The Hottie and The Nottie 36

739 17 7
                                    

• Victonara Galang •

Woooh di ako prepared dun ah. It came sooner than expected. All this time akala ko sa church wedding pa nila Ate Camille at ni Kuya Perry ko siya makikita but no, she had to fly all the way to Arizona, tell me that she still loves me, and mess up my moving on progress. Alam niyo yun? Yung feeling na finally, kahit katiting, nakapagmove on ka na but then ayan na naman siya, and you just find yourself na back to zero.

Ayos na ako nun eh, nakalipas na ang approximately 5 months na wala kaming contact and I'm actually doing great. Kaso ayan, nagparamdam siya.

Matapos umalis ni Bang sa bahay ko, umakyat ulit ako sa kwarto. Humiga at nag-isip isip.

Saan kaya siya pupunta ngayon?

May matutuluyan ba siya dito sa Arizona?

Sana okay lang siya.

Lord please sana walang mangyaring masama sa kanya.

Tatanggapin ko pa ba siya ulit?

Is it worth another shot?

Handa na ba akong masaktan muli if ever buksan ko na naman ang puso ko sa kanya?

Will I... take her back?

Arrgghh. Naguguluhan ako. Nandito na naman yung yes and no feeling. Yes, gusto ko siyang tanggapin ulit, gusto kong maramdaman yung naramdaman ko noon, gusto kong maramdaman yung pagmamahal niya, gusto ko siyang mayakap ulit, mahalikan, makasama. At no naman dahil natatakot ako, natatakot akong masaktan muli. Natatakot ako na baka the moment I open my heart again, baka itapon niya lang ulit ito. Natatakot ako na baka marealize niya na hindi pala talaga ako yung gusto niya, na iba pala. Natatakot rin ako na baka pag tinanggap ko siya ulit, maisumbat ko sa kanya yung nagawa niyang 'to because I tend to live in the past at times.

Kayo ba? Sa tingin niyo ba dapat ko pa siyang tanggapin ulit? Or wag na? Tama pa bang pabalikin ko siya sa buhay ko? Safe na ba kung gagawin ko iyon? How can I guarantee na hindi na niya ako sasaktan ulit? How?

Enough of that, kailangan kong libangin sarili ko. Mababaliw ako dito jusko.

Naligo ako at nagbihis. Gusto kong umalis. Kinuha ko yung wallet ko tapos lumabas ng bahay. Napagpasiyahan kong maglakad patungo sa direksyon kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Bakit ganun? Kapag may bumo-bother sayo, bakit parang wala ka sa wisyo? Yung tipong kahit hindi mo gustong magzone out, unconsciously, you'll just find yourself deep in thoughts. Kaya mahirap yung problemado kang maglalakad gaya ng ginagawa ko ngayon, baka biglang mabangga ka na lang dahil wala ka sa sarili mo. Pero syempre ayokong mabangga kaya nag-iingat si ako ahaha.

Nakarating ako sa isang park, mainstream na kung mainstream pero sa isang park nga ako nakarating. Halos walang tao doon, bukod nga lang sa isang mukhang Pinay na babae at Pinoy na lalaki; pareho silang nakaupo sa iisang picnic blanket, magpipicnic ata. Pero bakit ganun? Ang tahimik nila? Diba dapat kapag nagpipicnic, masaya? Masigla? Bakit sila iba? Bakit sila malungkot at parang ang bigat bigat ng mga dinadala? May problema kaya sila? Magwawala ako kung wala silang problema tapos ganyan sila umasta ay jusko. Umupo ako sa bench malapit sa kung saan sila nakaupo at narinig ko yung usapan nila.

"Hindi ako siya." Umpisa nung lalaki.

"Huh? What do you mean by that?" Sagot nung babae.

"I'm not him." Sambit nung lalaki habang nakatingin ng diretso at may mapait na ekspresyon sa mukha.

"Gian hindi talaga kita maintindihan, ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo?"

"Ella I'm sorry kung maraming kulang sa'kin kaya ka naghanap ng iba. Sorry kung hindi ko magampanan yung mga gusto at hinahanap mo sa isang lalaki. Sorry kung hindi ako makapasa sa standards mo. Sorry kung hindi ako kagaya niya na kayang gumastos ng pera para sayo, pinag-iipunan ko pa kasi yung bahay para sa magulang ko at sa future sana natin. Sorry kung hindi ako party-goer kagaya niya, marami kasing mas mahalagang bagay kaysa sa pagpaparty. Sorry kung hindi ako masyadong showy sa public, ayoko kasing umani ng public attetion dahil sa pda. Basta sorry. Sorry kasi hindi ako naging siya. Sorry kasi kahit katiting na pagkakatulad ko sa kanya ay wala ako. Sorry kasi iba ako sa kanya. Sorry kasi ako ay ako. Sorry kasi makikipagbreak na ako sayo ngayon. I can't do this anymore, nakakapagod na. I'm sorry." Malungkot at paiyak na sabi ng lalaki bago tumayo at umalis.

Bakit parang nakarelate ako doon sa lalaki? Ah alam ko na, kasi 'yan rin pala 'yung mga gusto kong sabihin kay Bang. Ito na naman si tadhana, nagbibigay na naman ng mga subtle hints lalo na sa mga oras na kailangan mo. 

Nabaling 'yung tingin ko doon sa babae. Ngayon naiwan siyang mag-isang nakaupo sa picnic blanket, umiiyak. Bakit ganun, gagawa gawa siya ng mali niya tapos ngayon iiyak na siya? I don't get it. Or rather, hindi ko lang alam 'yung rason nung mga ganung tao kung bakit nila ginagawa 'yun so I'm really not in the place to judge.

"Pssst."

Huh? Ako ba tinatawag nitong babaeng 'to?

"Oo ikaw. Tayo na lang naman 'yung nandito ngayon." Sabi pa niya.

"Uh bakit?" Tanong ko sabay umusod ng konti papalapit sa kanya.

"Hindi ka babae ano?" 

Aba bastos 'to ah, may privates pa naman ko ah. "Pusong lalaki." Sagot ko.

"I know, I know. May girlfriend ka ba"

"I used to have one but now, wala na."

"Not to be nosy but anong nangyari?"

"Similar to what happened to you; nanlalaki siya." Walang emosyon kong sagot.

Hindi siya umimik kaya't nagpatuloy ako, "Bakit niyo ba 'yun ginagawa? What good would it do to you? Taken na kayo tapos kayo mismo ang maghahanap ng iba? Bakit 'di makuntento sa isa?" 

"Nagagawa lang naman siguro 'yun dahil may kulang sa relasyon eh." Mahinang sagot niya.

"Bakit hindi na ba pwedeng mag-adjust? Pwede namang pag-usapan 'yung mga pagkukulang na 'yun in order to make adjustments and arrangements para lalong tumibay 'yung relasyon, not just go out and find another who would satisfy 'yung sinasabi mong pagkukulang. Maraming paraan." Medyo may inis kong sagot.

"Paano kung naisip niya na hindi na 'to madadaan sa simpleng pag-uusap at adjustments? Maybe kaya hindi na niya ginawa yung "talk" na sinasabi mo because of that thought." Frustrated niyang sabi.

Nahihibang na ba 'tong babaeng 'to?

  "There's nothing wrong with trying, minsan try mo. And with all due respect, sana naman bago kayo maghanap ng iba, tapusin niyo muna 'yung current relationship niyo, hindi 'yung iniiwan niyo kaming hanging dito, plus to lessen the damage; masakit nang maiwan para sa iba, pero mas masakit kung malaman mong pinagsasabay niya kayo." 


The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon