Chapter 19
Natapos na ang isang linggo kong leave kaya't bumalik na ako sa opisina. Lahat naman ay maayos, nag kunwari akong maayos lang ako.
Since marami naman akong ipon, bumili ako ng sarili kong condo. Paunti unti ko lang inaalis ang mga gamit ko sa bahay dahil mahirap mag impake. Tuwing saturday lang akong bumibisita sa bahay. Ginawa kong busy ang sarili ko sa trabaho, madalas na rin akong hindi maka tulog dahil sa trabaho. Pinapadala na rin ako sa iba'ta ibang sulok ng Pilipinas, hindi muna ako nag iinternational dahil mahirap na baka may mangyari sa bahay tapos matatagalan pa akong umuwi.
Napag usapan narin nila kung anong mangyayari, hindi na ako nakikisali sakanila. Ayoko na lumaban, wala namang pinapatunguhan.
"Boss, lunch break na. Sabay ka sa'min?" Tanong ka opisna ko. Umiling ako.
"Kayo nalang, mamaya nalang ako"
Kahit kumukulo na ang tyan ko ay tumanggi parin ako, nag patuloy lang ako sa pag titipa ng sa keyboard. Marami akong naiwan na trabaho kaya tinatapos ko na ang lahat. Bandang 2 PM ay sinabihan na ako ng iilan kong ka trabaho na kumain na, wala naman na akong magagawa dahil napilit na nila ako. Hindi pa nila alam ang sitwasyon namin, ayokong pa alam dahil hindi naman kailangan. Nag tataka lang sila kung bakit hindi na ako sinusundo ni Jace. Simula noong nag usap kami tungkol sa nangyari ay hindi ko na ito kinausap muli. Hindi maayos ang break up naming dalawa, pero mabuti ng nakapag usap kami.
Noong pauwi na ako ay saktong tumawag si Ana.
"K-kuya" Her voice were shaking.
"Anong nangyari, Ana?"
Kanina ay nag pakuha na ako ng taxi sa guard namin para diri diretso na ang pag uwi ko. Pag labas ko ng kompanya ay naroon na ang taxi.
"S-si kuya Jace, pumunta rito sabi niya hindi niya daw kayang p-panindigan. N-noong nakaraan naman ay okay lang, b-bakit ngayon ayaw na n-niya?" Hikbi nito.
Dinig ko background nito, si kuya ito, marami itong sinabi na kung ano ano. "D-dini deny niya na s-sa kaniya 'y-yung bata."
"Kakausapin ko siya, Ana. 'Tumaha ka na. "
"'Wag na, kuya! Ako nalang ang kakausap sakaniya!"
Sinabi ko sa driver kung saan kami papunta. "Ako na ang bahala" Sabi ko at pinatay ang tawag.
Kilalang kilala ko si Jace, alam ko kung saan siya pumupunta kapag gusto niya magpaka lasing. Alam kong hindi siya mag iistay sa condo niya dahil alam niyang pwedeng pumunta roon ang mommy niya.
"Dya'n nalang po, manong" Sabi ko at binigay ang bayad sakaniya. Kilala na ako rito dahil kaibigan ni Jace ang may ari ng club. Hindi ko na kailangan mag hintay sa pila dahil nakiusap lang ako sa bouncer.
"Nakita ko si sir kanina ho na sa VIP, pero hindi ko alam kung may kasama ito." Sabi ng isang waiter. Nag pasalamat ako bago nag paalam. Siksikan sa loob kaya't nahirapan ako mag lakad. Hindi ko kabisado ang lugar kaya nahirapan akong hanapin ito.
Marami akong nalanghap ng usok ng sigarilyo, at natamaan na lasing na mga tao. Until my eyes met him.
BINABASA MO ANG
Yours Truly Series #1: Why Not?
Short StoryYours Truly Series #1 Many people's lives can be ruined by a single mistake. How will Korics deal with it?. How can he forgive those who have betrayed him?. ©All Rights Reserved 2021 Aliyah09