The Hottie and The Nottie 22

1.2K 24 0
                                    

[A/N: Hii! I'm back! Haha wala may nagbigay lang ng pwedeng maisulat kaya bumalik na ako. Isang dekada ulit bago mag-update hahaha]

---

Lumipas ang apat na buong taon at talaga namang marami ang nangyari. Tumatag ang mga relasyon at samahan ng magkakaibigan. Yun ang akala ng marami. Hindi nila alam na ilang araw nang dumidistansya si Bang kay Vic. Hindi na siya ang dating Bang na kahit saan, yayakap at hahalik-halik kay Vic. Laging ilap na si Bang at iba iba ang rason niya kada araw. Kesyo mag-aaral siya, kesyo may groupwork sila. Hindi maintindihan ni Galang ang gantong asal ni Bang. Pilit niyang inaalala kung may nagawa ba siyang mali o kung nagkulang ba siya. Marami ang tumatakbo sa isip ng parehong panig. Tanging si Bang lang ang nakakaalam ng rason kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito.

Nasa park ngayon si Vic. Specifically sa place kung saan sila laging tumatambay ni Bang, sa harap ng isang pond. Hindi niya maiwasang isipin ang mga nangyayari. Oo sila pa rin, oo committed pa rin sila sa isang relasyon pero parang hindi na feel. Parang ang hinihintay na lang nila ay ang may isa sa kanila ang magsabing "Maghiwalay na tayo."

Hindi na natiis ni Vic at napagdesisyunan niyang puntahan si Bang. Tumayo siya at pinagpagan ang kanyang pantalon bago pumunta sa kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Bumuntong hininga muna siya bago pinihit ang susi at nabuhay ang makina. Dahan-dahan siyang umalis. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng kaba at takot. May kutob siya na may mangyayaring hindi kanais-nais sa araw na iyon ngunit binalewala lang niya ito at nagpatuloy sa biyahe.

Mag-aalastres na ng hapon nang makarating siya sa building ng condo ni Bang. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa bawat hakbang na tinatahak niya. 

Pumasok na siya sa elevator at pinindot ang numerong 12 na ang siyang floor ng condo ni Bang. Hindi nga niya namalayang nakarating na siya roon dahil nakatulala lang siya sa kawalan. Tumapat na siya sa mismong pinto ng condo at kinapa na niya ang susing ibinigay sa kanya ni Bang noon pa. Namamawis na ang kanyang mga kamay sa sobrang kaba at malalamig na pawis ay patuloy na namumuo sa kanyang noo.

Binuksan na niya ang pinto ngunit wala siyang nakita. Wala si Bang sa loob. Pinili niyang maghintay na lamang baka sakaling sandali lang si Bang at babalik na muli sa ilang minuto. Nilibot niya ang kanyang paningin sa kwarto, wala pa namang nagbabago rito. Parehong-pareho pa rin ang ayos nito simula nung huling punta niya, ilang buwan na ang nakalipas. Inikot niya muna ang pamilyar na condo ni Bang. Hindi mapagkakailang namiss niyang pumunta rito.

Pumasok siya sa kwarto ni Bang at humiga sa kama. Amoy na amoy talaga niya ang pabango ni Bang sa unan, nakakamiss. Nagiisip-isip siya nang may tumunog. Hinanap ito ni Vic at nakita ang isang cellphone sa bedside table — cellphone ng babaeng pinakamamahal niya.

"Titingnan ko ba? Girlfriend ko naman siya eh." Tanong ni Vic sa sarili.

Bubuksan na niya ang cellphone nang bumuntong hininga siya, "Eh parang invasion of privacy naman pag ginawa ko yon. Hay nako Victonara." May papalo-palo pa siya sa ulo.

"Eh gusto ko talagang makita eh. Isa lang promise." Sabi niya at tuluyan na niyang binuksan ang phone ni Bang at dumiretso sa inbox.

From: Carlos <3
Hey babe, nakauwi ka na ba? I enjoyed today. Ingat ka. I love you :*

- Victonara Galang -

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nabasa ko. Bigla nalang akong napako sa pwesto ko, hindi ako makagalaw. Hindi maprocess ng utak ko ang nangyari. Ilang minuto pa at narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Mukhang nagulat siya nang makita niyang hawak ko ang phone niya.

"Uy babe." Bati niya.

"Babe? Hindi naman 'yon ang tawagan natin ah? Saka ano tong text na 'to?" Mahina kong tanong.

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon