The Hottie and The Nottie 15

3K 58 2
                                    

Shiela Marie •

"Paanong? Nakakaalala ka na?" Takang tanong ni Kim sa'kin.

"Oo, nung nabangga ako ng truck, naalala ko na lahat." Pag-aamin ko.

Napatingin ako sa gawi ni Ara, tahimik lang siya.

"So, pati ako naaalala mo na?" Tanong ni Mela.

"Oo, best friend kita diba? "Bb" pa nga yung tawagan natin eh." Sabi ko tapos nginitian siya.

"Eh si Vic?" Tanong ni Kim.

Kinuha ko yung saklay ko, lumipat sa tabi ni Vic at inakbayan siya.

"Si Vic? Ito yung minahal ko noon, na nakalimutan ko kaya napalitan ni Espelita." Sabi ko sabay tingin kay Sarah.

"Pero kahit nung panahon na wala pa akong maalala, minahal ko na ulit si Ara. Kaya ngayon, masasabi ko na na hindi talaga nawala yung pagmamahal ko sa kanya magmula pa noon. Kaya Sarah, pwede ka nang umalis." Sabi ko.

"Aalis? Eh kaya nga ako nandito para bawiin ka ulit eh." Sagot niya.

"Ako na ulit ang mahal niya. Anong hindi mo maintindihan dun?" Seryosong sabi ni Vic.

Nakita kong nagsmirk si Ate Camille sa tabi kaya kinuha ko yung bago kong phone at tinext siya.

To: Ate Camille :)
Anong iniismid-ismid mo diyan?

Nakita kong binasa niya yung text ko.

Bzzt bzzt.

From: Ate Camille :)
Yung pananalita ni Ara, yung last part, line ko kaya yun.

Napatawa na lang ako ng mahina.

"Ate Sarah, can we talk? Privately?" Tanong ni Mika bago siya hinila paalis.

Mika Reyes •

"Mika ano ba? Ang higpit ng kapit mo." Naiiritang sabi ni Ate Sarah habang pilit siyang nagpupumiglas sa hawak ko.

"Ate anong palabas yung kanina? Ano na naman yung ginawa mo dun? Anong ganap yun?"

"Mika, kung ikaw nga dati gusto akong ipaghiganti eh, syempre gusto ko ring ipaghiganti ang sarili ko." Kalmadong sagot niya.

"Hay, bahala ka. May gusto pala akong puntahan, samahan mo ako ate please?"

Tumango naman siya.

Pumunta kami sa isang abandonadong karenderya pero may karatula pa rin na "Aling Martha's Karenderya".

"Anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong niya.

"Ah, yun ba? Nakikita mo naman na walang costumer diba? Inutusan ako ni Aling Martha na magluto dito baka sakaling magustuhan ng costumer yung luto ko at dumagsa sila dito. At gusto kong tulungan mo ako."

Corny yung rason ko pero Ate Sarah please lang, kumagat ka na sa plano ko.

"Ha? Ah, sige." Nagdadalawang-isip na sagot niya.

"Yun, tara na sa kusina."

Pumasok kami sa kusina.

Pinaayos ko muna sa mga tao ko itong karenderya kaya hindi mukhang abandonado na. Nung nakita ko siya sa puntod, gumawa agad ako ng plano para pigilan siya kasi alam ko ang gagawin niya pero hindi ko alam na ganito kabilis niyang gagawin yung pagkuha niya kay Bang kaya nabulilyaso yung plano ko at napilitan akong gumawa ng panibagong plano, on-the-spot.

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon