The Hottie and The Nottie 14

3.1K 61 7
                                    

Mika Reyes •

Gulat pa rin akong nakatayo dito, hindi pa rin nagsi-sink-in sa sarili ko ang mga nangyayari ngayon.

Bigla na lang akong nakaramdam ng konsensiya. Napagtanto kong sobrang mali ang mga nagawa ko.

"Nabalitaan kong gusto mo raw akong ipaghiganti?" Sabi pa niya.

"Oo, pero noon yun. Nagbago na ngayon." Sagot ko.

"Oh? Nakita mo lang ako nagbago na bigla?" Sabi niya at umismid.

"Oo, parang ikaw, mukhang nagbago ka na ah."

"Like your mind, people change. Nakakasawa rin palang maging mabait no?"

"Aalis na 'ko." Sabi ko.

"Rude. Nag-uusap pa tayo tapos aalis ka na. Tsk."

"Bastos na kung bastos but I don't talk to strangers." Sagot ko at umalis na.

Aba, kaya ko ring magmaldita no.

Dumiretso ako sa Bulacan, diba nga sabi ni kuya may reunion daw.

Pagdating ko, nag-aayos na sina mama kasama yung ibang tita ko.

"Hi ma." Sabi ko at niyakap siya.

"Anak, buti nakarating ka."

"Opo, hindi nga dapat ako pupunta eh." Pabiro kong sabi.

"Nako, kung hindi ka pumunta ako mismo ang pupunta sa'yo at hihilahin ko yang buhok mo hanggang dito sa Bulacan."

"Joke lang naman ma."

"Alam ko, haha. Nasa garden pala si papa mo, kasama yung ibang tito mo, puntahan mo na lang mamaya kapag nakapagpalit ka na."

Tumango na ako at umakyat para makapagpalit.

Papunta sa kwarto ko, madadaanan ko muna yung kwarto ni kuya kaya nagdecide muna akong kausapin siya.

Pumasok na ako ng walang katok-katok at nakita si kuyang nakahiga sa kama at nagce-cellphone.

"Ang bilis mo namang nakarating." Sabi ko.

"Papunta na ako dito nung tinawagan kita." Sagot niya.

Natahimik ako sandali.

"Kuya, sorry. Sorry for being immature, childish and insensitive. Thank you dahil kahit ang tanga tanga ko na, hindi mo pa rin ako iniwan, though alam kong nagalit ka."

"Nako Mika, wala na yun. At isa pa, hindi ka sa'kin dapat mag-sorry." Sagot niya habang nagce-cellphone pa rin.

"I know, pero dapat pa rin akong magsorry at magpasalamat sa'yo kasi you played a big role in my stupidity."

"As I've said, wala na yun sis."

"Sis? Yuck, so gay." Comment ko.

"Tangina Perry, diba sabi ko hindi ka muna pwedeng pumasok? Anong hindi mo maintindihan dun?"

Napalingon kami sa pintuan ng banyo dito sa kwarto – kung saan nanggaling ang boses.

And nakita ko si Camille. Ah este, Ate Camille pala, nakasuot lang siya ng bathrobe na medyo may kaiksian.

"Witwew." Pasimple kong sabi.

"Akala ko nakakuha ka na ng damit mo bago maligo?" Sabi ni kuya.

"Kung nakakuha nga ako e'di sana hindi ako nakatayo sa harap niyo ngayon na bathrobe lang ang suot and duh? Sino bang makakakuha ng famit kung pagdating na pagdating palang natin dito eh pinasok mo na agad ako sa banyo para maligo. Haler, nawawala ka na ba sa katinuan?"

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon