The Hottie and The Nottie 17

3.2K 61 1
                                    

Shiela Marie •

Nandito kami ni Vic sa harap ng main gate, papasok pa lang kami pareho.

"Vic, kaya ko namang maglakad. May saklay ako oh." Sabi ko.

"Alam ko, alalay lang naman ako eh." Sagot pa niya at pinagpatuloy ang pag-alalay sa'kin.

"Vic naman eh." Parang bata kong reklamo.

"Tumutulong lang naman ako eh." Ginaya niya ako.

"Para kayong mga timang diyan." Narinig namin ang isang cold na boses.

Lumingon kami.

"Problema mo?" Tanong ko.

Si Ate Camille pala.

"Wala. Una na 'ko." Walang emosyon niyang sabi.

"Problema nun?" Tanong ni Ara at nagkibit-balikat lang ako.

Hanggang sa classroom, inalalayan niya pa rin ako bago siya pumunta sa pwesto niya.

Pumasok na yung prof at nagturo na.

Mabilis na natapos yung subject at vacant na namin pareho ni Vic — 2 hours vacant.

Pumunta kami sa may garden, tahimik kasi dun kaya napagdesisyunan namin na dun na lang maghabol ng school works.

Kakarating palang namin nang bigla siyang umalis, hindi man lang nagpaalam sa'kin. Bahala nga siya.

Ginawa ko na lang yung mga dapat kong gawin.

Maya-maya, kumalam yung tiyan ko. Tiningnan ko yung orasan ko at 12 pm na pala, hindi pa ako nagla-lunch.

"Kain ka muna." Si Vic na may dalang pagkain.

"Ba't di ka nagpaalam na aalis ka?" Nagtatampo kong tanong.

"Asus naman, bumili lang po ako ng food ng mahal ko." Sabi niya ng nakangiti.

Teka kinilig ako dun.

Nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos, sinandal ko yung uli ko sa balikat niya.

"Sana ganito na lang tayo palagi no?" Sabi ko.

"Pwede rin naman. Basta ba ako pa rin yung mahal mo at ikaw pa rin yung mahal ko." At kumindat pa ang loko.

Hinilamos ko yung kamay ko sa mukha niya.

"Syempre tayo pa rin no. Forever na kaya tayo." Sabi ko.

"Yii kinilig ako." Sabi niya.

Kinuha niya yung phone niya at may binasa.

"Baby, punta daw tayo sa cafeteria, nandun daw yung tropa." Sabi niya.

Tinulungan niya akong tumayo at siya na yung nagligpit ng mga gamit namin.

Kagaya kanina, todo alalay na naman siya hanggang sa makarating kami.

"Wow Bang, todo alalay. Partida dislocation lang 'yan, pano pa kaya kung buntis ka na." Pang-aasar ni Angel.

"Baka makabuo sila diba?" Sarkastikong sabi ni Mela.

"May IVF naman eh." Walang emosyong sabi ulit ni Ate Camille.

"Oh boom panes kayo sa future doctor natin." Sabi ni Ara.

"Kailan ba graduation niyo ate?" Tanong ko nang maka-upo na ako.

"Monday, next next week." Sagot niya.

"Problema mo ba?" Tanong ni Mimi.

Umiling naman si ate.

Kumain na lang kami ulit (syempre, light foods lang) at nagkwentuhan, pero laging lutang si Ate Camille.

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon