The Hottie and The Nottie 02

3.7K 80 0
                                    

Victonara Galang

Nandito na ako sa may garden, actually kanina pa ako naghihintay. Sabi sa'kin ni Mimi 5 pm daw. Pero anong oras na oh! 6:30 pm na! May mga gagawin rin kaya ako!

Tumayo na ako at paalis na nang may magsalita.

"Saan ka pupunta? Ikaw yung magtuturo sa'kin diba? Simulan na natin."

Lumingon ako at watdapak?!? Yung babaeng walang modo yung tuturuan ko?!? Tsk. Kilala ko pala siya, si Bang. Ang babaeng gusto kong kainisan ko dahil sa ginawa niya noon.

"IKAW?!?" Sabay naming sabi.

Aalis na sana ako nang hilahin niya yung braso ko.

"Teka lang. I really need to pass. Sorry na dun sa nangyari. Please turuan mo na ako."

Siguro time na rin 'to para gawin ang isang bagay.

"Sige, papayag ako. But in one condition."

Nakita kong ngumiti siya. Tsk.

"Sure. Ano ba yung condition?"

"Be my girlfriend." Sabi ko.

"What?!? Ano?!?"

"Take it or leave it. Your choice."

"Wala na bang second option?"

"Wala."

"Ugh! Oo na. Deal."

Ngumiti ako, now is the start.

Shiela Marie

"Ano ba yan! Ang hirap naman!" Reklamo ko.

"Alam mo kasi Bang, madali lang 'yan. Lalo na kung iintindihin mo." Sagot naman nung isa.

Inirapan ko lang siya tapos sinubukang sagutin na lang ulit.

Aray putek! Sakit sa ulo! Bwiset!

"Okay, mukhang hirap na hirap ka na. Bukas naman ulit. Same time, same place. See you tomorrow, girlfriend." Sabi niya sabay wink.

Nanlaki lang yung mga mata ko at napanganga na lang. As in, literal na napanganga.

Bumalik na ako sa tambayan para sabay-sabay na kaming umuwi ng barkada.

Umupo muna ako at nakipagkwentuhan.

"See you tomorrow, girlfriend." Sabi ni Camille na may nakakalokong ngiti.

"Bang, baka naman may gusto kang sabihin diyan." Sabi ni Mimi tapos nagtaas-baba ang kilay.

"Pinagsasasabi niyo?"

"Asus! Deny ka pa Shiela Marie! Nakita kaya namin 'yon!"

Damn! Hindi pwede 'yon!

"Ang alin?" Pa-inosente kong tanong.

Nagulat na lang ako nang pitikin ni Camille yung noo ko.

"Hoy Bangnita, don't play your innocent act on me. It won't work. Dali, ano ba kasi nangyari? Hindi naman kasi ipagkakalat eh."

"Okay, chill. Kasi, pumayag siya na turuan ako, in one condition."

Tumigil muna ako sa pagsasalita.

"Jusko! Pabitin effect pa siya! Ano na girl?" Halatang nabibitin na tanong ni Mimi.

"She asked me to be her girl."

Nanlaki yung mga mata nila tapos nang-asar.

"Yiieee! May lumalablayp!"

"Pumapag-ebeg si Bangnita!"

"Dalaga ka na Bang!"

"Sagot ko na dates niyo!"

"Teka, kailangan ng shipping names. You know, yung pinagcombine na pangalan nila." Suggest ni Angel.

"BaRa!" Sigaw ni Amanda.

"Mands, okay lang sa'kin kung hihinaan mo boses mo eh, diba? Okay na okay talaga kaysa yung nabibingi ako rito." Pambabara ni Camille.

"BaRa GaNeda na lang!" Sabi ni Mimi.

Jusko! Dami nilang alam! Sarap patayin isa-isa!

"BaRa!"

"BaRa!"

"BaRa!"

"Shut up guys. Uuwi na ako." Sabi ko tapos kinuha na yung bag ko.

"Okay, don't forget to text Ara ah. Yiieee!" Pang-aasar ni Amanda.

"Gaga, wala nga akong number nun eh! Pwe! Maka-uwi na nga!"

Lumabas na ako at umuwi na.

---

Nasa bahay na ako ngayon, nakahiga na sa kama actually. Kapagod! Lalo na yung tutoring part! Putek! Sarap patayin nung nagtuturo! Charot. Gwapo nga eh.

Bzzt bzzt

From: 09*********
Goodnight baby.  :*

DaPak?!? Sino 'to?

To: 09*********
Sino ba 'to?

Bzzt bzzt

From: 09*********
Girlfriend mo 'to.

Huh? Girlfriend? Eh wala nama-- Shit! Si Ara ba 'to?

To: 09*********
Ara? Ikaw ba 'to?

Bzzt bzzt

From: 09*********
Yey! Nakilala ako ni baby!

Nilagay ko yung number niya sa phonebook bago magreply.

To: Ara Galang
Stop texting me. Matutulog na ako.

Bzzt bzzt

From: Ara Galang
Good night baby! I love you! :*

Hindi na ako nagreply.

Patulog na sana ako kaso, may epal na tumawag.

Incoming call from Ara Galang

Ni-reject ko yung call.

Incoming call from Ara Galang

Ni-reject ko ulit.

Incoming call from Ara Galang

This will be the first and last time na sasagutin ko 'tong tawag niya. Swear!

"Hello. Alam mo bang dis oras na ng gabi at kailangan ko nang matulog kasi may training pa ako ng maaga bukas? Tapos idagdag mo pa na kailangan kong magpahinga kasi baka pagod na pagod ako. Hindi mo ba naisip 'yon? Inis!" Litanya ko.

"Papatulugin na kita kapag sinabihan mo ako ng  I love you."

"Utot mo. Duh? As if naman gagawin ko. I'd rather die." Sagot ko.

"Then I won't teach you tomorrow."

"E'di wag."

"Wag talaga. Bahala kang bumagsak." Sagot niya.

"Sige na, I love you na." Mabilis kong sabi.

"Haha. Ulit please. I want it slower and more sincere."

Tanginuh! Daming request!

"I. Love. You. Okay ka na?" Sagot ko tapos umirap na para bang makikita niya ako.

Ako na naman napagtripan nito.

"Yun! Got it recorded! Humanda ka Bangnita! Hahahahaha."

Pinatay na niya yung tawag.

Recorded daw. Eh ano ngayon? Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako magkakagusto doon. Never.

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon