The Hottie and the Nottie 03

3.3K 71 3
                                    

Shiela Marie •

One month after

One month na ang nakalipas, one month na niya akong tinuturuan at one month na rin ang pagiging magjowa namin.

Pero ito ang kaso, for Pete's sake! Hindi ako nakatulog kagabi! Blame that Ara Galang! She kept texting and calling and texting and calling me!

Kaya ito ako ngayon, papasok sa campus kasama 'tong eyebags ko.

"Girl! Anyare? Hello eyebags na ba?" Tanong ni Amanda.

"Bwiset!"

"Hoy Bangnita, hindi porke't may bagong bag ka sa mata, gaganyanin mo na kami. Bakit ba kasi ganyan 'yang mukha mo? Parang pinagsakluban ng langit at lupa eh!" Sabi ni Camille.

"Blame that Ara Galang! Tawag ng tawag! Text ng text! Hindi ba niya naisip na kailangan ko ring matulog?!"

"Ooopsie! Relationship goals! Yun yung tawag diyan!" Sabi ni Mimi.

"Dami niyong alam! Alis na 'ko! May class pa me." Sabi ko at lumakad na palayo.

First class ko at bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ng isang Victonara Galang! Bwiset! Sira na agad araw ko!

"Hi baby, nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong niya sa'kin.

"Tss. Tingin mo makakatulog ako ng maayos kung tawag ka ng tawag? And please shut up, badtrip ako." Sagot ko.

"Sungit naman ng baby ko." Sabi niya tapos umupo na siya sa upuan niya which is katabi lang ng upuan ko.

Umupo na rin ako kasi pumasok na yung prof para magturo.

---

Fvck! Ang tagal naman matapos nito! Wala naman akong maintindihan eh! Daldal pa ng daldal 'tong katabi kong feeling close sa'kin.

"Baby, alam mo ba mahilig rin akong malaro ng volleyball." Sabi niya.

"Pero dati, basketball talaga ang gusto ko." Dagdag pa niya.

Teka lang ha, naiirita na talag ako eh.

"Tumahimik ka nga! Wala na nga akong maintindihan sa sinasabi nung prof tapos dadaldal ka pa diyan sa tabi ko! Bwiset!"

"Ms. Pineda, Ms. Galang, may problema ba? Tanong nung prof.

"Sir, may I go out? I need to cool down." Sabi ko tapos tumango naman yung prof at lumabas na ako.

"Baby wait!" Rinig kong sigaw niya.

Nung sinabi niya yung "Baby wait!", nagsimula nang magbulungan yung mga kaklase namin.

"Huh? Baby daw? Sila ba?" Bulong nung isa.

"Grabe, pinatulan ni Bang ang isang katulad niya? Impossible." Bulong nung kausap niya.

Lumabas na ako sa room at umakyat sa rooftop ng school.

Maya-maya, may patakbong umakyat din sa rooftop.

"Ba-baby, te-teka lang. A-ang bi-bilis mo na-namang u-umakyat." Hingal na hingal niyang sabi.

Sino pa nga ba? E'di si Victonara na naman! Hanggang kailan ba ako susundan nito?!

"Ano ba?! Kaya nga ako umalis ng room para makalayo sa'yo tapos hahabol ka naman!"

"Syempre gagawin ko yun, girlfriend kita, remember?" Sagot niya.

"Tss." Inirapan ko na lang siya.

Umupo ako dun sa bench tapos tumabi siya.

"Ito, ilalabas ko ang gisto kong sabihin, bawal kang magsalita, this is my time. Real talk, maganda ka nga, sexy, hinahangaan ng lahat, mabait ka naman sa iba, pero bakit pagdating sa'kin lagi ka na lang galit? May nagawa ba akong mali? O sadyang may problema ka lang talaga sa'kin? Hindi ba ako dapat ang magalit sa'yo? Dahil dun sa ginawa mo dati? Pero pabayaan mo na yun, matagal na simula nung mangyari yun eh. Sige, aalis na ako. Wala nga pala munang tutoring class mamaya, may gagawin ako."

Anong sinabi niya na ginawa ko dati? Ngayon ko nga lang siya nakilala eh! Ugh bwiset! Napapa-isip na naman ako!

Nung medyo humupa na ang pagkabadtrip ko, bumalik na ko sa room. Mabait kasi yung prof ngayon tsaka kaclose ko kaya hindi ako napagalitan.

Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko. Wala si Ara pati yung bag niya.

---

Lunch break

Nandito ako ngayon sa canteen, kasama ko ang barkada.

Nakakapanibago lang kasi walang nangungulit sa'kin sa klase, wala kasi si Ara.

Seryoso, nung naglabas siya ng sama ng loob kanina sa rooftop, parang narealize ko na sobra na pala ako sa kanya. Naawa ako sa kanya.

Pero bwiset! Iniisip ko pa rin kung ano yung sinasabi niyang ginawa ko dati!

Bzzt bzzt.

Tiningnan ko kung sino yung nagtext.

From: Vica, blockmate
Bang, wala nang pasok after lunch.

Huh? Wala nang pasok? Eh sa pagkakaalam ko may last subject pa ako after ng break eh.

To: Vica, blockmate
Huh? Diba may isang subject pa?

Bzzt bzzt.

From: Vica, blockmate
Free cut. Wala tayong prof kaya uwian na.

Hindi ko na siya nireplyan.

"Girls, uwi na ako." Sabi ko.

"I thought may isang subject ka pa?" Tanong ni Amanda. Kabisado niya kasi yung sched ko.

"Free cut. Walang prof."

Tumango na lang siya.

"May tutoring sesh pa kayo ni Ara diba?" Tanong ni Camille.

"Fortunately, wala. May gagawin daw siya." Sagot ko.

"Yiieee! Pano mo nalaman? Girlfriend na girlfriend ang dating ah!" Pang-aasar ni Mimi.

"Che! Malamang sinabi niya para hindi na ako maghintay sa wala mamaya. Duh? Bahala na kayo diyan, uuwi na ako."

"Baboosh!" Sabi ni Angel.

Lumabas na ako ng campus at dumiretso sa condo unit ko, feel kong matulog dito sa condo kaysa sa bahay.

Patulog na ako nang may magtext.

From: 09*********
I'm starting to get my REVENGE for my dear sister, Shiela Marie. Be ready.

Huh? Ano na naman ba 'to?!

Ding dong

Binuksan ko yung pinto.

"Ikaw po ba si Ms. Shiela Marie Pineda?" Tanong ng isang lalaki.

"Ah opo. Bakit po?" Tanong ko.

"Package po para sa'yo. Sign na lang po dito." Tapos tinuro niya kung saan ako pipirma.

Pumirma na ako at binitbit yung package sa loob.

Binuksan ko yung package.

Seriously? Black roses?

Tiningnan ko kung may card yung mga rosas na itim at hindi nga ako nagkamali, mayroon nga.

"Bang, I'm slowly but surely starting my revenge."

Yan lang ang nakasulat.

Seryoso, natatakot na ako.

I need someone to make me forget this. Victonara Galang, kailangan ko 'yang pambibwiset mo para mabaling ang atensyon ko!

Someone's POV

"Huwag kang mag-alala, ate. Igaganti kita sa kanya. Ipaparanas ko sa kanya kung gaano kasakit iwan ng mahal mo." Sabi ko sa puntod ni ate.

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon