The Hottie and The Nottie 18

2.3K 45 3
                                    

Victonara Galang

Kakagising ko lang, nag-ayos muna ako ng sarili at bumaba.

"Oh ayan na pala siya eh. Tara na." Sabi ni Kim.

Lumabas na kami at nilakad yung cafe. Malapit lang as in.

Pumunta kami sa counter.

"God morgen frue, kan jeg ta bestillingen?" (Good morning ma'am, may I take your order?) Bati nung cashier.

Nganga yung mga kasama ko. Buti na lang talaga at tinalakay namin sa school yung iba't ibang languages for worldwide entrepreneurship kaya naiintindihan ko siya pero hindi lahat ng languages ay napag-aralan namin.

"Jeg vil gjerne ha en varm melkesjokolade drink og en plate av lefse." (I'd like to have a hot milk chocolate drink and a plate of lefse.) Sagot ko kaya mas lalong napanganga yung mga kasama ko.

"Ars? Baka gusto mong ipaintindi sa'min mga sinasabi niya, diba? Para hindi kami nakanganga dito." Sabi ni Angel.

"Tinatanong niya kung ano daw order niyo." Sagot ko.

"I can speak English." Sabi nung cashier.

"Juice colored. Marunong naman pala eh." Sabi ni Mela at nag-order na sila.

Hawak na namin ang tray ng mga order namin at kasalukuyan kaming naghahanap ng mauupuan.

"Maki-share na lang kaya tayo dun sa babaeng mag-isa dun sa napakalaking upuan na may lamesa na halatang pangmaramihan." Suggestion ni Kim. Tumango ako at pumunta na kami.

Hindi namin makita yung mukha kung sino kasi natatakpan yung mukha niya sa binabasa niyang magazine. Nakahoodie siyang gray tapos short na puti tapos Converse na high-top, puti rin. Nakapatong pa sa lamesa yung paa niya.

"Kan vi dele et sete med deg?" (Can we share a seat with you?) Magalang kong tanong.

"Ja, sikkert." (Yeah, sure.) Sagot niya habang nagbabasa pa rin at binaba niya yung paa niya.

"Takk." (Thank you.) Sabi ko at umupo.

"Værsågod." (You're welcome.)

Siguro nangawit siya kaya sa baba na siya nagbasa kaya nakita na namin kung sino siya na kinagulat naming lahat.

"ATE CAMILLE?!"

Napaangat naman agad yung ulo niya at nagulat din siya na kami pala yung kasama niya ngayon.

"Hoy, kaya pala lagi ka na lang MIA Camille ah, nandito ka na pala." Sabi ni Kim.

Binelatan lang ni ate si Noggy.

"Ba't ka nga pala nandito?" Tanong ko.

"Ba't nga pala kayo nandito?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Di, 'wag mong ibahin yung usapan. Bakit nga?"

"Bakasyon?" Patanong na sagot ni ate.

"Parang 'di sigurado ah." Comment ni Bang.

"B!" Rinig namin sa likod kaya napalingon kami.

Isang gwapong lalaki ang papunta sa direksyon namin.

"Uy b!" Sagot naman ni Ate Camille at nagbeso sila kaya tiningnan namin siya at sinabing "Paano na si Kuya Perry?"

Nagkatinginan sila tapos tumawa, timang lang?

"Pag 'b' ang tawagan magjowa na agad? Di ba pwedeng 'bakla' at 'babae' muna ang ibig sabihin?" Sabi nung lalaki with a bakla tone.

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon