Chapter 13
"Korics?"
"Jace" Peke ang sigla ko.
Pumunta ako sa condo nito para bisitahin.
"Anong kailangan mo?"
"Hindi mo ba ako papatuluyin?"
Lumunok ito. Ain't funny?, pinapayagan ko silang abusuhin ang kabaitan ko?. Na ang tanga tanga ko?.
Pumasok ako sa loob, sobrang gulo ng mga gamit niya. Maraming bote ng alak ang naiwan sa coffee table.
Kumamot ito sa ulo niya. "Pumunta kahapon 'yung mga kaibigan ko."
Tumango ako."Na miss kita" I hugged him. He frozed. He didn't hugged me back, instead of hugging me kinalas niya pa ang pagkaka yakap ko sakaniya.
"Hindi pa ako naligo, mahal" Umupo ito sa sofa.
"Are you okay?"
Tumango lang ito. "Bisita ka naman sa amin mamaya, mahal.. Kahit 'yun lang." My voice broke. Hindi ito sumagot.
"Mauna na ako, dinalaw lang naman kita" Sabi ko bago pumunta ng pinto. Ni pag tingin nito sa pag alis ko ay hindi niya ginawa.
Kaya mo 'yan, Korics, mag paka tatag ka. Nag para ako ng taxi pauwi. Naalala ko pa noong naging kami ni Jace, inimagine ko na siya na ang prince na pinagka hintay hintay ko ng matagal. Parang fairytale ang kwento namin,hindi kami madalas nag aaway, masaya kami.. Akala ko talaga noon siya na, siya na 'yung una't huli kong mamahalin. Akala lang pala 'yun.
Akala ko sa mga teleserye lang mangyayari 'yung mga ganito, totoo pala sa totoong buhay. Wala naman mag aakala na sarili ko pang kapatid ang mag tratraydor sa akin. I loved them too much, but I don't deserve this kind of pain. All I ever wanted was to be happy.
Am I not enough for you, Jace?.
Pag pasok ko ng bahay ay naroon silang lahat, pati si Analain. Umigting ang panga ko.
"Paano mo 'to nagawa sa amin, Analain?. Bakit?"
Nasa gilid lang si kuya tinitignan si mama. "Ano meron?"
"Buntis" Simple nitong sinabi.
Lumunok ako. "Nag kulang ba ako sa paalala? Sa pag aaruga?!."
Hindi ito maka sagot kay mama iyak lang siya ng iyak. "Sumagot ka!" Malakas na sampal ang natamo nito kay mama. Nanlaki ang mata ko noong nakita ko ito.
"H-hindi p-po"
"BAKIT MO NAGAWA 'TO?" Tumaas na ang boses ni mama.
"Ma, I'm sorry" Tumingin ito sa akin. "I'm sorry,kuya" Tinakpan nito ang bibig nito para hindi lumabas ang hikbi niya
"Sino ama niyan?, Ana"
Tumingin ito sa akin bago sumagot. "S-si kuya J-jace"
Bumagsak ang hawak ni mama. Lahat kami ay natahimik sa sinabi niya. "''W-wag mo kaming niloloko, Analain, 'yung manliligaw mo ba 'yung gumawa niyan!?"
Pumunta na si kuya sa tabi ni mama para pakalmahin ito. Ako naman ay naka tingin lang kay Analain.
Ang sakit pala kapag sakaniya mismo nang galing.
"Kailan pa, Ana?" Sinubukan ko namang kalmahan ang tono ng boses ko.
Para akong bomba na sumasabog sa galit. Para bang unti unting winawarak 'yung puso ko.
"K-kuya"
"Sagutin mo"
"H-hindi ko alam" She looked away.
"Hindi mo alam, Ana?!. Naka gawa kayo ng bata tapos hindi mo alam!?. Sabihin mong hindi mo alam!?"
"Korics" Tawag sa akin ni mama.
"Ano, ma? Wala akong karapatan na magalit? Wala akong karapatan na masaktan?"
"Korics, kumalma ka"
Tumingin ako kay kuya. "Ikaw rin kuya?. 'Diba naiintindihan mo naman ako?. Nasasaktan ako."
"Kuya, I'm sorry" Tumayo si Ana.
Tumulo ang luha ko. "Traydor" Sabi ko bago umalis.
BINABASA MO ANG
Yours Truly Series #1: Why Not?
Short StoryYours Truly Series #1 Many people's lives can be ruined by a single mistake. How will Korics deal with it?. How can he forgive those who have betrayed him?. ©All Rights Reserved 2021 Aliyah09