Chapter 8

13 16 23
                                    

Chapter 8





Kaninang umaga ay dumalaw rito si Jace. Ang laki ng pinag bago nito, mukhang pagod na pagod siya. Napaliwanag naman niya kung bakit siya masyadong active. Ang balita ko ay sinugod daw ang daddy niya sa hospital, kaya hindi makaka dalo ang daddy niya ngayon. Kinakabahan ako dahil sa pag kaka alam ko ay intimidating ang mommy nito.





"Ayos lang ba ang itsura ko?" Tanong ko habang nilalagay ang gel sa buhok.





Ngumiti lang ito habang tinitignan ako. Inayos ko sa salamin ang polo ko. Gusto kong mukha akong presentable sa mommy niya, nakakahiya naman kung mukha akong madungis. Nag lagay ako ng kaunting nude lipstick sa labi ko. Lipstick at blush on lang ang tanging alam kong ilagay. hindi ako kagaling ni Analain mag make up. Kaya kapag may special event kami ay siya ang nag ma-make up sa akin.




"You look pretty, mahal" Hinawakan nito ang baba ko lumapit sa akin. I felt his lips were into mine. A peck of kiss. Ngumiti ako.




"I love you" I whispered.




Tanging ngiti lang ang sinagot nito sa akin bago lumayo ng tuluyan. Pag tapos noon ay nag drive na ito . Sa isang chinese restaurant kami pumunta. Ang sabi niya ay favorite ito ng mommy niya kaya rito siya nag pa reserve. Kaming dalawa palang ang nandirito, nasa hospital pa raw ang mommy niya. Habang iniintay si tita Consuelo ay umorder na kami para pag dating niya ay may pagkain na. Naputol ang pag uusap namin noong nag ring ang phone niya.




"Excuse me." Tumayo ito at sinagot ang tawag.




Earlier I received a message from an unknown number again. Same number na tumawag sa akin noon. I'm still figuring out kung sino 'yun. Hindi ko alam kung pinag tritripan ba ako ng mga kaibigan ko o ano. Parang wala naman akong naging kaaway, tska kung mayroon man bakit hindi nalang ako kausapin ng personal?.




"Yes, mom." Rinig ko kay Jace noong bumalik ito sa upuan namin.




"Nandito na si mom."




Napa inom ako agad ng tubig. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, kanina naman ay maayos ako. Umupo ako ng maayos noong nakita ko na si tita.




"Hijo" Tawag niya kay Jace.




Tumayo siJace at humalik sa pisngi ng mommy niya. Ako naman ay tumayo rin.




"Hindi mo sinabi na isasama mo ang kaibigan mo. Oh, let's seat."




Nawala ang ngiti ko roon sa sinabi niya.




"Oh, where's the your girl? Akala ko ba narito na siya?. My gosh, Jace, make sure na maganda siya ha!"




Hindi ako maka imik. I felt Jace's hands were squezing it softly.




"Actually, my, he's here" He held it tightly.




"He?!" Tumaas ang kilay nito roon sa sinabi nito.




He slowly nodded while looking at me. "Meet Korics, my. My boyfriend" He proudly said.




"WHAT!?" Gulat itong tumingin samin. "You're joking, right!?"




Umilling si Jace at pinakita ang kamay naming dalawa.



"No!." Umiling iling ito. "You're not gay, Jace!" Napa tayo na ito.



"Yes, mom, I am a gay."



"No!" Tinignan niya kaming dalawa, pinandidirian.



"I love him! Walang mag papabago roon."


Yours Truly Series #1: Why Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon