Chapter 3

16 17 13
                                    

Chapter 3




"Congrats, Korics!" Rinig ko sa mga ka trabaho ko.




Nag pasalamat ako sa mga ito. Ngayong araw ay na promote ako sa trabaho. Lahat ng pinag hirapan ko sa trabaho ay worth it. Pag bubutihan ko lalo ang pag tratrabaho!. Pag baba ko ay nadatnan ko si Jace na nasa ibaba. Naka puti itong polo at itim na slacks. May hawak itong bouquet of white roses.




"Congrats, manager!" Bati nito sa akin at hinalikan ako sa pisngi.




"Salamat, mahal" Nginitian ko ito. Inabot nito sa akin ang bulaklak at kinuha ang bag ko.




Maraming bumati sa akin sa pag alis namin roon. Pag upo ko sa shotgun seat ay binuksan ko ang ilaw. Sa likod ni Jace nilagay ang bag ko bago ito pumunta sa harapan. Nilagay ko rin ang bulaklak sa likod.



"Sa November 10 irerelease ni Taylor Swift 'yung bago niyang album" Tumango lang ito.





"The same day uuwi sila mommy." Tumahimik ito bigla. He held my other hand and squeezed it.





"Papakilala kita sakanila" He smiled.





May kung ano akong naramdaman sa puso ko. Tumatalbog ang puso ko sa saya. Pag tapos niya sabihin sa akin ito ay nag maneho na ito. Sa pag kaka alam ko ay nag handa sila mama sa akin sa bahay.




"Ang liwanag ng bahay ngayon" Sabi ko habang binubuksan ang gate. Pag pasok namin ay marami ng taong kumakain. Nag latag sila mama ng plastic table at plastic chair rito.



"Ang kakapal ng pes nauna pa sa celebrant!" Sabi ko sa mga kaibigan ko.



"Congrats, baks! Bukas ko nalang padala regalo ko." Sabi ni Nezea.




"Ako rin, beh!" Punong puno ang bibig ni Phia habang sinasabi 'yun.



"Oh siya, magpaka busog kayo!" Sabi ko bago sila iwan. Nasa loob ng bahay sila mama noong nadatnan ko sila.



"Congrats, kuya!" Sabi ni Analain, katabi nito ang manliligaw niya. Binati rin ako ni kuya Basil bago niya tinuloy ang pag nguya.




"Congrats, anak" Hinalikan ako ni mama sa pisngi. Niyakap ko siya ng mahigpit.



"Love you, mama"



All the praise doesn't matter if it isn't coming from my mother. All of the hard works are for me and my family. One day we will be successful. Sabay sabay kaming aangat, walang maiiwan. Nag mano si Jace kay mama pag tapos. Kumuha kami ng plato at handa bago lumabas. Nakikipag kwentuhan kami sa mga kaibigan ko habang kumakain. Ang madalas mag kwento ay si Nezea. Tungkol roon sa boyfriend niya.




"Binigyan ko lang ng sapatos nakipag cool off na!" Inis nitong banggit.



"Gaga, gano'n talaga ang mga chinese!. Iniisip nila tatakbuhan mo sila kasi binilhan mo ng sapatos"



Umiling lang ako habang tumatawa.




"Sa susunod bigyan mo ng pagkain para wala ng masabi"




Parang naiiyak si Nezea sa pang aasar namin. Tumahimik lang ang table namin noong nag uusap na sila tungkol sa maduduming bagay. Bihira lang kaming makisali ni Jace dahil ang awkward. Hindi naman porket matagal na kami at parehas kaming lalaki ay magagawa na namin 'yun. Hindi naman kami nag mamadali sa mga bagay na gano'n. Alam kong mag hihintay si Jace. Si Jace 'yun eh.



May tiwala ako kay Jace

Yours Truly Series #1: Why Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon