galang
Goodnight baby.

To: Ara Galang
Goodnight din.

Bzzt bzzt.

From: Ara Galang
I love you. Sleep tight. 'Wag nang magreply.

Gaya nga ng sabi niya, hindi na ako nagreply.

Sana naman, Lord please. Makilala na ang taong nagpadala nung roses, note at text na 'yun.

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon