The Hottie and The Nottie 24

1.1K 26 2
                                    

• Victonara Galang •

Pagkagising ko kinabukasan, Friday na. Ngayon na pupunta sila Kuya Perry at Ate Cams sa Thunderbird. Actually dapat sasama talaga 'ko, kaso nagyaya rin si Imi na pumunta sa province nila which is sa Batangas. Ipapaalam ko muna kela ate.

Dialling Ate Cams

"Hello?" Sagot niya matapos ang limang ring.

"Hi ate! Ba't ang tagal mong sumagot?" Tanong ko.

"Tsk, Perry 'wag ka ngang magulo. Wala, epal lang kasi si Perry. Bakit ka napatawag?"

"Uhm, nakakaistorbo ba 'ko?" Malokong tanong ko.

"Vic." Warning tone niya. Uh oh.

"Haha joke lang naman. Ate hindi pala ako makakasama sa Thunderbird mamaya." Sabi ko.

"Ha? Why? May nangyari bang masama sa'yo? Ano?" Nag-aalalang tanong niya.

"Wala naman po, alalang-alala ah. Nagyaya rin kasi si Kimmy papuntang Batangas."

"So pinagpapalit mo na 'ko kay Kim? Nako."

"Hala? Di naman. Wala lang, siguro hang out na lang namin ni Kimmah kasi these days pareho na kaming busy. Saka para naman magkaroon kayo ng alone time ni kuya. Ninang ako ha." Asar ko.

"Ewan ko sa'yo, Victo. Siya, sige na. Mag-aayos pa ako ng gamit namin ni Perry."

"Ay wow, ikaw pa ang nag-aayos ng gamit ni kuya! Girlfriend goals hahahahaha."

"Che, Victoria."

"Ate naman, 'wag mo na akong tawaging Victoria. Girly girly ew."

"Sige na at mag-aayos na ako. Bye Vic."

"Bye."

Sunod ko namang tinawagan si Kim.

Dialling Wafs Kimmy

"Hello?"

"Nogiii! Tara na sa Batangas!"

"Nogi ka diyan. Excited lang? Sige daanan na kita diyan."

Binaba ko na ang tawag at nag-impake. Tapos na kasi akong maligo kanina kaya ayos-ayos na lang ng mga gamit. Saglit lang naman kami doon ni Kim, magu-unwind lang. Sobrang dami na kasi ng mga nangyayari ngayon. Nakakastress na 'tong lahat ng mga nagaganap na 'to. Siguro naman pagkatapos ng limang araw na pagii-stay namin doon magiging payapa na ang utak ko.

Maya-maya bumukas na yung pinto ng condo ko.

"Ano, Kim? Tara na?" Tanong ko habang nakatalikod, inaayos ko kasi yung bag ko.

"Hindi ako si Kim." Napatalikod ako at nakita si Bang.

"Ah, uhm. Hi Bang." Awkward kong sabi. Ewan ko ba pero parang bigla nalang akong nahiya sa kanya.

"Aalis ka?" Tanong niya habang nakatingin sa bag na inaayos ko kanina.

"Ah oo eh. Nag-aya kasi si Kim. Pumayag naman na ako kasi para naman makapagliwaliw kahit konti." Sagot ko sabay kamot sa batok.

"Saan ka naman pupunta?"

"Batangas po."

"Hindi mo ba talaga ako sasabihan na aalis ka?"

"Eh ano, sasabihan naman talaga kita. Wala lang oras. Medyo biglaan lang rin 'to eh."

"Hindi mo ba ako aaluking sumama?" Tanong pa niya.

Hindi na muna Bang. Ikaw nga yung dahilan kung bakit ako magliliwaliw eh.

"Ah eh, gusto mo ba? Bonding na rin kasi namin 'to ni Wafs eh."

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon