The Hottie and The Nottie 26

1K 28 2
                                    

• Kim Fajardo •

Halatang halata talaga kay Vic na may problema siya. Hindi siya yung taong magaling magpanggap, especially sa pagtatago sa mga nararamdaman niya. Matapos ng pag-uusap namin kanina, napag-isip-isip ko rin na siguro bilang kaibigan niya ay gumawa rin ako ng mga hakbang para maresolba nila ang problema ng relasyon nila. At dahil diyan, nakipagkoopera ako kay Ate Camille.

Dialing Ate Cams

"Hello?" Sagot niya na parang umiiyak.

"Umiiyak ka ba?" Kunot-noong tanong ko kahit alam ko namang hindi niya nakikita ang ekspresyon ko.

"Hindi Kim, tumatawa ako. Hindi pa ba halata?" Sarkastikong sabi niya.

"Ha ha. -,- Ba't ka ba umiiyak?"

"Tears of joy yan!" Rinig kong sigaw ni Kuya Perry from the background.

"Eh kasi naman." Sabi ni ate tapos suminghot haha.

"Ano? Bakit ba kasi?" Naiinip na tanong ko.

"Eh. Ano. Kaka-propose pa lang ni Perry. Potek naman oh."

"OH MY GOD! IKAKASAL KA NA?" Excited na tanong ko.

"Hindi. Proposal yun sa business -,-. Pota oo nga ikakasal na, ano ba susunod sa proposal?" Pambabara pa niya.

"Waaaah congrats! I'm happy for you both, seryoso." Sabi ko.

"Haha thank you Imi. Soon ikaw na rin ang ikakasal. Hahaha."

"Te, pano ako ikakasal kung wala akong kapartner? Ano yun, solo flight? Bastos ah."

"Okay. Insert roll eyes here, lol."

"Che. Oy ninang ako ah! Omg naeexcite ako sa inaanak ko!"

"Kim? Seryoso ka ba? Bwiset ah. Haha, ano ba kailangan mo?"

"Eh yung Oplan: Ara and Bang natin, kamusta na?"

"Meet up na lang tayo after nitong short vacation natin. Nag-uusap pa kami ni Perry kung ano ang pwedeng gawin sa dalawang yun eh."

"Wow ha, di talaga ako kasama sa planning eh no?"

"Kaya nga magmemeet-up para masabi sayo diba?"

"Hihi sorry na. Pano nagpropose si kuya? Yii omg."

"Jusko. Sa meet up na lang. Katamad eh."

"Wooh pabebe ka lang eh."

"Ulol, gago. Bye na."

"Ge ate, bye. Enjoy kayo diyan."

Binaba ko na ang tawag at pumasok na sa bahay, kakauwi lang kasi namin ni Vic (diba nga nagpaiwan kami dun sa beach). Umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama since nakapag-ayos na ako kanina bago umuwi. Patulog na ako nang biglang nagring yung phone ko.

Incoming call from Carmela Tunay

Huh? Ba't naman 'to tatawag? I mean ano pa ba ang kailangan niya? Wala na kami ah. Unless gusto niyang makipagbalikan. Hays sagutin ko na nga lang.

"Ano ba 'yan Kim. Di pa nga nanliligaw sasagutin mo na."

Hoy inner self, manahimik ka.

Sinagot ko na ang tawag ni Mela.

"Uhm hello? Bakit ka napatawag?" Tanong ko.

"Ay. Ano. Uh. Mali lang pindot ko ng pangalan. Ano dapat yun uhm yung isang Kim ata yung tatawagan ko. Oo yung isa nga hehe sorry."

"Ah okay. Bye."

Jusko. Kung yung isang Kim nga yung tatawagan nun e'di sana hindi na niya hinintay na sagutin ko muna yung tawag bago niya end yung call, diba? Siguro gusto niyang makipagbalikan sa'kin, ano? Joke Kim, 'wag ka nang mag-assume, magmove on ka na lang.

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon