Chapter 6
"Korics!!, rito!"
Hinanap ko ang taong tumatawag sa akin. Si Kuya Basil ang sumundo sa akin. Ngumiti ako bago lumapit rito.
"Kuya!" Bati ko. Kinuha nito ang maleta ko at siya ng nag tulak.
"Hindi nakasama si mama ngayon kasi nag handa pa. Si Analain naman, hindi ko alam kung saan pumunta."
Pag labas namin ng airport ay may naka handa ng taxi sa labasan. Kaibigan niya 'yung driver kaya nakapag intay ito sa amin. Siya ang nag lagay ng bagahe sa likod at ako naman ang pumasok sa loob.
"Oh ayos na, 'tol" Sabi nito noong nasara na niya ang pinto.
Mukha mang masungit si kuya, mabait naman ito. Minsan lang talaga nakakapag bitaw siya ng masasakit na salita na hindi na niya na babawi. Noong naging kami ni Jace ay siya ang unang sumuporta at tumanggap sa relasyon namin. Ang bilin lang nito sa akin lagi ay protektahan ko ang puso ko, ayaw niya ng mangyari ang nangyari sakaniya.
Tumagal ang byahe namin dahil sa traffic. Hindi naman ako na board dahil ang daming na kwento sa akin ni kuya habang wala ako. Pansin kong bihira niya lang banggitin si Analain, madalas ay silang dalawa ni mama.
"Thank you kuya ah?... Sa pag sundo mo sa akin." Ngumiti ito sa akin.
"Wala 'yon, ano ka ba!... Ayokong maramdaman mo 'yung lungkot ko noong umuwi ako rito. Ayokong ipadanas sa'yo 'yun, 'yung parang lahat ng tao ayaw sa'yo. Masakit kasi 'yun, malungkot." He sniffed.
Namumula ang ilong nito. Noong araw na umuwi si kuya ay wala ako noon, nasa trabaho ako.. Si Ana nag aaral, si mama ay nag tratrabaho rin. Naalala ko ay ang unang pinuntahan niya noon ay ang asawa niya. He loved her so much more than his life. Tinanggap niya 'yung nangyari, tiniis niya lahat ng kirot. Kahit kailan man ay hindi niya shinare ang nangyari, tinago niya lang lahat ng sakit sa sarili niya. Tulad ng sabi niya noon.. Masarap mag mahal, masakit mag paraya.
That's how life works.
"Salamat, 'tol" Sambit niya sa lalaki.
Ako na ang kumuha ng bagahe ko. Si kuya na ang nag bukas ng pinto para sa akin. Naiwan siya sa labas ng bahay dahil maninigarilyo ito. Pag pasok ko sa loob ay na amoy ko na agad ang pag kaing niluto ni mama. Habang naka talikod ito ay lumapit ako sakaniya. I hugged her.
"Mama" Halos bulong na iyon.
Nagulat ito. "Ano ka ba, Korics!,'wag kang nang gugulat!" Sabi niya sa akin habang naka hawak ito sa dibdib niya. Iniwan nito ang hawak niyang sandok sa counter top bago ako batiin.
"Amoy Jakarta, nuks!" Sabi niya.
Tumawa ako. "Asan si Ana?" I asked. Wala siya rito eh.
"Wala, 'nak, umalis" Bumalik si mama sa pag luluto.
"Kung kailan naka uwi ako roon pa siya wala."
Nakakatampo naman. Umupo ako sa sofa at binuksan ang phone ko. Tinext ko si Jace kanina kaso hindi pa siya nag rereply. Noong natapos si mama mag luto ay sabay sabay kaming kumain. Pag tapos ay nag pahinga ako sa kwarto ko muna.
Kanina pa ako naka titig sa phone ko kung mag rereply ba siya. Nakaka tampo sila ni Analain.
"Kapag 'to hindi pa nag reply matutulog na ako!"
Nababaliw na ako sa kakahintay. Dalawang oras akong nag hihintay sa text niya kaso wala parin.
"Bahala ka nga d'yan, Jace" Pinikit ko na ang mata ko.
BINABASA MO ANG
Yours Truly Series #1: Why Not?
Short StoryYours Truly Series #1 Many people's lives can be ruined by a single mistake. How will Korics deal with it?. How can he forgive those who have betrayed him?. ©All Rights Reserved 2021 Aliyah09