Chapter 12

11 17 33
                                    

Chapter 12



From: Unknown Number

Lets meet up at the Chinese restaurant, at 1PM.





Noong nagising ako ay iyan agad ang nakita ko. Kilala ko na agad kung sino ang nag text. Humihiling ako na bigyan ako ng diyos ng dahilan para siputin ko siya. Ni wala akong rason na mabuhay ngayon araw. Pero ang bastos naman nito tignan kung hindi ko ito sisiputin, mommy parin iyon ni Jace kaya kailangan ko siyang galangin kahit hindi magawa sa amin iyon.



"I'll take the risk for you, Jace" Sabi ko bago pumasok sa loob.



"May reservation po, sir?"





Tumango ako. "Consuelo Suarez?"



Tinignan nito sa monitor ang sinabi kong pangalan. "Uh, yes.. Sa may dulo po, then sa left po.. A91 po"





Nag pasalamat ako bago pumunta roon. Sa bawat pag lapag ng paa ko ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. HIndi ako pwedeng umatras, kung kayang mag take ng risk ni Jace dapat ako rin. Ipag lalaban kita, Jace, hanggang sa huli.





"A91" Sabi ko noong nakita ko na ang pinto. Bukas na ito, hindi kaya narito na siya?. Tama ba 'tong desisyon ko sa buhay?. Bago ko pa ito mabuksan ay may narinig na akong ingay.







"I'm pregnant!"



Pamilyar ang boses ng sumigaw. Tinignan ko sa maliit na uka ang nangyayari.





"Analain?" Bulong ko. Napa kunot ang noo ko.





Bakit siya naririto? At bakit niya sinabi na buntis siya?!. Pag tingin ko sa bandang kaliwa ay nakita ko ang hindi ko inaasahan.



Si Jace.





"No, it can't be! I've pulled it out!. Binigyan pa kita ng pills!" I can sense the fear in his eyes. Namumula na ang pisngi nito.





"You didn't take it?" Galit nitong sambit kay Analain.





Umiling iling si Ana. "Damn it, Ana"





"Natatakot ako, kuya Jace! Ayokong malaman nila mama.. Ni kuya. Tinraydor natin siyang dalawa!" She sniffed. Patuloy lang ang pag tulo ng luha sa kaniyang pisngi. "Ayokong masira kami dahil sa kamalian na nagawa natin.. Ayokong masaktan si kuya"





"Will you keep it?"



"H-hindi ko alam! Hindi pa ako handa sa ganitong bagay!. For fuck's sake graduating na ako! Hindi ako pwedeng umulit.."





Hindi ko na pigilan umalis roon. Tumutulo ang luha ko palabas. Hindi ko inaasahan ang lahat. They've betrayed me.



'Yung dalawang importante sa buhay ko ay trinaydor ako. Kaya ba gano'n sila umarte noong nakaraang araw?. Bakit? Paano?. Gaano na katagal?. Paano nila nasikmurang itago 'yun sa akin?.



Putangina.



Si Ana ba 'yung nag tetext sa akin?, Bakit hindi nalang niya sinabi sa akin? Bakit niya nagawa sa akin 'yun?.



Hindi ko alam kung paano ako napunta sa isang hotel. Ayoko munang umuwi roon. Ayokong makita si Ana roon.





Ang sakit sakit.





Ang hirap intindihin. Ayokong tanggapin. Ayoko na ng sakit na nararamdaman ko.







Marami akong nareceive na missed call at texts mula kay Jace. Hanggang ngayon ay hindi ko parin ito sinasagot. Nasa loob lang ako ng kwarto. Hindi parin ako kumakain.



Ano bang nag kulang?. Ako ba 'yung nag kulang?.



Bakit mo nagawa sa'kin 'yun, Jace?, Ana?.





Ang kirot kirot, ang sakit.







Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa mata ko. I'll keep quiet so I can keep both of them. Gagaguhin ko nalang ang sarili ko kahit masakit.

Yours Truly Series #1: Why Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon