The Hottie and The Nottie 35

820 26 14
                                    

• Victonara Galang •

Kakagising ko pa lang pero kusang nagrereplay yung tweet ni Bang kagabi sa isip ko. Para bang lahat ng progress ko sa pagmomove on ay biglang nawala dahil sa isang tweet lang. Ito na naman ako, umaasa na pwede pang magkaron ng chance na magkabalikan kami ulit. Kahit pilit kong kinukumbinsi yung sarili ko na wag umasa, wala eh, puso na ang umiiral.

Tiningnan ko yung digital clock na nakalagay sa bedside table ko: 7:43 am. Bumangon na ako at dumiretso sa cr para mag-ayos.

Pagbalik ko, binuksan ko yung Twitter ko at nagcheck ng feed. Meron na namang notif, mention ulit; galing kay Bang.

"@bangnita: I'm gonna get you back."

Binalewala ko lang 'to at bumaba na ako. Nadatnan ko si kuya na nakaback hug kay ate habang nagluluto siya. Naalala ko tuloy nung ako pa yung yumayakap-yakap ng ganyan kay Bang. Ay shit, erase erase. Wag mo nang isipin, Vic.

"Umagang kay landi naman talaga oo." Sambit ko.

Pareho silang napalingon sa direksyon ko at kumalas na si kuya sa yakap.

"Good morning din sayo Vic." Sarcastic na sagot ni ate.

Tumawa na lang ako.

"Anong oras kayo aalis?" Tanong ko.

"Pinapaalis mo na 'ko?" Mataray niyang tanong.

"Ehehe di naman ate. Wuv u tatanong lang ih."

Tumawa siya ng bahagya at sinabing, "Siguro after kumain. Nakaligo na kami paggising."

"Mag-isa na naman ako dito." Pabirong senti ko.

"Alalala pabebe na naman siya." Asar sa'kin ni Kuya Perry.

"Eh kasi naman. Malungkot kaya mag-isa." Maktol ko na parang bata.

"Haler. Di naman pwedeng dito lang kami. New York trabaho namin oy." Sabi ni ate na naglapag ng pagkain.

"Ya I know. Lol haha. Basta tuwing kaya ng sched bisitahin niyo 'ko ha."

"Yas. Gamitin na namin yung airplane haha. Wawa napapagod kasi si Perry."

"Shunga malamang. Halos 40 hours ba naman yung byahe. Saka teka, lagpas two days na 'yon ah? Ilang araw ba day off niyo?"

"Actually nagleave talaga ako ng 5 days haha. 2 days travel dito, 1 day kami nagstay here. Balik kami through plane ngayon. Di na magdrive si Perry." Sabi ni ate habang kumakain na.

"So airport kayo deretso today?" Tanong ko.

"Yah. Tapos mamayang hapon, may check up ako."

"Anong gagawin niyo sa natitirang dalawang araw?" Usisa ko.

"Uh siguro pahinga? Or wedding preps."

"Kuya pano mo kinaya yung long drive na yon?" Amazed kong tanong.

"Ay nako, kung alam mo lang ahahaha. Syempre nagsa-stop over kami para matulog and kumain." Sagot niya.

Pinagpatuloy na lang namin yung pag-uusap habang kumakain.

Nang dumating na ang oras para umalis sila, nauna nang pumasok sa sasakyan si kuya kaya kinuha ko na 'tong pagkakataon na makausap si ate.

"Ate nagpaparamdam na naman siya."

"What's it this time?" Tanong ni ate at nagcross arms sa harap ko.

"Dinadaan niya 'ko sa tweets."

"And nagpapadala ka naman?" Tanong niya.

"Don't get me wrong, kaibigan ko si Bang but still kaibigan rin kita and I choose to stand by the truth. Hustisya ganern." Patuloy niya.

Napayuko naman ako doon, "I can't help it. Mahal ko pa ata siya."

"Mahal pa rin kita." Agad akong napaangat ng ulo habang si ate naman ay napa-facepalm na lang. Pareho naming kilala ng lubos yung boses na yun kaya tumpak ang hinala namin.

Ang nag-iisang Shiela Marie Pineda ay narito ngayon sa harap namin.

"Oh god. Vic, alis na kami ni Pers. Bahala na kayo." Sabi ni ate bago lumabas.

Ilang minuto rin kaming natulala sa isa't isa ni Bang. Sa sandaling iyon, nakita ko ang mga naging pagbabago sa kanya mula nung huli ko siyang nakita. Nagkaroon siya ng eyebags, medyo namayat siya, at halatang stressed yung mga mata niya. Yung mga matang puno ng sigla at ligaya noon; madilim at malungkot na ngayon. Ako ba ang may gawa nito?

"Vic?" Tinig na nakapagkawala sa akin sa isang mahabang tren ng pag-iisip.

"Ah ano. Sige ano pasok ka. Hehe." Awkward kong sabi.

"Salamat," sabi niya saka pumasok.

"Uhm pakisabi na yung sasabihin mo kasi ano aalis ako." Sabi ko na lang.

"Vic, pinuntahan kita all the way from the Philippines para makausap. Please 'wag mo 'kong bigyan ng ganyang excuse. Please 'wag mong sayangin yung pagod ko. Please." Sabi niya.

Napasinghap ako doon, nagpantig ang aking tenga, "Teka nga, sinabi ko bang pumunta ka dito? Hindi naman diba? Saka anong 'wag sayangin yung pagod mo? Eh yung relasyon nga natin sinayang mo tapos ikaw, pagod lang sasayangin ko sayo, bawal pa? Hustisya naman Bang."

"Vic I'm sorry. Please patawarin mo na 'ko. Kailangan kita sa buhay ko, please I'm sorry. Life is harder without you."

Tinaasan ko siys ng kilay, yung parang "Ah talaga?" na expression.

Tumawa ako ng peke, "Sana naman naisip mo yan bago ka kumabit dun sa Carlo ba yon?"

"Vic I'm sorry please. Take me back. Handa akong gawin ang lahat, handa akong magbago. Just please."

"Hindi madali, Bang. Intindihin mong nasaktan ako. Sobra sobrang sakit yung naramdaman ko. Minsan naitanong ko nga sa sarili ko, ito ba yung makukuha ko as kapalit sa pagmamahal ng tunay at buo? Sana pala, una pa lang, sana hindi na kita minahal ng todo para sana hindi rin ako nasasaktan ng todo ngayon. Oo sabihin nating nagdaan na ang linggo, buwan, pero andito pa rin eh." Tinitigan ko siya ng diretso sa mata. Puno ng luha, mata niya pati na rin ang mga mata ko.

Pumunta ako sa pinto at binuksan ito, "Kung wala ka nang ibang pakay, bukas na ang pinto para sa pag-alis mo."

"Vic, hindi madali ang lumabas sa pinto na yan nang hindi ko nakukuha yung kapatawaran mo. Please Vic, I'm sorry."

Nafufrustrate ako. Ugh.

"Lumabas sa pinto, hindi mo kaya. Lumabas sa buhay ko, ang dali mong nagawa." Bigla kong nasabi.

Natameme si Bang sa sinabi ko, nasaktan siguro.

Napahilamos ako ng kamay, "Bang pareho tayong wala sa wisyo ngayon. Masasaktan ka lang sa mga lalabas sa bibig ko so if I were you, lalabas na ako sa pintong ito. If were meant to be, we will be. Fate will lead us back. Hindi ko alam kung kailan tayo makakapagharap ulit but gaya nga ng sinabi ko, kung tayo talaga, tayo talaga. Now please leave."

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon