The Hottie and The Nottie 13

3.5K 73 6
                                    

• Perry Reyes •

Nandito ako ngayon sa bahay, sa Bulacan, kailangan nang matigil lahat ng 'to.

"Morning ma, pa." Bati ko sa kanila.

"Good morning anak." Bati rin ni mama sabay hinalikan yung pisngi ko.

"Oh anak, ba't nga pala hindi mo kasama si Mika?" Tanong ni papa.

"Busy po siya eh. Pa, ma, si Camille nga po pala." Pagpapakilala ko sa kasama ko, mamaya ko na sasabihin, as for now, magbo-bonding muna kami.

"Good morning po, ma'am, sir." Bati ni Cams.

"Ay nako hija, ang pormal mo naman. Tita at tito na lang ang itawag mo sa'min." Sabi ni mama.

"KUYAAA!" Sigaw na galing sa loob. Lumabas ang makukulit kong kapatid, sina Miko at Mikole, sabay yakap sa'kin.

"Kuya sino po siya?" Tanong ni Miko sabay turo kay Cams.

"Si Ate Camille niyo."

"Ate Camille? Siya ba yu--"

Tinakpan ko na yung bibig ni Miko, baka kung ano pang masabi eh.

"Ang daldal mo bata. Tara, pasok na tayo." Sabi ko at pumasok na kami sa loob.

"Feel at home hija ha." Sabi ni mama.

"Ma, saan matutulog si Cams?" Tanong ko.

Isang linggo kasi kami dito, in-excuse ko muna siya sa school para makasama. Lupit ko no?

"Sa kwarto mo, malaki naman yung sa'yo eh." Sagot ni mama.

"Po?" Sabi ko.

"Sa kwarto mo siya matutulog kasi si Mikole yung gumagamit nung kwarto ni Mika. Hoy Perry, ayoko pang magka-apo ah. Sa takdang panahon pa." Sabi ni papa.

Tsk. Papa talaga.

"Papa naman eh. Siya, sige po, ayusin lang namin yung gamit namin. Tara na, Camella Homes."

Pumunta na kami sa kwarto, inayos ko gamit ko, inayos niya gamit niya.

Nahiga siya sa kama ko.

"Wow, kama mo?" Sarcastic kong tanong.

"Che, feel at home lang ako no." Sagot niya.

• Camille Christianne

Nakahiga pa rin ako sa kama ni Perry habang siya ay nakaupo dun sa may study table. Maga-alas dose na pala.

Bzzt bzzt.

From: Mimi :)
Ate si Bang dinala sa ospital kaninang madaling araw!

"Ano?" Gulat kong sabi.

"Hoy, sino kausap mo?" Sabi ni Perry.

"Si Mimi, nasa ospital daw si Bang."

"Bakit daw?"

Nagkibit-balikat ako at nagreply.

To: Mimi :)
Call ka please.

Sent.

Maya-maya, tumawag nga siya.

Incoming call from Mimi :)

"Ano nang nangyayari diyan sa Manila? Si Bang okay na ba?" Natataranta kong tanong.

"Andito kami ngayon sa labas ng ER, si Bang andun pa rin sa loob."

The Hottie and The Nottie (BaRa Fanfiction) [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon