Chapter 11
"Sure? Tanga ka bang gaga ka?"
"Sue, 'wag mo ngang pagalitan!."
"Hindi ka sure kung kaya mong mag take ng risk katulad niya? Pota ka ba?"
Kung alam ko lang na hindi makaka tulong ang mga kaibigan ko ay hindi na ako tumawag sakanila. Niyaya pa nila ako sa club para ilabas 'yung nararamdaman ko.
"Anong reaksyon ni Jace?"
"Wala. After that umuwi na siya" Umiling ako at inikot ang kopita.
"Girl, naguguluhan ka lang. Gusto niya kayong mag pakasal sa legal na bansa at mag settle roon, hindi ba dumapo sa isip niya 'yung responsabilidad ninyo?. Oo, hindi na kayo bata pero bago kayo mag settle isipin niya muna 'yung sitwasyon. Hindi pa nga kayo tanggap ng homophobic niyang nanay!" Inis na sambit ni Phia.
Sa grupo naming mag ka kaibigan ay halo halo kami bisexual, lesbian, gays, trans,straight woman and mens. Our identity is questioned by anyone. Paulit ulit nalang na gano'n, nakakapagod na. Naiintindihan naman namin na hindi lahat ng tao matatanggap kami, at hindi naman lahat ay open sa ganito.
Sa sitwasyon namin ni Jace ay mahirap tanggapin. Parehas kaming lalaki na nag mamahalan. Pero wala namang sinabi sa bibliya na hindi pwedeng mag mahalan ang parehas na kasarian hindi ba? Bakit ang daming tutol roon.
"Ayaw niya lang kaming mag kahiwalay.."
"Baks, hintayin mo baka bigyan ka ng mommy niya ng isang milyon para layuan lang siya." Tumawa ng pagka lakas lakas si Nezea.
"Hindi ka nakaka tulong, Zea." Inis na sinabi ni Phia.
Pumagitna na ako sakanilang dalawa. "Hayaan mo na lasing na siya"
Daig pa ni Nezea 'yung may problema, siya pa ang naka ubos ng wine na binili namin.
"Baks, sayaw tayo."
Pina tayo ako nito kaya nilapag ko ang kopita ko sa table. DInala niya ako sa may dance floor. Pini pilit ko siyang umalis na roon dahil nag twetwerk na ito.
"Nezea, tara na!" Pag hatak ko rito ay nawalan ito ng malay.
Wala naman na akong nagawa pa dahil hindi naman siya magigising agad. Binuhat ko na ito papuntang table namin. Hindi ko inaasahan ang bigat niya, para akong nag bubuhat ng apat na kilong baboy.
"Help!"Nilapag ko siya sa sofa.
"Nag black out si tanga amputa" Mura ni Phia.
"She passed away" Umiiling na sinabi ni Sue.
Nagtawanan sila sa sinabi ni Sue. "Umuwi na tayo"
Sa pag alis namin ng club ay nahirapan kaming buhatin si Nezea. Apat na kaming nag buhat rito dahil sa sobrang bigat.
"Dahan dahan" Sabi ko.
Si Sue ang nag bukas ng pinto para maipasok namin si Nezea sa sofa niya. Medyo maliit ang pinto nila kaya nahirapan kaming ipasok siya. Nauntog pa ito noong pinatong sa sofa.
"Ikaw na maiwan rito Johanne."
Lumabas na ako noong sinabi ni Frost iyon. Hindi naman nag reklamo si Johanne sa pag kaka alam ko. Sa kotse ni Phil ako sumabay dahil mas malapit siya sa amin. Nangulit pa si Sue na mag drive thru kami kaya tumagal kami sa pag uwi. Pag uwi ko ay sarado na lahat ang ilaw.
"Hays, buhay!" Sabi ko bago mag talukbong.
BINABASA MO ANG
Yours Truly Series #1: Why Not?
Short StoryYours Truly Series #1 Many people's lives can be ruined by a single mistake. How will Korics deal with it?. How can he forgive those who have betrayed him?. ©All Rights Reserved 2021 Aliyah09