Chapter 17
"Ana" tawag ko rito. Hindi ko alam kung paano siya papatahanin. She refused to go home when I asked her.
Tinatakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawa niyang kamay. Pinahiram ko rito ang jacket ko para hindi siya lamigin. I offered her water.
"Uminom ka"
Pinunasan niya ang pisngi niya bago uminom. Medyo kumalma naman siya sa pag inom niya ng tubig.
"Anong nangyari, Ana?." Ilang beses ko na siya tinanong rito. Kung hindi siya mag sasalita hindi ko malalaman kung anong nangyari. Para maliwanagan ako sa nangyari, ayokong mag assume basta basta.
"P-pinapunta a-ako doon, s-sabi importante r-raw pag uusapan. N-nung pumunta ako roon w-wala si kuya J-jace , mommy niya naroon. S-sabi niya n-nag pa a-anak lang raw ako kay k-kuya Jace p-para sa pera. T-tinawag niya akong malandi, ang s-sakit sakit, Kuya. Hindi ko naman ginusto 'to, hindi ko naman ginustong mangyari 'yun."
"Ano pang nangyari?"
Pinunasan niya agad ang luhang na hulog mula sa kaniyang pisngi. "Ang sabi niya ipalag lag ko r-raw 'yung bata. Sinampal niya ako no'ng sinabi kong ayaw ko. A-ayokong patayin 'yung bata. Ayokong matawag na masamang babae"
Noon pa man kapag nag palag lag ang babae tatawagin itong masamang babae, pero kapag nag pabuntis sasabihin nilang malandi. Wala na bang choice ang mga babae para sa katawan nila?.
"Pero hindi ako handa, kuya.. Graduating na ako, marami pa akong pangarap."
It felt like a blur. Kanina lang mag kausap lang kami ni Ana sa coffee shop, ngayon ay mag kaharap ang pamilya namin nila Jace. Nag tatalo ang parehas na pamilya. Nakakasawa ng makinig, makiusap, umintindi. Gusto ko nalang mawala, umalis hanggang hindi ko na madinig ang ingay nila.
"Ano, Jace?, may plano ka bang panagutan si Ana?" Tanong ni kuya.
Nasa kusina si Ana. Pinalayo ko muna ito para hindi niya marinig ang ingay nila. Pina kain ko siya dahil nalipasan nanaman siya ng gutom.
Lahat kami ay naka tingin kay Jace. Hindi ito maka sagot. "I-i--don't know"
Tumaas ang kilay ni Kuya. "Anong hindi mo alam?!" Pasigaw nitong sambit.
"Don't raise your voice to my son, young man" Singit ng mommy ni Jace.
Tumingin si kuya sa mommy ni Jace. "'Wag ka ngang mangielam, hindi naman ikaw 'yung kinakausap."
Tinago ni mama 'yung tawa niya. Dapat ay sasagot pa ang mommy niya kaso pinigilan agad ito nito si Jace.
"I'll give child support, and everything she needs"
Umiling si mama. "Child support? Pero palagi kang magiging absent sa pag laki ng bata?."
"Tita, hindi naman po-"
"Let's arrange the marriage nalang para tapos na."
"No." I said.
Lahat sila ay napatingin sa akin. "Why not? Pabor na nga iyon sa kapatid mo. Mabibigay ni Jace ang kailangan niya, and hindi niya na matatakasan 'yung kapatid mo."
"Naririnig mo ba ang sarili mo, ma'am?. Mas maayos na ang child support kaysa sa kasal, hindi pa sila parehas handa, lalo na si Ana. Parehas silang masasakal sa gagawin ninyo."
"Mas maganda na ang kasal kaysa naman tawagin ang kapatid mo na malandi. Dadalhin niya ang apelyido namin, hindi siya matatawag na malandi"
"Mas mabuti ng silang dalawa nalang ni Jace ang mag desisyon, tayong lahat ang mag gaguide sakanila" Huling sabi ni mama.
"Kaysa tayo ang mag desisyon para sakanila, hindi ba?. Tulad ng sabi ni Korics, masasakal sila sa magiging desisyon natin."
BINABASA MO ANG
Yours Truly Series #1: Why Not?
KurzgeschichtenYours Truly Series #1 Many people's lives can be ruined by a single mistake. How will Korics deal with it?. How can he forgive those who have betrayed him?. ©All Rights Reserved 2021 Aliyah09