Chapter 7

15 17 17
                                    

Chapter 7




Noong hapon ay nagising ako. Na ayos ko na ang lahat ng gamit ko. Nalabas ko na rin ang mga pasalubong ko. Na display na nga ni nanay 'yung magnet na binili ko sakaniya. Mag aalas sais na noong nakapag luto si nanay.



"Analain?" Tawag ni mama kay Ana. Dire diretso itong pumasok ng bahay ng hindi nag sasabi. Tumigil ito sa pag lalakad at tumingin sa amin.




"Hindi mo ba babatiin ang kuya mo?" Naka taas ang kilay ni mama rito. "Kakauwi lang niya oh?"




Mukhang pagod na ang itsura nito. "W-welcome back, k-kuya" Nauutal nitong sinabi.




"Kumain ka muna mag pahinga" Sabi ko rito.




Umiling ito. "Mamaya nalang siguro kuya." Umakyat na ito.




Nag patuloy kami sa pag kain. Pag tapos namin kumain ay nag presinta na ako na ang mag huhugas sa pinag kainan namin. Si kuya ay nasa sala nanonood. Si mama ay nasa labas nag didilig. Si Analain...hanggang ngayon ay hindi parin bumababa. Nag aalala ako sakaniya. Mukhang may problema kasi siya. Hindi ko naman alam kung pano papagaanin 'yun nararamdaman niya.



"Korics!, may nag hahanap sa'yo!" Tawag sa akin ni mama sa labas. Napa labas na ako dahil tinawag ako nito ulit.




"Ma?"Tanong koo habang palapit.




Nakita ko ang delivery man sa gilid nito. "Korics Sison?" Tumango ako.




"May nag padala po sainyo" Sabi niya at may inabot na bulaklak.




"Kaynino daw?"





Baka si Jace ang nag padala nito, baka naisipan niya na baka nag tatampo ako.




"Casey Cabrera adn others po ang sabi"




"Ah" Tanging nasabi ko.




Galing sa kaopisina ko pala ito. May naka lagay pang letter rito.




'Welcome back, boss!'




Napa ngiti ako ng malungkot. Buti pa sila ay na excite sa pag dating ko. Pag tapos noon ay pumasok ako sa loob. Nilagay ko sa flower pot ni mama ang bulaklak. Dinag dagan ko ang tubig nito. Umakyat na ako dahil sa sobrang bad trip. Nag text ako ng thank you sa group chat namin. Na aappriciate ko naman 'yung binigay nila, nag expect lang ako na si Jace 'yun.



From Jace:

Sorry, mahal...Bawi nalang ako next time.




Ngayon lang ito nag text.




To Jace:

Ayos lang po




Hindi ko alam kung bakit ako nag kukunwaring maayos lang.




From Jace:

Bukas papakilala kita kayla mommy. Kakauwi lang kasi nila kanina.




To Jace:

Yey!.. Pahinga ka na, mahal.




Iyon ang last text ko sakaniya. Hindi nanaman ako nito nireplyan. Bakit parang unti unti ay nasasanay na ako sa ganito. Ayokong malamig ang pag trato nito sa akin. Pero naiintindihan ko naman siya, baka siguro pagod lang talaga siya sa trabaho.




Natatakot ako dahil baka isang araw ay mapagod nalang siya sa akin. Natatakot akong masaktan.




2:13 AM




Alas dos na ng umaga at hindi pa ako natutulog. May gumugulo sa utak ko na ayaw akong patulugin. Iniisip ko si Jace ngayon. Kung anong mali. May nagawa ba akong mali? Pwede ko pa ba ito ma itama? O baka gusto lang niya ng space muna.



"Fuck" Mura ko.





Umiiral nanaman ang pag oover think ko. Pero paano nga kung ganoon ang nararamdaman niya?. No. Erase, erase.



Sabi niya nga ipapakilala niya ako sa pamilya niya hindi ba. Mag titiwala ako roon.

Yours Truly Series #1: Why Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon