The Hottie and The Nottie 11

3.5K 72 5
                                    

~~

Victonara Galang

Tangina! Ano ba 'to? Gaguhan? Pagkatapos ng I love you-han, ito na? Puta, masakit! Sobrang sakit! Pangatlong araw, puta pangatlong araw pa lang na official kami tapos hiwalay na agad? Nakakagago!

Tinawagan ko si Kim, alam kong siya lang ang makakatulong sa'kin ngayon.

Dialing Wafs Kimmy

"Hello?"

"Kim, punta ka dito, inom tayo."

"Teka, on the way na ako. Sama ko si Mela."

"Sige."

Binaba ko na yung tawag.

Bzzt bzzt.

Text message.

From: Bang <3
Baby please, let me explain.

Hindi ko siya nireply-an. Pinabayaan ko lang siya.

Bzzt bzzt.

From: Bang <3
Baby, tatawag ako. Please answer.

Maya-maya, tumawag nga siya.

Incoming call from Bang <3

Sasagutin ko 'to, but this will be the last time that I will answer her calls.

"Oh?" Walang gana kong sagot.

"Baby please, believe me, unexpected 'yun."

"Alam mo Bang, wala na, nagawa niyo na. And please, wala nang tayo, kaya don't you ever dare to call me "baby". Now tell me, ano ba talaga yung dahilan kung bakit mo ako pinapaiwas kahapon? I bet dahil din yun sa kanila."

"They told me to stay away from you. But please baby, please. Mahal kita alam mo yun, at hindi kita kayang layuan."

"You love me, and yet you still chose to let me stay away from you because they told you to? Oh come on Bang, pareho mo lang niloloko ang sarili mo at ako. Baka nga hindi mo naman talaga ako mahal eh."

"Vic, 'wag na 'wag mong pagdududahan ang pagmamahal ko sa'yo. Mahal kita Victonara, mahal na mahal kita."

"Kung nasasabi mo 'yan kasi naawa ka lang, pwes, no thanks na lang, Bang."

Tinapos ko na yung conversation namin at pinatay na rin ang phone ko, ayokong maistorbo kami sa pag-inom.

Umaagos lang kagaya ng isang gripo itong mga luha ko.

Bumukas yung pinto. Naka-lock yun pero nabuksan pa rin yun ni Kim kasi binigyan ko siya ng duplicate key.

Niyakap ako ni Mela.

"FO, stop crying na please." Bulong sa'kin ni Mela habang nakayakap pa rin sa'kin.

"Mahirap, FO." Sagot ko.

"Hoy hoy, Victonara. Sobra na 'yang yakapan niyo, baka nakakalimutan mo, akin 'yang niyayakap mo." Sabi ni Kim.

Napatawa na lang ako at kumalas na sa yakap.

Si Mela naman binatukan si Kim.

"Gaga ka talagang nognog ka. Kino-comfort ko lang naman 'tong si FO eh."

Thankful talaga ako na nagkaroon ako ng mga kaibigang tulad nila.

"Wafs tara, inom tayo."

Nakita kong tumingin si Kim kay Mela na para bang nagpapaalam.

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon