Chapter 20
I saw Jace kissing another woman, his hands were wondering her body. Tinignan ko lang ang dalawa, hindi ko muna ito inapproach. Noong umalis na ang babae ay lumapit na ako. Traydor ka, Jace.
"Matagal ka ng ganito? Nanloloko no?" Sarkastiko kong sinabi.
Ganito pala ang ginagawa niya kapag nag aaway kami? Hindi ko na kwe-kwestyonin kung naka ilan na siya dahil baka mabigla ako sa dami. Tangina mo, Jace.
Nabigla ito noong lumingon siya. Ngumiti ako ng sarkastiko. "Tangina mo no?" Mahinahon kong sinabi, pero may pait sa dulo.
"Child support lang hinihingi namin sa'yo hindi mo pa mabigay? Tapos dinideny mo pa 'yung ginawa mo?. Sana nag isip ka bago mo iputok! Hindi puro libog!. Bullshit ka!. Sinayang mo lahat ng pinag samahan natin, 'yung tiwala ko... Pati pag mamahal!"
The fear in his eyes, the same thing I saw before. "Let me explain, Korics" Sabi niya.
"Wala na, Jace. Noong nagiging maayos na sana kaso ginawa mo lang 'to!. Maayos na pero ginulo mo ulit!. Hindi mo ba naisip 'yung kapatid ko? Mas mahirap para sakaniya 'to. Kasi ikaw, matatakasan mo, siya hindi. Kapag siya tumakas, siya pa ang magiging masama!... Hindi kita maintindihan, Jace! Hindi kanaman bobo pero ginagawa mong bobo 'yung sarili mo!"
"Korics"
Lumuluha na ito. "'Yung hinihiling lang namin ang kailangan namin, kahit 'yun lang. Sana magawa mo naman 'yun." My voice cracked.
"Korics, nahihirapan ako!, nasasaktan ako!." He teared up.
"Lahat tayo nasasaktan , Jace" Sabi ko.
"Pero iba 'yung akin. Nasa akin 'yung pressure, kaya ko lang naman nagawa 'to kasi nahihirapan ako!."
Kumunot ang noo ko. "Ang mag loko?, sumuko?, iwan 'yung responsibilidad? "
"Mahal kita, Korics" Mas lalo akong napa kunot sa sinabi niya.
"Gusto ko tayo 'yung magka pamilya, tayo 'yung bubuo. Hindi ko kayang panindigan si Ana kasi hindi naman ikaw 'yun."
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Jace?!" Lumunok ako. "Ang desperado mo!" Inis kong sambit sakaniya.
"Hindi mo ako naiintindihan"
"Ipa intindi mo sa akin."
Hindi na ito sumagot sa sinabi ko. Nag hintay ako ngunit hindi ito sumagot. Pinapatunayan ni Jace na wala talaga siyang karapatan para mapatawad ko. Kung ayaw niya ng hinihiling namin ako nalang ang mag pro-provide. Hindi namin kailangan ng mga taong katulad niya. Walang kwenta.
Pag talikod ko ay may sinabi ito. "I'm sorry" Hindi ko ito pinansin. Anong magagawa ng sorry mo Jace? Hindi lahat kayang baguhin ng sorry!. Pag labas ko ng sa club ay pumara agad ako ng taxi. I receive several texts from my mom about Ana.
Pag dating ko sa bahay namin sobrang liwanag ng labas. Sanay naman na ako na ang iiwan sila ng ilaw, pero hindi ganito ka liwanag. Tahimik ang lugar habang nag lalakad ako papuntang pintuan.
"Ana?" Tawag ko noong nakita ko itong nasa couch na naka upo. Siya nalang ang tao rito sa baba, wala sila mama at kuya.
Lumingon ito, nakita kong magang maga ang mata nito. Inalis ko ang sapatos ko bago pumasok. Lumalaki na paunti unti ang tyan nito.
"Ba't gising ka pa?"
Umalis ito sa pag kakaupo bago pumunta sa akin. "Kuya" Naramdaman ko ang yakap niya sa akin.
"Ako na bahala sa lahat, tutulungan kita. 'Wag na natin siyang pilitin kung ayaw niya."
Mas lumakas ang hikbi nito. "S-salamat, kuya"
BINABASA MO ANG
Yours Truly Series #1: Why Not?
Short StoryYours Truly Series #1 Many people's lives can be ruined by a single mistake. How will Korics deal with it?. How can he forgive those who have betrayed him?. ©All Rights Reserved 2021 Aliyah09