Chapter 14
Sinundan nila ako hanggang labas.
"Korics anak, pag usapan na muna natin 'to. 'Wag ka na umalis, nak"
Tumigil ako sa pag lalakad. "Bumalik na kayo roon. Mag papalamig ako ng ulo."
"Korics?"
Napa harap ako sa kanila noong may tumawag sa akin. Pumunta si Jace. Lahat sila ay naka tingin sa akin. Lumunok ako.
Wala na akong pakielam, tinalikuran ko na silang lahat. Umalis ako roon. Nag punta ako sa malayong lugar. Tunog ng tunog ang phone ko habang nasa byahe ako. Pati ang mga kaibigan ko ay tinatawagan narin ako.
"Putang ina!" Sigaw ko. Nag echo ang boses ko.
Tumulo ang luha ko. I sniffed.
"Bakit ganito!?."
I felt the drops of water from my face.
"Why can't I be happy? Why not?!"
Why!?
"Bakit ba ganito!"
I stayed there until the sun is gone. Noong pauwi na ako ay tumunog muli ang phone ko. Maraming unread messages at miss calls.
From: Jace
Something happened to Ana
Napa mura ako. Muling nag ring ang phone ko. Tumatawag si mama.
"Anak, si Ana nasa hospital" I heard her sobbing.
"Pupunta na ako riyan"
Mabilis akong pumara ng taxi pag ka end ng call. Pagdating ko ng hospital na kita ko ang mommy ni Jace na nasa labas ng hospital, kasama nito si Jace. Nasa emergency hall sila mama. Nasa labas lang ito.
"Korics, Korics"
Mama hugged me tightly. Nakita ko ang kuya ko naroon sa lapag, naka tulala. " Anong nangyari"
"Nag dugo siya"
"It's my fault."
Ang tanga tanga ko. Putangina.
"Kasalan ko kung bakit nangyari 'to kay Ana"
Hindi ko marinig ang sarili ko. Umiling si mama.
"Hindi, 'wag mo sisihin sarili mo." Paulit ulit nitong sinabi sa akin.
"Pag namatay 'yung bata hindi ko mapapatawad ang sarili ko."
"Correct"
Umalis sa pagkaka yakap si mama sa akin at tumingin sa babaeng nag salita. Sinita ito ni Jace dahil sa sinabi niya.
"Dapat lang sisihin mo ang sarili mo sa lahat nangyari, Korics."
Pulang pula ang mukha ni mama tinitignan lang niya ang mommy ni Jace. "Hindi ba dapat ikaw ang sisihin? Ikaw ang dahilan kung bakit dinugo si Ana, kung hindi ka sumugod kanina ay hindi nangyari ito!. Kaya 'wag mong dinadamay ang anak ko"
Tumawa ito ng sarkastiko. "Tignan natin kung sino ang sisisihin ni Analain kapag nawala ang anak niya" She smirked.
"Hindi ba't mayaman kayo? Bakit hindi mo itry bumili ng respeto" Sabi ni kuya Basil.
"Sa pag kakasabi mo no', hijo, ikaw ang walang respeto"
"Sino ba nag sabing ginagalang kita?"
Pinigilan na ito ni mama sa pag sasalita.
"Umalis nalang kayo kung ganyan lang ang asal mo" Umirap si mama bago sila lumayo ni kuya.
"Kita mo 'yung ugali, Jace?, tapos gusto mo pa pakasalan nung una." Tumalikod ito umalis.
"Korics, let me explain"
BINABASA MO ANG
Yours Truly Series #1: Why Not?
Truyện NgắnYours Truly Series #1 Many people's lives can be ruined by a single mistake. How will Korics deal with it?. How can he forgive those who have betrayed him?. ©All Rights Reserved 2021 Aliyah09