The Hottie and The Nottie 33

1.1K 22 4
                                    

• Victonara Galang •

Umuwi na ako matapos kong maggrocery. Si Mela umalis na rin. Itinabi ko na lahat ng mga pinamili ko at naupo.

Sa hindi ko alam na rason, ito na naman ako, iniisip si Bang. Hay jusko pano ba magmove on?

------------------------------

First day of work

• Victonara Galang •

Ito na. First day. Kaya mo 'to Vic. Wew. Shet.

Incoming call from Kimmyboy

"Hello?" Sagot ko.

"Uuuuy. Kinakabahan siya." Tukso niya mula sa kabilang linya sabay tawa.

"Magtrabaho ka na rin kasi para malaman mo nararamdaman ko."

"Sus, hindi naman ako kinakabahan sa first day of work eh. Excited kamo."

"E 'di shing. Sige na, mag-aayos pa ako."

"Haha sige brad. Good luck. Galingan mo."

"Naman. Victonara ata 'to?"

"Bruh ang hangin." Asar niya.

"Di seryoso. Bye na."

"Bye."

Binaba ko na ang tawag at bumaba sa kusina kasi believe it or not, nakahandusay pa rin ako sa malambot kong kama. Nagsimula na akong magluto. Nothing special, bacon and egg lang. Kumain na rin ako. Sa panahon na hindi pa nagsisimula yung trabaho ko, sinanay ko na ang sarili ko na kumilos mag-isa. Syempre kailangan kong masanay kasi wala naman akong kasama dito sa bahay para tumulong sa'kin.

Umakyat na ulit ako sa kwarto ko para maligo. Ligo ligo ligo. Sardines? Charot oo na corny na. Hahahaha. Nagbihis na ako ng dapat kong attire for work. Chineck ko rin yung bag ko kung lahat ng kailangan ko ay nandoon na. Thankfully, nandon na sila lahat. Nagsuklay na ako at nagpabango. Syempre kailangang magpagood shot muna sa work. Hahaha. Kinuha ko na yung susi ng kotse ko, which is given by the company for me to use while I'm here, saka lumabas ng bahay. Nilock ko na ang pinto, sumakay sa sasakyan at nagdrive paalis.

Nung dumating ako, naghanap ako ng parking slot at syempre nagpark. Nang maayos ko na ang parking, pinatay ko na ang makina at pumasok sa trabaho. Nag-time in muna ako bago pumunta sa cubicle ko. Maayos naman, hindi ganun kalaki pero hindi rin naman ganun kaliit, malinis rin. Inayos ko na yung mga gamit ko sa kung saan man dapat ito malagay at umupo na sa swivel chair. Sabi sa akin pag pasok ko na may magbibigay na lang daw ng mga paperworks na dapat kong gawin once na nakasettle na ako. Hinintay ko ng tahimik yung taong magdadala ng unang set ng paperworks ko.

"Good morning, Miss Galang, I am Cameron Salvatore, your supervisor." Sabi ng isang lalaking hindi naman katandaan ng may ngiti sa labi. May kasama siyang babae sa likod.

"Good morning, Mr. Salvatore." Tumayo ako at nakipagkamay sa kanya.

"Ah, this girl right here is Miss Villanueva, Amanda Villanueva."

Amanda Villanueva? Si Mands? Oh my god. Tropa 'to ni Bang remember?

"Uh good morning Miss Villanueva." Medyo awkward na bati ko kay Mands.

"Good morning, Vic." Nakangiting bati niya.

"Miss Villanueva right here will be your work buddy. For your first few working days, she'll be guiding and helping you in doing your works."

Tumango naman ako bilang sagot.

"For today, she'll be showing you around each department for you to familiarize yourself in the company."

Kumunot naman yung noo ko. "I won't be doing paperworks today?"

"No, silly." Tawa niya.

Tumango naman ako ulit.

Maya-maya, nagpaalam na si Sir Salvatore na babalik na siya sa office niya.

"So Vic, kumusta?" Tanong ni Mands.

"Ha? Ano, okay lang."

"Oh ba't parang kinakabahan ka?" Tanong pa niya.

Kasi baka itanong mo ang tungkol sa amin ni Bang which is a very touchy subject for me.

"Ah wala. First day of work kasi eh, hehe." Palusot ko.

"Ah ganun ba? Sige tara, ilibot kita doon sa iba't ibang departments." Sabi niya sabay akbay sa akin at naglakad na kami.

---------------

"So Vic, that's it basically. 'Yun lang ang gagawin mo dito sa trabaho. Kapag may mga tanong ka, huwag kang mahihiyang magtanong sa'kin para iwas rin sa pagkakamali. Otherwise nandito lang naman yung cubicle ko sa likod ng cubicle mo eh." Sabi ni Mands.

Tapos na ang working hours at sakto rin ang tapos ng orientation ko kay Mands. Medyo madali lang naman ang gagawin ko. Ewan ko kung ssdyang madali lang talaga 'to o sadyang mahal ko lang ang gagawin kong trabaho. Ganun naman yun diba? 'Pag mahal mo yung trabaho mo, walang araw na magtratrabaho ka kasi syempre gusto slash mahal mo at kapag gusto slash mahal mo, masaya ka. Kaya nga masaya ako sa piling ni Bang eh. Char sorry sa segway haha.

Inayos ko na yung gamit ko pati na rin yung sarili ko.

"Vic, una na kami." Paalam sa akin nila Niña, co-worker ko na nakilala ko lang rin kanina.

"Sige ingat kayo." Sagot ko.

"Uy Vic, tara dinner tayo." Yaya sa'kin ni Mands.

"Ah sige tara." Sabi ko sabay sabit ng bag ko sa balikat ko.

Bumaba na kami at nagtime-out sa parang bio device na kailangan ng thumbmark chuchu.

(Lel sorry di ko alam tawag dun kasi bata pa ako *ehem hulaan niyo kung ilang taon* lol joke haha nakikita ko lang yun sa work ng pinsan ko.)

Lumabas na kami ni Mands ng company at pumunta sa pinakamalapit na restaurant.

"Hiwalay na kayo ni Bang diba?" Tanong niya.

Syempre nagulat ako dun. Hindi ko naman alam na alam pala niya.

"Ah oo eh. Pano mo pala nalaman?"

"Nakalimutan mo yatang best friend ko 'yang si Bang. Kahit malayo kami sa isa't isa syempre may communication pa rin naman kami. Back to story, bakit kayo naghiwalay?" Pang-uusisa pa niya.

"Sorry Mands pero ayoko na sanang pag-usapan. Medyo touchy yung subject na yun para sa akin eh." Sabi ko in a super duper gentle way para di naman siya maoffend.

"Oh. Sorry kung tinake up ko pa yun ha. Akala ko naman kasi okay lang na pag-usapan." Paumanhin niya.

"No worries. Alam ko namang hindi mo talaga alam na ayokong pag-usapan pa. So maiba ako, order na tayo."

Dumating na yung waiter namin at kinuha na yung order namin. Syempre kwentuhan habang kumakain.

Siguro naman magiging maayos yung buhay ko dito.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(A/N: Hi sorry na sa late update haha marami lang talaga ang nangyayari sa buhay ko char 😂 luuuuh, pasukan na naman 💔😂)

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon