The Hottie and The Nottie 30

1.4K 34 6
                                    

• Camille Christianne •

Dis oras pa ng umaga pero meron nang kumakatok sa pinto ng condo ko na parang gusto niyang sirain yung pinto sa lakas ng katok niya.

"Hon, yung pinto." Antok na sabi ni Perry.

Kakabalik lang kasi niya galing sa Bulacan. May nakuhang traces daw kasi kung nasaan ang "nawawala" kunong si Mika.

(A/N: Kala niyo wala nang ganap si Mika dito ano? Haha meron pa po. May role pa siya.)

Tiningnan ko yung orasan sa bedside table ko at nakitang 1:38 am pa lang. Sino namang matinong tao ang mambubulabog ng ganito kaaga?

"Tsk. Bayaan mo yun. Aga aga eh." Sabi ko sabay siksik pa sa kanya at pumikit na ulit.

Ilang minuto naming pinabayaan yung katok kaso hindi na talaga tumigil eh.

"Hon, baka importante 'yun. Buksan mo na please." Nakapikit na sabi ni Perry sabay tanggal sa pagkakayakap sa'kin.

Tumayo na ako at binuksan yung pinto. Isang Shiela Pineda na may pagod at namamagang mata ang nakita ko.

"Oh? Anong nangyari sa'yo? Pumasok ka nga." Sabi ko at tumabi para makapasok siya. Umupo siya sa sofa habang kumuha naman ako ng tubig sa kitchen para ibigay sa kanya.

Umupo ako sa harap niya habang umiinom siya. Matapos niyang uminom ay tumitig siya sa kawalan. Maya maya ay may luha nang tumulo sa mga mata niya.

"Ba't ka umiiyak?" Tanong ko. Sinubukan ko pang itago ang pag-aalala ko. Maski papano kaibigan ko pa rin 'to oy.

"Ate. Sorry." Sabi niya habang humihikbi na.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Umiyak lang siya ng umiyak sa balikat ko. Nasa ganoong pwesto kami ng ilang minuto hanggang sa medyo kumalma na siya.

"Ate? Asan siya? Ate sabihin mo sa'kin yung totoo please."

"Bang, sorry pero hindi ko pwedeng sabihin sa'yo. Nangako ako sa kanya." Sagot ko. Ayaw naman talaga kasing ipaalam ni Vic kay Bang kung nasaan siya.

"Ate naman oh. Please ate. Nagsisisi na ako oh. Ate please." Sabi niya at nagsimula na siyang lumuha ulit.

"Hindi talaga pwede eh. Sorry. Ayaw pa kasi ni Vic na maging in touch kayo. Nasaktan siya, Bang eh."

"Ate ang hirap. Masakit pala. Ate nasasaktan rin naman ako eh." Sabi niya habang umiiyak na talaga ng sobra.

"Bang, mas mabuti kung bibigyan mo muna siya ng oras. Nasaktan mo siya eh, natural lang na umiwas siya sa'yo. Pabayaan mo munang magcool down kayo pareho bago kayo magharap muli. Kapag nakita kong pwede na kayong magharap ulit, ako mismo ang gagawa ng paraan para magkita kayo ulit. But for now, 'wag muna. Magkakasakitan lang kayo. Magpahinga ka na. Gamitin mo muna yung guestroom." Sabi ko.

"Hindi na, ate. Uuwi na lang ako. Dala ko car ko."

"Hindi. Dito ka na at baka ano pa ang mangyari sa'yo sa daan." Sabi ko at dinala na siya sa guestroom.

"May damit diyan si Vic, gamitin mo na muna. Pero ibabalik mo ha, binilin niya sa'kin na itago daw 'yan. Ewan ko kung bakit basta itago ko lang daw. Palit ka na tapos tulog na."

Bumalik ako sa sala at nilock yung pinto ng condo, baka may pumasok pang magnanakaw. Bumalik ako sa kwarto at wala na si Perry sa kama. Sinilip ko siya sa veranda at nandun nga siya, may kausap.

"Paki-inform na lang ako kapag nalaman na yung exact place niya at para mapuntahan agad. Salamat chief." Sabi niya dun sa kausap niya sa phone saka ibinaba ito.

"Aga ng tawag ng mga pulis ah." Sabi ko na nagpalingon sa kanya.

Pinalapit niya ako at niyakap lang ako. Kilig lol haha.

"Clingy mo." Sabi ko.

"Ayaw mo?"

"Wala 'kong sinabi."

Ilang minutes lang kaming ganun hanggang sa ako na ang nagyaya pabalik sa kwarto. Ang lamig kaya sa labas.

Humiga na ako at nagcellphone habang siya ay lumabas sa sala. Tawagan ko nga muna si Mika.

Dialing Puting Kapre Na May Baby Teeth

"Hello? Ate alam mo bang 1 am pa lang dito? I need my sleep." Sagot niya.

Tumingin ako sa orasan, 1:46 am na.

"Hoy Mika. 'Wag mo nga akong lokohin kasi 7:36 pm pa lang diyan. Parang nakalimutan mong tumira ako diyan sa Norway ah."

"Sorry na. Akala ko maloloko kita. Haha."

"Che. Kailan mo balak magpakita sa pamilya mo. Maawa ka na kaya. Nagkukumahog na si Perry para mahanap ka lang kasi nawawala ka kunyari."

"Parang kay kuya ka concern ah. Ehem." Fail na asar niya.

"Malamang, magiging asawa ko na yun ano. Saka namimiss ka na rin kaya ni Tita Bhaby at ng maliliit mong mga kapatid na ngayon ay hindi ganun kaliit haha."

"Alam ko na kung kailan ako magpapakita." Panimula niya.

--------------------

Binaba ko na ang tawag at sakto namang pasok ni Perry sa kwarto.

"San ka galing? Ba't ang tagal mo?" Tanong ko.

"Diyan lang. May binili lang." Sabi niya at tumabi na sa'kin.

"Hon?" Tawag ko.

"Hmm?"

"Paano kung isang araw ay biglang bumalik si Mika? Anong gagawin mo?"

"Wala? Ewan ko eh." Sagot niya tapos humikab siya.

Ganyan siya kapag inaantok, walang kwenta kausap. Haha sorry na.

"Tsk. Wala ka namang kwentang kausap eh." Angal ko.

"Sorry na po. Alam mo namang wala ako sa wisyo kapag inaantok."

"Sige na, tulog ka na ulit." Tumango lang siya at natulog na.

Nang masiguro kong tulog na siya, kinuha ko yung phone ko at tinext si Mika.

To: Puting Kapre Na May Baby Teeth
Wala raw siyang gagawin. Di ka niya sasapakin haha. Pakita ka na sa kanila sa araw na 'yun ha.

From: Puting Kapre Na May Baby Teeth
Yes yes. Magpapakita na ako. Miss ko na kayo. Yii.

Di ko na siya nireplyan kasi inaantok na rin ako. Pinatay ko na yung lampshade at natulog na rin.

• Shiela Marie •

Hindi ako makatulog. Paikot-ikot lang ako dito sa kama. Ang bigat ng pakiramdam ko. Idagdag mo pa na damit ni Vic ang suot ko kaya lalo tuloy natrigger yung miss ko sa kanya. Kailangan kong ilabas 'to.

Kinuha ko yung journal ko at ballpen.

Hi baby. Namimiss na kita. Mahirap pala kapag wala ka. Namimiss ko na yung mga text mo, yung mga corny mong jokes, yung ngiti mo, just you in general. Balik ka na dito oh. Nagsisisi na ako, sana mapatawad mo ako. Narealize ko na mas mahal pala kita kesa kay Carlos kaya ayun, nakipaghiwalay ako. Ngayon, ang tanging magagawa ko lamang ay ang hintayin ang iyong pagbabalik. I love you.

~Bang

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon