Chapter 15
Handa na ba akong marinig 'yung kasinungalingan niya?. Gumawa ka ng sarili mong desisyon Korics. Kapag ayaw mo, 'wag mo pilitin ang sarili mo. Ikaw lang rin ang masasaktan sa huli kapag nalaman mo ang totoo. Guard your heart.
"Ayoko, Jace. Sorry" Binalikan ko sila mama kung saan sila nag hihintay.
Nag hintay kami roon malapit sa pinto hanggang lumabas ang doktor.
"Kamusta anak ko, doc?"
"Maayos na po ang lagay niya, ma'am. Safe na silang dalawa"
"Thank you po"
"Bale, iwasan nalang po natin ang stress sakaniya dahil may chances na tuluyang mawala si baby. "
Iniwan ko na sila roon noong nag bukas ang pinto ay pumasok ako. Sa dami ng kama sa ER ay nakita ko agad si Ana. Tulog ito. Umupo ako sa gilid nito.
"Analain" I whispered.
Hindi ko pa napapatawad si Ana sa ginawa niya. Galit ako sa ginawa nila dahil mali 'yun. Pero hindi naman matigas ang puso ko para sakaniya. I still care for her. Kapatid ko siya, natural na mag aalala ako sakaniya kahit may nagawa man siya saking mali.
"Kuya?"
Lumingon ako rito. "May masakit ba? Tatawag ba ako ng doctor?"
Umiling ito. "Kuya" She reached for my hand.
"Sorry..Alam kong hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko. Sorry, kuya, k-kung nasasaktan ka dahil sa aming dalawa. Parehas kami ni kuya Jace ang may mali.. Hindi ko dapat ginawa 'yun, sorry, kuya. Sorry lang mabibigay ko sayo-"
"Shhh, it's okay. I'm going to be okay.."I held her hand for re assurance. "Ano bang nangyari?"
She bit her lip. Nanginginig na ang baba nito, pinipigilan niyang umiyak. "Last month niloko ako ni Jian.. Nahuli ko siya noong nang ba babae. Nag kataon nagkita kami ni Kuya Jace ng araw na 'yun, nakita niya ako sa bar nag iinom... Kaya hindi ako madalas umuuwi dahil nag lalasing ako noon.. Siya 'yung nag comfort sa akin noong araw na 'yun.. "
Naka tingin lang ako sakaniya, nakikinig sa kwento niya.
"Nalasing kaming parehas.. Tapos nangyari na ang lahat. Pag tapos ng araw na 'yun hindi ko alam kung paano haharap sa'yo. Takot na takot ako kasi magagalit ka sa akin" She sniffed. Namumula ang ilong nito.
"I never inteded to ruin your relationship"
"I know, I know.." Niyakap ko na ito.
Ang sakit mag patawad kasi sariwa pa 'yung sugat. Ang hirap tanggapin, pero nandiyan na, wala ka namang magagawa pa. You can't undo the mistake. I will heal, someday.
"Sorry,kuya."
Ilang oras lang ay na discharge na rin siya. Naresetahan narin siya ng mga gamot. Kailangan nalang namin mag usap nila Jace para malaman namin kung susuportahan ba niya ang anak nila ni Ana. Tang ina ang sakit pakinggan. Si kuya ang nag contact kay Jace. Ayoko munang makipag usap sakaniya. Malapit na grumaduate si Ana, hindi naman maabutan na malaki ang tyan niya. Kailangan lang niya ipasa 'yung exam niya para maka graduate siya. Simula noong umuwi kami ay nag kulong ako sa kwarto ko, lumalabas lang ako kapag kakain. Hindi naman sa ayaw ko silang kausapin, gusto ko lang mapag isa...With my feelings?.
BINABASA MO ANG
Yours Truly Series #1: Why Not?
Short StoryYours Truly Series #1 Many people's lives can be ruined by a single mistake. How will Korics deal with it?. How can he forgive those who have betrayed him?. ©All Rights Reserved 2021 Aliyah09